Honestly, parang wala akong gana sa buong magdamag kanina. Although merong mga notable moments na nangyari pero hindi yun sapat para bigyan ako ng energy sa buong magdamag.

-----

Kanina papasok, tinignan ko kung magda-Dasma si Rowell ngayong first night kaya nung huminto sa Security Bank yung shuttle, tinignan ko yung mga umaakyat. Unfortunately, hindi ko siya nakita, meaning, nag-Paliparan siya.

Yung unang notable moment ko siguro ay nung nakababa na ako ng shuttle. Sakto kasi pag tingin ko sa mga taong nagbababaan sa shuttle na nauna sa amin, nakita ko kaagad si Rowell na nakapolo na pero hindi nakasarado. Biglang iwas kaagad ako ng tingin kasi nabigla rin ako. Then nung paakyat na kami ni Jojo, nakita ko siya na patapos na ring mag-ayos at ready to go na pataas ng second floor.

Sa break area bago mag-taiso, nalaman ko ang isang good news. Nalaman ko na Top 1 ako sa process namin sa naging resulta ng examination about quality. Natuwa talaga ako that time kasi hindi ko ineexpect na magiging top 1 ako although confident naman ako sa mga sagot ko. Nagtataka lang ako kung bakit hindi kami parehas ng score ni Grace samantalang nagkopyahan lang naman kami. Nalaman ko rin na pinakamababa pa rin si Manilyn sa process namin pero magka-tie sila ni ate Sheryl. Siguro hindi na sila nakapag-review kasi busy sa linya namin. Bukod tanging ako lang yung mataas sa line 1 operator.

Moving on, kagabi na inimplement yung pagsuot ng hairnet. Yung DWB ang nauna samantalang ang Dicing at Molding ay hindi pa. Napag-isip tuloy ako kung paano ko mapapanatili yung pagka-straight ng buhok ko pagnakasuot na ako ng hairnet. Siguro nag-iisip yung ibang tao sa buhok ko rin at yun ang una nilang pupunahin kapag nakapag-suot na ako ng hairnet. Hayss. Mga tao nga naman, ang hilig mamansin.

Naging payapa naman ang buong magdamag kasi delay delay nanaman ang delivery. Medyo winner ako kasi nakatulog naman ako ng isang oras at nung madaling araw na ako nag-hapit.

Nung breaktime na ng umaga, pumwesto ulit kami malapit kila Rowell. Fortunately natatanaw ko naman siya sa kinauupuan ko kaso nahaharangan pa rin siya ng GL na may nunal sa ilong. Napapansin ko rin na parang lumilingon sa amin yung GL na yun pero hindi ko na lang masyadong inisip at nagkwentuhan na lang kami hanggang sa tumayo na kami.

Nung uwian naman, masasabi kong failed pa rin ako. Failed ako kasi hindi na tumatalab yung "Inside Job" strategy na kung saan sa loob ng Walter ko siya tinitiktikan. Pagsakay ko kasi ng jeep biglang napupuno kaagad kaya hindi na makapag-antay ng matagal yung jeep kaya naalis na rin kaagad. Bukas gagamitin ko yung "Overpass" strategy na sadyang subok na talaga, wag lang pumunta si Rowell sa sakayan kundi, failed nanaman ako.