Mixed emotions ang araw na ito. May masaya, may malungkot, at kung anu-ano pa. Actually, medyo fresh pa rin sa akin yung mga nangyari nung last night na kung saan bumisita kami sa Batangas City para dumalaw sa isang namayapang Rohman.

-----

Kaninang umaga, napag-isip ko na maupo sa unahan ng shuttle para maiba naman. Nung makita ko yung shuttle at si Famatigan yung driver, hindi na ako nag-atubiling umupo sa unahan katabi si ateng laging nauuna. Although bilad kami sa araw, okay lang kasi hindi naman masyadong nakakasilaw at hindi naman mainit sa balat.

Nung pagdating namin sa REPI, syempre tumingin tingin naman ako sa paligid at nagbabakasakaling makita ko si Rowell. Unfortunately, hindi ko siya nakita kahit na nasa canteen kami. Nakita ko lang yung kasakasama niya laging GL.

Ngayon yung araw ng awarding ng perfect attendance kaya hindi na kami nag-turnover ni Baldo kasi aakyat na rin kami right after ng chime. Pagdating namin sa taas, ang dami na kaagad tao tapos nakita ko si VJ kaya umupo ako malapit sa kanya para na rin lumipas ng mabilis ang oras. Maya-maya pa ay pinapasok na kami sa loob ng meeting room.

Nung pagpasok namin, bigla na akong kinabahan at tuwing kakabahan ako, pinagpapawisan yung kamay ko. Di ko talaga mapigilan yung pagpapawis ng kamay ko kahit na nakahawak na ako sa panyo ko, tuloy-tuloy pa rin yung pagtulo. Sinubukan kong magrelax para hindi ako kabahan hanggang sa makuha ko na yung certificate ko. Masarap lang sa feeling na makatanggap ng ganung award kasi pinaghirapan kong pumasok sa mahigit anim na buwan ng walang absent. Pero siguro mas sasaya sana kung kasama si Rowell sa awarding, kaso may absent na siya eh.

Anyways, pagpasok ko sa cleanroom, wala na ang Group C kasi mag-aalas nueve na. Nagulat ako nang makita kong tumatakbo na ang isa ko pang makina. Dahil dun, bibigat na ulit yung linya ko at dadami na ulit ang M-Rank ko. Buti na lang at smooth lang ang pagtatrabaho ko kanina.

Wala naman masyadong notable moments sa buong araw. Kanina naman sa breaktime ng gabi, sobrang layo nila Rowell pero nasa side pa rin sila samantalang kami ay malapit sa poste. Pero yung pwesto ni Amy, kitang kita si Rowell kasi pinasubok sa akin ni Amy yung pwesto niya. Nang makita ko siya, agad akong bumaling ng tingin, baka kasi makita niya rin akong nakatingin sa kanya. Yun nga lang, maaga kaming umalis sa canteen kasi tumambay pa kami sa break-area. Sa break area naganap yung una at huling notable moment ko sa buong araw. Habang masaya kaming nagkukwentuhan at naghaharutan, bigla na lang nagreact na ewan si Grace tapos nung pagtingin ko sa taong dumadaan, nakita ko na si Rowell pala yun. Kitang kita ko rin na nakatingin siya kay Casey pero hindi siya lumingon sa amin. Buti na lang at hindi na nag-ingay sila Jojo kasi baka marinig nanaman yun ni Rowell.

Sad ending ang araw na to kasi hindi ko siya nakita sa uwian. Tapos naaalala ko pa yung comment niya sa isang post niya sa FB na nagboboard na raw siya. Nung una kong nabasa yung sinabi niyang yun, hindi agad ako naniniwala pero nung hindi ko siya nakita ngayong gabi, baka nga talaga totoo yung sinabi niya. I just hope na hindi totoo yun at nagkataon lang na may pinuntahan siyang iba ngayong gabi...