October na. Ilang araw na lang ay birthday ko na. Actually wala pa akong solid na plano regarding sa birthday ko pero isa lang ang sinisigurado ko, magiging magastos ang week ng birthday ko. Wala akong magagawa kasi once in a year lang naman mangyari yun eh, basta bahala na.

-----

Kanina nung malapit na sa zigzag yung shuttle namin papasok, bigla kaming na stuck sa matinding traffic. Nalaman na lang namin na may aksidenteng naganap malapit sa kinalalagyan namin. Buti na lang at nakaisip ng paraan si manong driver para hindi kami matagalan sa traffic. Naisip niya na sa GMA na lang kami bumiyahe kahit long cut yun. Halos magaalas-otso na nang makarating kami sa repi pero nakahabol naman ako sa chronolog bago mag-chime. Marami silang na-late sa pagswipe kasi yung shuttle namin ang unang dumating sa pinangyarihan ng aksidente.

Wala naman masyadong nangyari ngayong araw. Puro trabaho lang ang ginawa ko at kakaunti lang yung mga notable moments or parang wala nga yata halos. Konti lang din yung exposure ni Rowell.

Yung unang exposure niya ay nung tanghali habang kumakain kami. Sinabi sa akin ni Amy na nakita na niya si Rowell kaya napalingon na din ako. Pagtingin ko sa kuhaan ng tubig, nandoon siya. Expected ko na doon siya sa malayo pupwesto kasama ng ibang GL samantalang yung ibang Molding at Diebond ay nakapwesto malapit sa amin.

Anyway bago magbreaktime, nakita ko nanaman si Rowell pero this time, kakalabas niya lang ng cleanroom at nagbibihis na siya. Nakita ko siya kasi nasa loob ako ng Mizu kasama sila Amy, Grace, at Jojo. Nagdadaldalan kami doon bago lumabas. Akala nga namin ay maabutan namin si Rowell na magbihis pero nung paglabas namin, sakto ay wala na siya.

Nung nasa canteen na kami, nagtataka ako dahil hindi ko nakita yung grupo niya. Siguro sa iba lang sila pumwesto at napansin ko din na iba yung table arrangement malapit sa bintana.

Nung uwian naman, akala ko ay makakasabay ko siya kahit na parehas kaming nag-abang sa sakayan ng jeep. Marami namang dumadaang Area-C kaso nga lang ay halos puno na at isang pasahero na lang lagi ang kulang kaya nahirapan akong sumakay. Kung sasakay man ako, wala ng space para sa kanya kaya hindi talaga ako sumasakay. Nang makakita na ako ng maluwag na jeep, hindi ko na siya nakita nang lumingon ako. Ibig sabihin lang nun ay sumakay na siya sa mga masisikip na jeep na nauna.

Ewan ko ba pero parang nararamdaman ko na bumabalik yung dating ako, yung dating nalulungkot tuwing uwian. Sana bukas may masaya namang mangyari...