Medyo shocking ang naging resulta ng magdamag. Wala sa isip ko na magagawa ni Rowell yung ganung bagay.

-----

Naging normal naman lahat ng mga kaganapan simula ng pagstart ng gabi hanggang madaling araw. Siguro ifafast forward ko na lang sa part na may mga nangyari.

After kaming magbreak ng midnight, nagdecide kaming pumunta sa third floor break area para magpalipas ng oras. Mas lalong sumaya yung nung lumapit sa amin si VJ tapos nakipagkulitan din sa amin. Doon ko na tinanong sa kanya kung nagawa niya yung pinaoppagawa ko nung last day. Sabi niya hindi na raw madalas pumasok si Rowell sa cleanroom pero sabi niya itatanong niya pa rin kapag nagkaroon siya ng chance.

Siguro yung first notable moment kanina ay nung madaling araw na. Habang busy ako sa trabaho, biglang lumapit sa akin si Jojo. Sinabi niya sa akin na nandito raw si Rowell, as in. Seryoso siya that time kaya naniwala ako na nasa loob nga ng cleanroom si Rowell. Nag-isip ako ng paraan para makasiguro at para makita ko siya. Naisip ko na kumuha ng magazine. Pagdating ko sa magazine rack, nakita ko na wala ng magazine kaya tape na lang ang kinuha ko. Nagkataon din na nandoon din si Jojo kaya niloko ko siya.

Maya-maya pa, naisip ko na mag-CR para mas lalong makasigurado na nasa loob nga siya. Naisip ko kasing tignan kung nandoon yung blue shoes niya. Paglabas ko, doon ko naconfirmed na nasa loob nga siya kasi nakita ko yung blue shoes niya sa labas. Sakto nung pagbalik ko ng CR at nung pagpasok ko ng office, tapos nang magpa-frisk si Rowell. Kunyari deadma lang ako at isinuot ko na yung bunny suit ko. Naramdaman ko na lang na dumaan na siya sa likod ko pero hindi ko siya nilingon baka kasi makita niya ako na nakatingin sa kanya. Hehe.

Anyway, nung breaktime na ng umaga, nagawa naman yung plano ko na videohan si Rowell pero may hindi ko inakalang may gagawin siya na hindi ko nagustuhan. Akala ko smoothly na nagawa ni Amy yung pagvivideo sa kanya. Akala ko hindi mahahalata ni Rowell na kumukuha si Amy. Masayang masaya pa kami that time hanggang sa umalis kami sa mesa. Nung naglalakad na kami, sinabi ni Amy na nagbad-finger daw si Rowell sa camera. At napatunayan nga yun kasi nireview namin yung video. Kitang kita namin na ginawa ni Rowell yun. Medyo na-turn off ako nung napanood ko yun pero hindi ko naman masisisi siya kasi baka nga ganun din yung gawin ko incase na ako naman yung vinivideohan. Medyo nakakaasar lang kasi sila Grace kasi masyado silang obvious kaya nahalata ni Rowell na vinivideohan namin siya. Buti na lang at si Amy yung kumukuha kaya si Amy yung affected talaga. Malay ba ni Rowell na inutos ko kay Amy yun pero alam naman yata ni Rowell na sa akin yung cellphone na yun. Hopefully hindi mailang lalo si Rowell sa akin at sana hindi siya magalit sa akin.

Hanggang sa uwian iniisip ko yung pangyayaring yun. Siguro yung isa pang highlight ng araw ko ay nung uwian na. Nung malapit na kami sa walter, biglang lumipat ng pwesto si Rowell at doon siya umupo sa harapan ko mismo. Ewan ko kung napansin niya ba ako or alam niya na nasa likod niya lang ako. Pagbaba namin, dumeretso ako sa walter pero sa gilid ako ng entrance dumaan. Nung malapit na ako sa entrance, nakita ko si Rowell na hintayan ng jeep pero nakaharap siya sa may entrance kaya nag-assume ako na papasok din siya. Derederetso lang ako hanggang sa makarating ako ng CR. Paglabas ko ng CR ay dumeretso naman ako sa lottohan at umakyat sa hagdan. Habang umaakyat tinignan ko ulit yung lottohan pero hindi ko siya nakita kahit medyo nagtagal ako dun. Isa lang ang pumasok sa isip ko nang hindi ko siya nakita, naisip ko na baka sumakay na siya. Dali-dali tuloy akong naglakad papuntang labasan at sakto paglabas ko, nakita ko yung likod ni Rowell sa loob ng jeep. Buti na lang at alam ko yung kulay ng damit niya at buti na lang din at may pwesto pa sa loob. Pagpasok ko, medyo napahiya pa ako ng KONTI lang naman kasi nalaglag yung coin ko. Pinilit kong hanapin yung coin pero hindi ko na nakita. Ayaw ko namang ieffort yung paghahanap kasi nakakahiya kaya nagbayad na lang ako ng papel. Actually nararamdaman kong namumula ako that time kasi ang init ng tenga ko tapos ng mukha ko. Hindi tuloy ako makatingin kay Rowell. Nung nasa kadiwa na kami, nalaman ko na lang na dinampot ni ate yung limang piso ko pero hindi niya binalik sa akin. Napansin yata yun ng lalaki na katabi ni Rowell kasi nakatingin sa akin si kuya. Hinayaan ko na lang tuloy. Bakit habang nagbibiyahe kami, parang hindi ako masaya at naeexcite? Iniisip ko pa rin kasi yung nangyari kanina. Nung nasa San Simon na, dumeretso yung jeep kahit na sinabing Kaliwa kaya ang resulta ay sabay kaming bumaba ni Rowell. Medyo mabilis siyang maglakad actually kaya medyo binilisan ko rin yung lakad ko para hindi ako makalayo hanggang sa dumating yung point na nagkahiwalay na kami ng landas.

Bittersweet talaga ang nangyari ngayong second night namin. Sana naman may maganda pang mangyari bukas.