Di ko ineexpect na mararamdaman ko yung mixed emotions ng kinakabahan at excited sa araw na ito. Siguro malapit na nga yung time na magkausap na kami.

-----

Nagsisimula pa lang ang gabi ko ay may nangyari nang hindi inaasahan. Di ko ineexpect na makikita ko si Rowell na sumakay sa shuttle ng Dasma. Actually nung tumitingin ako sa mga sumasakay, nagulat na lang ako nang nakita ko siya at nakatingin din siya sa akin. Parang uupo nga yata siya sa upuan na inuupuan ko dahil maluwag at bandang unahan eh since na nandoon na ako, parang nag-atubili siyang umupo sa tabi ko at umupo na lang sa likod. Naramdaman ko nanaman yung feeling kapag alam kong magkasama kami sa iisang shuttle. Pagdating sa locker, nakita ko ulit siya at napansin kong naka-tsinelas lang siya. Medyo natuwa naman ako kasi hindi ko ineexpect na magsusuout siya ng tsinelas. Nasanay lang kasi ako na nakasapatos siya at iyon ang first time na nakita kong naka-tsinelas siya. Moving on, masaya kaming naglakad ni Jojo pataas ng second floor.

Kanina namang breaktime ng short break, nagsalo-salo ulit kami. This time, pancit malabon yung kinain namin. Infairness naman at nag-enjoy ako sa malabon for the first time. Gutom lang yata ako pero masarap talaga yung pancit. Masaya nanaman kami kanina kahit na wala si Grace.

Siguro yung pinaka-highlight ng araw ko ay nung after ng midnight dinner. Kasalukuyan na kasi akong nagtatrabaho nun pagbalik ko ng cleanroon nang biglang lumapit sa akin si Jojo at may sinabi siya sa akin. Sinabi niya na nabanggit daw ni Casey na hinahanap daw ni Rowell yung "JC". Nung sinabi ni Jojo sakin yun bigla akong na-shock kasi alam kong seryoso siya at nagsasabi siya ng totoo. Hindi na ako mapakali that time kasi gusto kong malaman kung bakit.. Bigla akong kinabahan na naeexcite kapag naiisip kong curious na sa akin si Rowell. Pero napaisip din ako kung bakit hindi niya narealize na ako yung JC na yun kasi kitang-kita naman sa bunny suit ko at kapag magkakasama kami nila Amy, Grace at Jojo, na at the same time is nakita naming lahat si Rowell, sinisigaw nila yung pangalan ko. So bakit hinahanap pa ako ni Rowell? Buti na lang talaga at hindi sinabi ni Casey kay Rowell na kilala niya ako. Pero tumitingin din ako sa point na paano kung gusto lang niya talaga ako makilala at hindi naman siya magagalit. Paano naman din kung nakilala niya na ako at bigla siyang magagalit at iiwas na sa akin everytime na makikita niya ako? Super lutang tuloy ang isip ko habang nagwowork. Buti na lang at hindi ako nagkaproblema sa trabaho sa kakaisip sa bagay na yun.

Tapos eto pa, mas hindi pa ako pinatahimik ng isip ko nang makita ko si Rowell na pumasok at nakipag-usap kay Casey. Ang lakas ng tibok nanaman ng puso ko. Nung nakita ko silang nag-uusap, hindi ako nakaramdam ng inggit. Mas lumamang yung kaba ko at pagka-curious ko. Bigla tuloy akong naconcious sa name plate ko sa likod ng bunny suit kasi makikita niya yung pangalan ko. Inisip ko na lang na maraming JC sa mundo at sa Rohm para masabi niya na ako yung hinahanap niya. Hindi naman sila nagtagal at maya-maya pa ay umalis na silang dalawa kaya hindi na nakita nila Jojo yung pag-uusap ng dalawa.

Nung uwian naman, expected ko na hindi magshushuttle si Rowell sa Dasma. Expected ko na rin na baka may lakad siya at sa ibang shuttle siya sumakay. Pero nung time na yun, isang bagay pa rin yung tumatakbo sa isip ko. Nararamdaman ko na rin na malapit na talaga yung oras na magkakausap kaming dalawa sa way na "confrontation". Pag-nangyari yung moment na yun, baka mahirapan akong pumasok araw-araw...

Basta bahala na. Good luck na lang sa akin sa mga susunod na araw. Sana tumapat sa birthday ko yung araw na kakausapin niya ako... Happy rest day na lang..