Honestly, hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari kahapon. Pinilit ko na lang yung sarili ko na mali lang ako ng pagkakakilala kay Rowell. Hindi siya ganun ka-bad boy. Baka lang talagang nailang siya sa ginawa namin kahapon kaya niya iyon nagawa. Haysss..

-----

Hanggang sa shuttle isa pa rin ang iniisip ko. Hindi ko maiwasang malungkot kapag naaalala ko yung ginawa niya. Sana pala hindi na lang namin siya vinideohan at sana pala hindi ko na inasa kay Amy yung pagkuha.

Wala akong highlight sa araw na ito pero may mga notable moments naman na nangyari. Pagdating namin sa rohm, sumambulat kaagad sa akin ang problemadong Jojo. Pinoproblema niya kasi yung cellphone niya dahil nagfactory reset siya. Hindi ko namalayan na mangyayari ang isang mabilis na notable moment nung malapit na kami sa chronolog. Habang naglalakad kami para mag-swipe, nag-uusap kami nila Jojo, ako at si sir Robert nang hindi namalayan ay nasa harap ko na pala si Rowell na patungo rin sa chronolog. Nasa likod niya lang ako kaya nauna siyang nakapagswipe. Siguro kung mas binilisan ko pa yung lakad, baka ako ang mauna at makita niya ako. Pero parang napansin niya rin naman kami kasi malakas yung boses namin habang naglalakad.

Sa trabaho naman, parang ganun din katulad ng kahapon pero mas marami pa ngayon. Umuwi nanaman si Manilyn kaya ang daming naiwan pero buti na lang at may advance na.

Ang pinakamasayang part ng gabi ay nung breaktime ng short break. Meron kasi kaming konting pagsasalo-salo. Nag-ambag ambagan sila para sa pancit habang ako naman ay nagcontribute na lang ng softdrinks. Maingay kami habang kumakain kasi naghaharutan pa kami. Binigyan din namin yung ibang katabing process katulad ng Dicing, Molding, at FL. Panatag naman ako sa linya ko kaya nagawa kong sumabay sa kanila na mag-overbreak kahit na may bantay kami ngayon.

Nangyari yung isa pang notable moment nung papasok na akong office galing break area. Nang tinatanggal ko na kasi yung sapatos ko, may naririnig akong naglalakad na galing hagdan. Tinignan ko naman yung taong yun habang tinatapat ko yung ID ko sa electronic lock. Pagtingin ko, si Rowell pala yung naglalakad na yun. Papunta siya sa hallway na papuntang FL. Siguro kakatukin niya lang yung Molding kaya hindi na siya pumasok sa loob.

Lumipas naman ang magdamag ng payapa. Walang natulog sa amin kasi may patrol kami. Nagawa ko ring magbreaktime ng alas-tres kasi naubusan ako ng WIP kanina at ang tagal pa ng delivery.

Nung breaktime naman ng umaga, maaga kami nakapunta sa canteen. Medyo madilim pa nga nung nakaupo kami sa lamesa eh. Naunahan namin this time yung grupo nila Rowell. Maya-maya pa ay nakita na namin na isa-isa na silang nagsisidatingan. Parang normal lang yung moment kanina habang kumakain. Parang walang nangyari kahapon. Panay tawanan pa rin kami at kwentuhan na parang kami lang yung tao sa canteen kasi ang ingay namin. Napapanisin ko nga na parang naiingayan sa amin si Rowell kasi parang pasimple siya napapalingon especially kapag tumatawa ako ng malakas. At dahil na mas nauna kami nagbreak, kami rin yung unang umalis.

At the end of the day, masasabi kong failed ako sa pagsubaybay kay Rowell kasi sinubukan kong ako naman yung mauna sa jeep. Akala ko nung hindi ko na siya makita sa lottohan ay dederetso na siya sa labasan kaya inunahan ko na siya. Kahit na maluwag yung jeep nang sumakay ako, ang bilis niyang mapuno. Ewan ko ba parang sinasadya talaga ng destiny na hindi mangyari yung strategy ko na yun. Pero deep inside naman ay okay lang sa akin na hindi kami magkasabay kasi naka-target naman ako kahapon. Bonus na lang talaga kapag nagkasabay pa kami sa mga susunod na night shift.