Ngayon lang ulit ako nakapagsulat ng entry kasi medyo tinamad ako nung mga nakaraaang araw kasi lagi na lang akong failed at kakaunti lang yung mga notable moments ko. Minsan pa nga ay wala kaya tinamad na talaga ako. Pero ngayon medyo madaming emotions akong naramdaman.

-----


Kanina papasok habang nasa jeep, biglang pumasok sa isip ko yung moment na nakita ko si Rowell na nag-aabang ng jeep sa tapat ng pawnshop. Naalala ko to nung nasa kanto pa lang ako ng San Simon. Sa di inaasahang pagkakataon, yung iniisip kong moment ay mangyayari! Yep, nagulat talaga ako nang makita ko si Rowell na naka-blue tshirt at nag-aabang siya ng jeep. Unfortunately, Bayan ang sinasakyan ko that time kaya hindi siya sumakaya pero kung SM Pala-pala ang sinasakyan ko, malamang sa malamang ay sumakay siya at boom! kompleto kaagad ang gabi ko.

That time naramdaman ko nanaman yung excitement na makatabi siya. Napa-isip tuloy ako kung sa security bank na lang ako maghintay imbes na sa highway. Nagdadalawang isip lang ako kasi baka nakita na ako ni Rowell sa loob ng jeep tapos nakita pa niyang "Bayan" yung signboard tapos bigla niya akong makikita sa security bank. Baka isipin kasi nun ay sinusundan ko siya kasi alam kong magshashuttle siya ng Dasma. Nung nasa intersection na ako sa highway, nakapagdecide na ako na sa tapat ng BPI na lang ako mag-aabang para wala siyang isipin.

Buti na lang at hindi umepal yung Imus kasi hindi pa dumating kaya nauna ang Dasma. Nang nagsasakay na ng pasahero yung shuttle namin sa security bank, kalmado lang ako at kunyari ay nakatingin ako sa labas pero ang totoo, pinakikiramdaman ko kung tatabi sa akin si Rowell. Unfortunately, si Jengjeng ang tumabi sa akin. Nasa likod niya lang si Rowell at medyo napansin ko na nakatingin sa akin si Rowell. Medyo nanghinayang lang ako that time pero hinayaan ko na. Naramdaman ko na lang na sa likod ko mismo umupo si Rowell kaya may excitement pa rin akong nararamdaman.

Pagdating naman sa rohm, at habang papaakyat na kami ni Jojo sa second floor, nakita namin si Rowell na nagbibihis pero patapos na rin siya.

Sa trabaho naman, parang wala akong energy kasi naiirita ako sa sipon ko na akala ko ay okay na ako. Habang humahataw ako sa pag-ooperate, siya namang hataw ng sipon ko sa pagtulo. Maya't maya tuloy ang punas ko sa ilong ko. Anyway, maraming delay kaya mabilis na lumipas ang oras kagabi.

Tensed middle ang nasa title ko kasi nung dahil sa loteng isinalang ko sa S-42. Nagbroken kasi siya tapos nung ininvestigate ko, may ibutsu sa wafer at ang dahilan nung ay ang mahiwagang sinulid. Kakabadtrip talaga that time kasi nagkaproblema pa, tapos nananakot pa si sir Alvin. Ayoko pa naman ng ganun, nagkaproblema na nga pinapamukha pa sa akin. Haysss.

Sad ending naman kasi nung breaktime na ng umaga, hindi ko siya nakita sa grupo nila. As in wala talaga siya kasi tinignan ko rin yung mga upuan sa mesa nila. Tinignan ko kung nakahiga siya doon pero wala talaga. Maya-maya dumating si sir Mike kaya naisip ko na baka late lang din si Rowell sa breaktime. Lumipas ang ilang minuto pero wala talaga siya. Isa lang ang pumasok sa isip ko, baka nag-5:30 siya. Imposible naman kasing hindi siya magbreak eh lagi namang nagbebreaktime yun.

Nung uwian na, sinubukan ko pa ring hanapin siya mula sa naglalabasang empleyado sa main entrance. Buti na lang at maaga kaming nakasakay sa shuttle kaya maganda ang pwesto ko para makapagmasid. Maya-maya, may familiar na naka-blue tshirt at naka-sumbrero ang lumabas sa entrance. Tinitigan kong maigi pati yung kilos at kung paano siya lumakad. Hindi ko man nakita yung mukha niya, may pakiramdam ako na baka si Rowell yun pero nagtaka lang ako kasi parang Sucat yung sinakyan niya. Hindi ako sure kung Sucat yun pero ang alam ko ay shuttle yun sa harapan ng shuttle namin. Tinignan ko yung reflection ng lalaking yun sa bintana ng building pero malabo pa rin. Malakas talaga ang pakiramdam ko na si Rowell nga yun. Pero kung si Rowell nga yun, dapat ay nagbreaktime siya kanina.

Basta ang ending ko ay mag-isa lang ako pauwi. Pero infairness naman, parang ang gaan umuwi kapag walang inaalalang pag-iistalk. Parang sobrang laya ko at wala akong mission. haha.

Well, sana bukas successful na ako dahil sa last night, hindi ako magda-Dasma dahil pupunta kami sa lamay ni ma'am Lei...