Ngayon lang ulit ako nagsulat kasi wala namang nangyari kahapon na notable talaga at failed din ako kaya nawalan ako ng gana magsulat. Ngayong araw yung schedule namin para sa dental cleaning. Looking forward naman ako doon at laging sumasagi sa isip ko yung moment na lilinisan na ako.

-----

Kanina papasok at hindi pa kami nakakalayo sa walter, may nadaanan nanaman kaming aksidente. Pangatlong beses na sunod-sunod na yung mga aksidenteng nadadaanan namin. Una nung first day sa zigzag, pangalawa nung sa tulay malapit sa Crown Asia, tapos pangatlo ay sa intersection sa Metro Bank. Baka bukas ay meron nanaman kaya dapat ay maghanda.

Anyway, sa canteen nung matapos na kaming kumain, nakita ko si Rowell na naglalakad para magligpit na ng kinainan niya. Doon ko na-realize na sa iba siya pumwesto at hindi doon sa side namin.

Siguro yung pinaka-highlight ng araw ko ay nung nililinisan na ako ng ngipin. Grabe naman talaga yung sakit eh, lalo na yung bandang harapan. Bawat tusok eh napapaangat yung ulo ko. Pinipisil ko na lang yung panyo ko kapag nakakaramdam ako ng sakit. Tiis-tiis na lang talaga ko at sinabi ng dentista na babalik pa ako after 1month para sa follow-up. Happy naman ako sa naging outcome ng pagpapalinis ko.

Nung breaktime naman ng gabi, hindi ko nakita yung grupo ni Rowell. Siguro baka sa iba sila pumwesto kasi medyo puno na yung mga table at ang daming tao.

Nung uwian naman, after kong magsulat sa logsheet ng shuttle, sakto pagtingin ko sa upuan ng mga buntis, nandoon si Rowell at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Naghihikab pa nga siya nung napatingin ako sa kanya kaya medyo lumihis siya ng tingin. Siguro baka nahiya.. Hehe. Nagtaka lang ako kasi nung pababa na kami, hindi bumaba si Rowell. Sa palagay ko may pinuntahan pa yun. Wala naman akong naramdaman na sad feeling kasi I'm looking forward para sa panggabi kasi doon mas malaking chance ko na makasabay siya sa jeep.