Kung gaano kasaya yung turn out ng araw ko kahapon, ganun naman ka-bothering yung araw ko ngayon. Medyo disappointed din ako sa balitang nalaman ko pero dapat hindi ako magpapaapekto dun.

-----

Kaninang umaga, nagdala na ako ng makakain kong pandesal para na rin makatipid ako kahit papaano. Effective naman kasi mura lang yung nagastos ko pero busog naman ako. Habang kumakain, nakita ko si Rowell na naglalakad at nakita ko siyang pumwesto sa kabilang side malapit sa amin. Napansin ko lang na doon na lagi sila napwesto at hindi na sa mga table na malapit sa amin. Nauna na kami ni Jojo na tumayo kaya nakita ko pa si Rowell kasama yung ibang GL.

Ngayong araw nga pala unang beses ko gumamit ng hairnet. Grabe, troublesome talaga ang itsura ng buhok ko pag nasakluban na ng hairnet. Kumukulot kasi tapos kailangan mo pang hawiin ng hawiin para ma-straight ulit ng kaunti. Bearable naman siya kaya ginawan ko na lang ng paraan para hindi masyadong kumulot yung bangs ko.

Anyway, kanina rin sinabi sa akin ni sir Rikki about doon sa night patrol. Sinabi niya nga na reported yung mga napatrol kaya incase na hingian kami ng explanation, binigyan niya ako ng ilang tips para isagot. Doon na nagstart yung bothersome ko. Mas tumindi pa nung dumating yung hapon after imeeting ni sir Rhonan ang DWB. Pagpasok kasi nila Grace, tinatawag nila ako. Tinatanong nila kung nakatanggap na raw ako ng EE Form. Ang sabi ko naman ay hindi pa tapos nagtanong tanong ako sa mga details. Tinanong ko ko kung seryosong mabibigyan kami ng EE Form.

Sa loob loob ko naman, medyo disappointed talaga ako kasi ako na nga yung gumastos para sa pancit tapos ganito pa yung mangyayari sa akin. Nakakainis lang doon sa nagpatrol talaga. Walang oras na hindi sumasagi sa isip ko yung moment na anytime ay baka bigyan nga ako ng EE Form lalo na't sabi nila Grace ay meron daw talaga at nakita na nila, tatlo daw yung nakita nila. Tsk!

Moving on, hindi kami sinwerte nanaman sa canteen kaninang break ng gabi kasi ang daming tao nanaman. Wala na tuloy kaming napwestuhan na maganda na malapit kila Rowell. Natitigan ko lang siya nung papaalis na sila kasi nakaharap ako sa maraming tao kaya abot tanaw ko siya.

Nung uwian naman ay failed ako kasi akala ko sasakay si Rowell doon sa nasakyan ko ng jeep na malapit na ring umalis. Nagtangka akong sumakay kasi minsan ay sumasakay din siya sa mga ganun kaya may mga pagkakataong hindi ko nakikita si Rowell sa sakayan kahit alam kong naglakad din siya. Talagang inabangan ko siyang umakyat nung naka-upo na ako pero hindi talaga siya sumakay at nakita ko na lang siyang naglalakad papunta sa sakayan.

Siguro ang notable na moment ko lang sa kanya ay nung naglalakad na ako sa eskinita nila. Nung nakalampas kasi ako ng konti sa kalye nila, bigla akong nakarinig ng jeep sa kalsada at parang huminto. Nang tinignan ko sa likod ay sakto kabababa pa lang ni Rowell! Nagulat naman ako kasi nakita niya akong lumingon. Pero sana naman wala siyang isipin sa paglingon ko kasi sure akong nakita niya talaga akong lumingon. Hehe.

Oh well, sana maging smooth ang mga susunod na araw. Buti na lang at holiday bukas kaya walang epal na mga bossing. :P