Masaya naman ang buong magdamag although nakakaantok dahil may bantay kami at medyo pangit ang naging tulog ko kahapon. Ngayon ang celebration ng birthday ko kaya may konting salo-salong naganap kanina.

-----

Kanina papasok at habang nasa shuttle ako, na-surprise kaagad ako kasi nakita kong sumakay si Rowell. Hindi ko ineexpect talaga yun. Medyo pinanghinayangan ko pa eh yung inupuan niya ay ang inupuan ko din pero lumipat lang ako kasi ang pangit ng harapan ko, hindi ko ma-stretch yung mga paa ko. Pero siguro kahit naman hindi ako umalis doon, baka hindi rin siya tumabi sa akin. Nakakabigla lang talaga kasi hindi siya nag-Paliparan.

Anyways, hindi ko kasabay si Jojo sa locker kasi nagpunta siya sa GMA para sunduin si Amy para sa pancit. Habang papaakyat na ako at nakarating na ako sa locker ni Rowell, nakita ko mula sa sulok ng mata ko na naka-topless na siya at hawak niya yung damit na civilian. Alam ko rin na nakatingin siya sa akin kaya hindi na ako nagtangkang tumingin sa kanya dahil baka iba nanaman ang isipin nun.

Pag-akyat ko ng second floor, agad akong dumeretso sa grocery para bumili ng dalawang tasty para mamayang breaktime ng 10pm. Mura lang naman ang isa kaya hindi nakakahinayang na bumili ng dalawa.

Kung may isang bagay lang na ayoko sa gabing ito ay yung pagkakaroon ko ng sipon. Actually kagabi ko pa nararamdaman yung pananakit ng lalamunan ko kaya kinutuban na akong magkakasipon nga ako. Ang hirap pa naman magtrabaho pag may sipon. Nung una talagang parang wala akong ganang magtrabaho tapos nagkaproblema pa sa isa kong makina pero buti na lang at material problem yun kaya okay lang.

Dumating ang breaktime at nagmadali naming isinet-up yung mga pagkain para matapos agad. Nagmamadali kami kasi may bantay at baka puntahan kami sa break-area lalo na't napicturan sila Grace at Jojo kanina after magsialisan ng mga outgoing. So far naman nasasarapan pa rin ako sa kinakain ko kasi may panlasa pa ako. Nandoon din sa break-area si Sir Mike kaya inalok ko na siya ng pancit ko pero hindi siya kumuha, sabi niya okay lang daw. Na-open tuloy yung tungkol kay Rowell. Si sir Mike kasi yung isa sa mga nakakaalam na may crush nga ako kay Rowell pero hindi namin sinasabi yung buong pangalan. Lagi lang namin na sinasabing "R". Confident naman ako kay sir Mike na hindi niya ako ilalaglag kay Rowell.

Anyway, naging sobrang nakakaantok ang buong magdamag pero kahit may bantay, nakuha kong maidlip ng sandali at naka-target naman ako sa mga makina ko. Tapos bago magbreaktime ay naka-idlip ulit ako kahit na sobrang nilalamig na ako. Ang tindi talaga ng panlalamig ko kasi may sipon ako tapos iritable rin yung ilong ko.

Nung breaktime na ng umaga, hindi ako masyadong nakaporma kahit na tanaw ko si Rowell sa inuupuan ko kasi may mga nakaharang na taga first floor. Nung umalis naman yung grupong yun, sakto naman na nakahiga si Rowell kaya hindi ko siya na-stolen sa camera ko. Dapat talaga kukuhaan ko si Rowell pero may mga hadlang.

Finally nung uwian na, tulad ng inaasahan ko ay hindi siya nagshuttle sa Dasma. Saan naman kaya nagpunta yung lalaking yun? Si sir Robert naman hindi nagawa yung pabor ko sa kanya kasi nahihiya daw siya pero hindi pa rin ako titigil hangga't malaman ko kung saan siya lagi nagpupunta tuwing last night at last day. Hehe.

Happy rest day na lang sa akin at sa wakas, tapos na ang paggastos ko dahil sa birthday ko. haha.