Hanggang ngayon naiisip ko pa rin yung last na panggabi namin na sobrang jackpot naman talaga ako. Iniisip ko ngayon kung mangyayari ulit yun sa last night. Well, sana mangyari ulit at tsaka sana makakuha ulit ako ng video niya.

Maraming nangyari sa buong magdamag. May nakakatuwa, may nakakakaba, at may nakakalungkot din.

-----

First night kagabi kaya ineexpect ko ng kaunti na magda-Dasma si Rowell pero nung nagsakay na sa Security Bank yung shuttle namin, hindi ko siya nakita. Paliparan na talaga siya sumasakay pagpapasok. Sana naman marealize niya na magastos sa pamasahe sa tricycle at mas makakatipid kung sa jeep na lang siya sumakay papuntang walter.

Anyway, nung makarating na kami sa kumpanya at nung papaakyat na kami ni Jojo sa second floor galing locker, nakita namin si Rowell na nagbubukas pa lang ng locker niya. Naka-uniform siya that time at hindi siya naka-civilian. Nagtaka tuloy ako kung bakit hindi na siya nagcicivilian. Siguro nagkataon lang.

Sa break area habang naghihintay ng Taiso, alam na ni sir Alvin na naunahan ko na siya sa Candy Crush kaya magpapa-ice cream siya mamaya. Nung tumunog na yung Taiso, nagtataka ako kung bakit ang daming tao sa office. Yun pala ay may exam ang mga Group C about quality at doon ko nalaman na kami naman ang mag-eexam kinabukasan na outgoing din.

Sa trabaho naman, parang wala ako sa sarili. Actually may nagawa akong kapalpakan nung start pa lang ng trabaho. May mali sa data ko nang nagsalang ako ng lote sa machine ni kuya Gil. Akala ko tama na ang lahat pero nung nagcut na yung machine, napansin ko na bakit DUAL yung nakikita ko sa screen na cutting. Bigla akong kinabahan. Tapos chineck ko yung ibang machine ko na same data pero nakita ko na may mali nga. Imbes na i-Andon ko kaagad, hinayaan kong matapos yung process. Ang resulta ay Half-cut. Buti na lang at naalala ko yung ginawa ni sir Alvin na pinadaan niya ulit ng cut yung shallow cut na lote dati. Dali-dali kong isinalang yung lote doon sa S-31at sinumulan kong mag-Manual operation. Nang makita ako ni kuya Robert, hindi na ako nag-atubiling sabihin yung nangyari at nagpaturo na ako kay sir Alvin kung paano mag-partial cutting. Ayun, nagawa naman namin ng maayos at walang naging problema sa lote. Talagang kabado ako nung hindi ko pa inaandon kasi nga palpak ako at baka magka-issue kapag nagkaproblema lalo yung lote.

Anyways, moving on, napalitan naman ng saya yung kabang naramdaman ko kasi kumain kami ng Pancit na dala ni Amy. Ayoko talaga sa atay kaya tinabi ko yung mga atay at hindi ako kumuha although lasang atay na yung pancit kaya hindi ako masyadong ginanahan. Saktong dami lang yung kinain ko at para na rin hindi ako masyadong mabusog para makakain pa rin mamaya.

Nung midnight dinner na, nagpa-ice cream na nga si sir Alvin habang nagpa-chicha naman ako, pa-Feng Shui ika nga kasi minalas ako kanina. Malambot na yung ice cream pero okay lang, masarap pa rin.

Hindi ako masyadong pagod nung madaling araw na kasi ang tagal dumating sobra ng lote. Magaalas-kwatro na nung dumating yung maraming lote. Pero okay lang kasi nakatulog naman ako ng sandali kaya nakapagmount na ako ng marami bago magbreaktime. Nung magbebreaktime na, doon yung time na nagreview na kami sa exam. Medyo maiksi lang yung pointers kaya confident ako na magiging madali lang. Pero may mga time na hindi ako makapagconcentrate sa pagrereview.

Siguro yung highlight ng araw ko ay nangyari nung breaktime na ng umaga. Actually maaga kami nagbreak kaya expected ko na wala pa yung grupo ni Rowell. Tama nga ako dahil nung nakapwesto na ako at habang kukuha ng mainit na tubig, nakikita ko na sila sir Mike. Doon pa lang alam ko nang anytime ay pwede kong makita si Rowell. At tama ulit ako dahil paglingon ko bandang cashier, nakita ko siya na may dalang tray na kukuha ng utensils at mainit na tubig. Pero nung pagtingin ko sa kanya, parang hindi maganda yung mood niya at parang badtrip siya nung time na yun. Ewan ko ba pero nararamdaman ko na badtrip talaga siya kasi ang lalakas ng pagbagsak ng baso niya tapos parang bara-bara siyang kumuha ng utensils at naririnig ko rin siyang pumapaltak. Binilisan ko tuloy yung pagkuha ng utensils na sakto na kukuha din siya. Nung nasa likod ko na siya, sakto naman na paalis na ako at papunta na sa lamesa namin. Kinuwento ko kila Grace yung nasaksihan ko pagkaupo ko. Then after naming kumain, nagstart na kaming magreview. Masaya yung pagrereview namin kasi maingay at magulo. Wala na kaming pakialam kung naririnig na nila Rowell yung mga pinag-uusapan namin basta nagrereview kami. Fortunately, marami rin namang pumasok sa kokote ko nung time na yun. Hindi kami nagtagal sobra at bumalik na kami sa cleanroom.

Nung uwian na, nagexam na kami. Actually sure naman ako sa mga sagot ko unlike nung nakaraang exam sa common sense. Lahat kasi nareview ko at yung ibang tanong ay common sense lang ang kailangan. Mabilis naming natapos ni Grace yung exam kahit ang lakas lakas ng boses niya.

Anyway, medyo sad lang nung uwian kasi although nakahabol si Rowell sa shuttle, hindi ko siya nakitang pumasok sa walter. It's either hindi talaga siya pumasok or pumunta kaagad siya sa lottohan at lumabas na. Ang tagal kasi namin ni sir Alvin na maglakad papuntang CR eh. Baka yung time na yun ay dumeretso na si Rowell sa lottohan. Kahit na umikot ikot ako sa walter kanina ay hindi ko talaga siya nakita. Inaccept ko na lang yung fact na hindi ko siya makakasabay at failed ako sa first night. Pero bukas ay sisiguraduhin kong magsa-success ako.