Kahapon bago matulog, may hindi inaasahang nangyari. Isang pangyayaring biglang nagpabago ng napaka-gandang mood ko. Sobrang saya nung una tapos biglang sobrang lungkot. Sa pangatlong pagkakataon, muli akong umiyak nang dahil kay sir Alvin. Naging mahaba ang chat namin kahapon. Nalaman ko sa kanya na may aksyon na sa nagawa kong pagkakamali sa lote. Nasaktan talaga ako that time nang sinabi niya sa akin yun. Doon na rin yung pagkakataon na sabihin ko sa kanya yung nararamdaman ko. Habang nagchachat kami, hindi ko maiwasang malungkot. Nung matapos na kaming mag-usap, bigla na lang akong napa-iyak. Pakiramdam ko pinabayaan ako ng leader ko. Pero kahit anong mangyari, sinabi ko na lang sa sarili ko na tatanggapin ko ang consequence ng nangyari nung first night.

-----

Moving on, hindi pa rin maalis sa isip ko yung chat namin ni sir Alvin at yung consequence. Pero sa kabilang banda naman ng utak ko, hindi pa rin umaalis sa isip ko yung nangyari sa amin ni Rowell. Tandang tanda ko pa rin kung paano siya tumingin, kung paano niya ako pagmasdan ng paulit-ulit. At kapag naalala ko yung mga tingin niya, para akong nalulusaw sa kinauupuan. May halong kilig at tensyon ang nararamdaman ko kapag naiisip ko yun.

Samantala, pinilit kong maging okay sa buong magdamag. Pinilit kong parang walang nangyari. Dumating na yung moment ng turn-over. Doon na naanounce sa amin yung kapalpakan ko. Rinig na rinig ko yung mga sinasabi ni sir Ricky about sa akin at sa kung anong mangyayari. Bibigyan ako ng OP hearing at kung umabot daw ng UQI yung lote ko, pasensyahan na lang daw at bibigyan ako ng EE Form. Ayoko kong manliit sa sarili ko nung time na narinig ko yun kaya hindi ko na lang masyadong pinansin. Ang inisip ko na lang ay fill-upan na kaagad yung OP Hearing form at magdasal na sana ay hindi umabot ng UQI.

Nagtrabaho ako ng normal sa buong magdamag at kinakausap ko pa rin si sir Alvin tulad ng dati. Ayoko na kasing maulit yung sitwasyon namin na hindi nag-uusap or nagpapansinan at ako na rin mismo ang nagsabi sa kanya na wala akong sama ng loob sa kanya.

Anyways, masaya akong ikinwento kila Grace yung mga nangyari kahapon sa pagitan namin ni Rowell. Hindi ko naman maiwasang kiligin kapag naaalala ko ang mga tingin niya at panay kantyaw naman nila. Yun nga lang, walang masyadong notable moments sa buong magdamag. Nung breaktime naman ng umaga, malayo kami kila Rowell kasi puno na yung mga mesa malapit sa kanila kaya no choice kami.

Nung uwian naman, masasabi kong failed ako kasi hindi ko siya nasundan ng maigi. Masyado siyang napalayo sa akin at yung mga jeep na umaandar galing Bayan ay mabibilis kaya nung pagdating ko sa sakayan, wala na akong nakitang Rowell. Pero nung nakasakay na ako sa jeep na walang masayadong pasahero, nakita ko si Rowell sa isang jeep na wala rin masyadong pasahero. Medyo umiwas ako ng tingin kasi baka makita niya ako. Nang mauna yung jeep nila, tinignan ko yung plate number at ayun yung naging reference ko pag may traffic. Unfortunately, nung malapit na kami sa kadiwa, dun na naglaho yung jeep na sinasakyan niya. Siguro naging mabilis yung takbo nila samantalang kami ay panay hinto.

Kahit failed ako this time, okay lang kasi hindi pa rin ako nakakarecover kahapon. At kahit anong mangyari sa akin sa trabaho, magiging masaya pa rin ako dahil hindi lang sa trabaho umiikot ang buhay ko. Maraming bagay ang nakakapagpasaya sa akin, lalo na si Rowell... :)