As the title said, I think it's time for me para tigilan ko na tong storya ko. Storyang nagbigay sa akin ng inspirasyon araw-araw. Inspirasyon para pumasok ako ng walang pang-aalinlangan. At inspirasyon para i-enjoy ang buong araw at hintayin ang oras ng uwian para gawin ang misyon ko na makasabay siya.

Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko ngayon pero isa lang ang malinaw sa akin, malungkot ako. Malungkot ako dahil napatunayan ko na hindi na masyadong uuwi si Rowell sa Dasma. Siguro kung uuwi man siya, bibihira na lang at baka isang beses sa isang buwan. Masakit para sakin malaman na magiging malayo na kami sa isa't isa kasi tuwing uwian lang naman ako may pagkakataong makasama siya tapos biglang binawi pa. Feeling ko tuloy nawalan ako ng isang mahalagang tao.

Sa pagkawala niya, maraming bagay ang magbabago pag sasapit ang uwian. Hindi ko na siya makikita sa shuttle; hindi na ako makikipagunahan sa kanya sa sakayan tuwing gabi; hindi na ako matatarantang mag-isip ng idea para masabayan ko lang siya; hindi ko na magagamit yung "overpass" strategy na nagbigay sakin ng maraming pagkakataon para makasabay siya; hindi na ako makakapag-abang sa loob ng walter after mag-CR; at higit sa lahat, hindi ko na siya makakasabay...

Kahit anong sabi ko sa sarili ko na hindi dapat ako magpaapekto sa paglipat ng lugar ni Rowell, pilit at pilit pa ring sumasagi sa isip ko ang katotohanang yun. At sa tuwing sumasagi sa isip ko yun, bigla na lang akong napapahinto, napapaisip, at nalulungkot. Hindi ko alam kung paano ko na haharapin ang mga susunod na araw lalo na't ang kinikilala kong inspirasyon ay tuluyan nang lumayo sa akin.

Siguro nga talaga sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan naman kasi bumalik yung pagnanais ko na mas makasama at makasabay siya, bigla namang tumaliwas ang mga pangyayari.

Hindi ko alam kung ito na ang huling pagkakaton na magsusulat ako dito sa munting diary ko na ito. Pero tulad pa rin ng sinasabi ko sa mga nakaraang entry ko, alam kong darating ang time na makakausap ko rin siya at pag nangyari ang pagkakataong yun, sisiguraduhin kong magiging magkaibigan na kami.

So I guess this is it, it's time for me to say goodbye. Mahirap sa akin para magpaalam pero ito yung the best way para maka-move on ako..

Thank you ipernity for giving me the opportunity para malahad ko ang lahat ng mga saloobin ko! Sa loob ng limang buwan, nandiyan ka para makinig sa akin. Thank you so much!!

---Jay-Well 4ever!!