Actually, ngayon lang ako talaga nakapagdecide na magsulat kasi feeling ko swerte ako ngayon although hindi ko siya nakita nung uwian. Ngayon lang din ako nagsulat kasi sinadya ko. Hinamon kasi ako ni sir Alvin na abutan siya sa Candy crush kaya target ko per day ay 10 levels, so meaning kailangan kong i-temporarily bypass yung pagsusulat ko ng entry.

-----

Anyway, nagsimula ang araw ko ng hindi maganda. Sobrang lakas kasi ng ulan paglabas ko ng bahay. Tapos mahangin pa kaya nababasa yung ilalim na part ng pantalon ko. Buti na lang at naka-rubber shoes ako kaya hindi nababasa yung medyas ko. Siguro minalas lang talaga ako kanina kasi nung nakasakay na ako at nung magbabayad na ako sa jeep, bigla kong nakapa yung bulsa sa polo ko at nalaman kong wala yung ID ko. Dali-dali tuloy akong nagpara at mabilis akong bumalik sa bahay para kuhain yung ID. Nung nakuha ko na, nagdadalawang isip pa ako kung saan ako mag-aabang ng shuttle, kung sa security bank ba or sa BPI pa din. Napili ko yung sa BPI pa rin kaya nung saktong naglalakad ako papuntang waiting shed, nagsasakay na yung shuttle! Ayun, talagang minadali ko yung lakad ko para lang makahabol. Medyo hiningal ako pero okay lang kasi nakahabol ako. Sobrang natuwa talaga ako nung mga oras na yun.

Hindi pa ako nakakamove on nang may mangyari ulit na nakakatuwa. Nung papaakyat na kasi kami ni Jojo sa taas galing locker, nakita namin si Rowell na lumabas sa locker area niya at medyo napalingon sa amin. Nung nakaapak na siya sa mga basahan, tinignan ko siya kung titingin siya sa akin. At tama ang hinala ko na titingin din siya. Ayun, nag-"eye lock" kami ng mga 2 seconds lang naman. Para sakin nakakatuwa yun kasi bihira lang mangyari yun.

Sa canteen naman, ewan ko pero ang ligalig namin nung time na yun. Buti na lang at sa kabilang side pumwesto si Rowell kaya nakakapag-ingay ako at nakikipagbarahan din ako kila Baldo na talagang nakakatuwa naman.

Isang notable moment naman ay nung breaktime ng umaga, short break. Sa kalagitnaan kasi ng paglalaro ko ng candy crush, bigla akong kinalabit ni kuya Ruiz at bigla siyang tumingin sa likod ko, especially sa hallway. Yun pa lang alam ko na ang ibig sabihin niya. Pinaalam niya sa akin na dadaan si Rowell. Maya-maya pa ay nakita ko na si Rowell na naglalakad papunta yatang third floor.

Nung lunchtime naman, nakakatuwa kasi nag-order kami ng Jollibee. Natutuwa lang ako that time kasi nakasama nanaman ako sa ganung salo-salo. Actually yung mga ganung moment talaga ang gusto ko.

Sa trabaho naman, masasabi kong nakakapagod ulit kasi sobrang daming lote kanina. As in sobrang dami talaga kasi hapon na ay nagmomount pa ako. Buti na lang at nakisama ang mga makina ko at hindi sila nag-alarm bawat breaktime namin.

Siguro ang highlight ng araw ko ay nung magbebreaktime na kami ng gabi. Nung papalabas na kasi kami sa cleanroom, tumatakbo ako para maabutan sila Amy at si Jojo na kakapasok pa lang sa air shower, nung malapit na ako sa air shower, nakita ko si Rowell na sumisilip at tinawag yata si Eyeslee. Syempre, nung time na yun ay nag-iingay kami nila Amy at Jojo kaya napatingin tuloy sa amin si Rowell. Sobrang ingay talaga ni Jojo kasi medyo naagaw talaga yung atensyon ni Rowell. Nahiya ako that time kaya binilisan ko yung pagpasok ko sa cleanroom kahit alam ko na nakatingin pa rin siya sa akin nung mga oras na yun. Paglabas ko ng airshower, sobrang tawanan kami nila Jojo. Tapos yung tapos na akong i-frisk at habang kumekembot si Jojo, biglang sumilip si Rowell sa office na ikinagulat naman ni Jojo kasi kumekembot siya kaya napatingin siya kay Rowell. Napatawa talaga ako that time kasi parang napahiya si Jojo kay Rowell samantalang ako ay naglalakad lang papuntang locker ko. Malay ba namin na sisilip siya. Siguro tinignan niya kung nakalabas na si Eyeslee. Basta ang saya ng moment na yun. Haha.

Yun nga lang, kahit na madaming masasayang nangyari sa buong araw, hindi nangyari yung inaasahan ko nung uwian. Hindi ko siya nakita sa shuttle. Meaning baka may iba siyang pinuntahan or baka naman umuwi rin siya kasi hindi ko siya nakita sa canteen nung breaktime ng gabi.

Basta sa sobrang daming masasayang nangyari, hindi ko naramdaman yung lungkot. Gagalingan ko na lang sa candy crush! haha.