Eto na yata yung pinaka-satisfying at masayang first day ko. Hindi ako tinamad sa buong araw at ang gaan gaan ng katawan ko kahit na may sipon at ubo ako. Ewan ko ba kung bakit ganun yung pakiramdam ko.

-----

Kanina pagpasok ko ng locker, nakita ko si sir Alvin na nakatambay na sa upuan at nagpapalipas ng ilang oras bago pumunta sa locker niya. Doon pa lang, pumasok na sa isip ko na maaga ang Paliparan at chances are, baka makita ko sir Rowell anytime. Pero nung naglalakad na kami ni Jojo sa harap ng locker niya, wala akong nakitang Rowell. Nung una hindi ko masyadong pinansin pero nung nasa canteen na kami at hindi ko pa rin siya nakikita, kinutuban na ako na baka hindi siya nakapasok or absent.

Anyway, bago ako magswipe sa chronolog, nakasalubong ko si ate Sheryl at may ibinalita sa akin. Sinabi niya na nabigyan daw ako ng EE form. Nagtaka naman ako dahil hindi naman yun totoo. Ang sabi niya ay may nakapagsabi lang daw sa kanya. Doon ko narealize na marami pala talagang chismosa sa Group C at ginawan pa ako ng kwento. Haysss...

Sa trabaho naman, masasabi kong panalo kasi kakaunti na lang ang lote. Matagal nga lang maubos lahat kasi iilan lang ang makina ko pero kung tumatakbo lahat, mabilis kong mauubos lalo na't malaya akong makakapag-multiple kasi sunday ngayon at walang mga incharge at mga epal. Moving on, hanggang sa tanghali ay hindi ko nakita si Rowell kaya tinanggap ko na sa sarili ko na absent talaga siya.

Nung tanggap ko na na absent si Rowell, bigla naman akong nabigla nang makita ko siya sa canteen nung break time na ng gabi. Unfortunately, walang bakanteng table malapit sa kanila kaya nakahanap kami ng table sa dulo na at nakatalikod pa ako kay Rowell. Siguro ang moment na nakita ko lang siya ay nung papaalis na sila dahil tumingin na lang ako sa salamin para makita ang reflection nila.

Pero ang pinakahighlight talaga ng araw ko ay nung uwian na. Super thanks talaga ako sa nagpa-traffic sa may sakayan kasi kung hindi dahil sa jeep na yun, baka hindi ko makasabay si Rowell. Maraming area-C na dumaan pero puno naman pero yung pinaka-huling area-C na nakita ko ay ang jeep na nakasakay si Rowell. Buti na lang at kasabay ko rin si kuyang matangkad kaya feeling safe ako kanina nang sumakay na kami sa jeep. Syempre ang pinaka-exciting na part ay nung nagkatabi na kami ni Rowell. Ang sarap sa feeling kasi parang hindi siya naiilang nung katabi niya ako at besides, nagagawa ko pang tumingin sa view sa pasukan samantalang siya ay nakatingin sa bandang driver kaya magkasalubong ang ulo namin. Actually nakikita ko nga yung face niya sa dulo ng mga mata ko. hehe. Pero napansin ko lang nung medyo maluwag na ay nilagay niya yung bag niya sa gilid. Para sa akin wala naman yun kasi mukhang maraming laman yung bag niya kaya baka nabigatan or nangawit or baka hindi niya lang trip na kalungin yung bag niya. Basta ang mahalag sa akin ay nakatabi ko siya at ramdam na ramdam ko siya. Hehehe..

Talagang successful ako ngayon. Buti na lang at hindi ako nag 5:30 kaya nakasabay ko siya.