Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko dahil sobrang napaligaya ako ngayong last night namin. Hindi ko ineexpect ang naging ending ng araw ko.

-----

Ngayon lang ako nakapagsulat ng entry kasi medyo badtrip ako kahapon tapos haging pa yung pagkakasabay namin ni Rowell. Anyway, medyo panatag na akong pumasok kasi okay naman pala yung payong ko. Hindi ko kasi feel na gamitin yung isang payong nila mama kasi nasira siya kahapon. Medyo late na akong dumating sa pickup point kasi marami na sila sa PNB building kaya doon na lang ako pumwesto sa may dating waiting shed.

Anyway, meron kaming bantay kagabi kaya alerto ang lahat. Pagdating namin sa company, nagstay muna kami sa break area at nagfood trip. Kumain kami ng pancit na dala ni Amy at kumain din ako ng tinapay na dala ni Jojo tapos meron din akong Moo chocolait drink. Ang saya ng time na yun kasi salo-salo kami sa pancit.

Sa trabaho naman, masasabi kong super nakakapagod kasi ang daming lote at mayroon pa akong tinitirang delay tapos ngayon namin pinroduce yung mga MSOP8. Buti na lang talaga at bultuhan yung ibang lote kaya medyo nakakapagpahinga kahit papaano.

Nung breaktime naman ng hating gabi, as usual, dun kami sa third floor nagpalipas ng oras kasi mas malamig doon. Syemre pabor sa akin yun kasi balwarte yun ni Rowell. Baka may mga unexpected na mangyari tuwing dadalaw kami doon. Pero kanina, wala namang nangyari, at hindi ko natanong kay VJ kung anong shuttle sana ni Rowell ngayong last night pag-uwi. Hindi ko naitanong kasi marami siyang kasama.

Siguro ang pinakanakakapagod na part ng araw ay yung after break ng hating gabi hanggang breaktime ng umaga. Super hapit naman talaga ako ng mga time na yun kahit yung iba ay nanonood lang ng movie sa ukebarai ng Diebond. Nakikipanood din naman ako pagnapapadaan ako sa kanila at tsaka interesting yung pinapanood nila, "I Spit on your Grave 2" ang title ng movie. Fortunately, kahit sobrang busy ko sa linya, naging smooth pa rin yung work process ko, walang masyadong problema.

Nung breaktime naman ng umaga, as usual doon pa rin kami sa dati na malapit kila ROwell. Ang swerte ko nga sa upuan ko eh kasi kitang kita ko yung mukha niya at nakikita ko rin ang mga facial expressions na ginagawa niya. Hehe. Dahil nga sa kitag kita ko siya, naisip kong videohan yung moment na yun. Kunyari may ginagawa ako sa cellphone ko pero ang totoo, nabivideo na ako kahit nakatutok sa dibdib ni Grasya. Haha. So far ang ganda naman ng outcome ng video kasi kuhang kuha siya kahit na sulok siya tapos nahuhuli ko rin na tumingin si Rowell ng dalawang beses. Siguro naman hindi halata yung pagvivideo ko kasi malinis naman ako magtrabaho. Haha. Nung nalaman nila Grace na nagvideo nga ako, ayun pinagkatuwaan nanama nila, pero okay lang at least successful ang instant mission na yun. Hehe.\

Siguro ang pinakahighlight, nagpabuo at nagpasaya lalo ng araw ko ay nung uwian na. Actually expected ko talaga na hindi magda-Dasma si Rowell ngayon pero nung umakyat na ako ng shuttle, SIYA talaga yung una kong nakita. Para ngang automatic akong napapalingon kung saan man siya na parang may sensor ako tapos ganun din siya kasi sakto nung pagtingin ko sa kanya, napatingin din siya sa akin. Syempre iwas tingin kaagad ako at kunyari ay naghahanap ng mauupuan. Doon na ako pumwesto malapit kila Jojo at Amy.

Hindi ako natulog sa biyahe. Ewan ko basta hindi ako inaantok tapos lumilipad sa isip ko kung ano ang gagawin kong strategy para lang magkasabay kami. Hindi ko kasi ineexpect na magda-Dasma siya eh kaya nalilito ako. Akala ko matutuloy yung pagbili ko ng donut na sana ay kakainin ko pag-uwi. In fairness naman at hindi siya nagcivilian ngayong uwian. Nagtataka lang ako kung bakit pero hinayaan ko na, mas madali siyang makita kapag nakauniform lang siya. Anyway, naisip kong strategy ay yung ginawa ko kahapon na sa taas mismo niya ako magmamasid habang tumataya siya ng lotto. Nung pagbaba namin sa walter, doon siya dumaan sa isang side samantalang ako naman ay sa tapat mismo ng entrance. Pero nung malapit na ako sa entrace, bigla akong napalingon sa taong pa-intersect sa akin sa pinto. Nang makalingon ako, si Rowell pala yun at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Nang makapasok na, medyo binilisan ko yung lakad para ako ang mauna sa CR pero naramdaman ko nang mga oras na yun na umakyat siya ng second floor. Paglabas ko ng CR, agad akong umakyat sa second floor habang nagmamasid pa rin at sinisigurado kong hindi niya ako makikita. Nang mapunta na ako sa "spot", sakto nakita ko ang uniform at bag niya kaya alam kong siya na yun. Maingat ko siyang tiniktikan at umiiwas ako ng kaunti kapag nakikita ko ang buong mukha niya. Hangga't maaari kasi, dapat buhok lang ang makikita ko sa kanya kasi kapag buong mukha, baka maramdaman niyang parang may nakatingin sa kanya at baka biglang tumingin sa akin, mahirap na at baka mabuking na tlaaga ako. Actually, medyo kinabahan ako nung hindi ko makita ang buhok niya. Napaisip ako kung bakit tapos tinignan ko yung daanan sa may ATM pero wala din. Bigla akong nataranta kasi pumasok sa isip ko na PAPAAKYAT siya gamit yung escalator! Nang makita ko yung uniform niya, bigla akong talikod at kunyari ay tinitignan yung mga pang-cross stitch. Akala ko nang mga oras na yun ay mabubuko na ako. Buti na lang at may salamin doon sa store na yun kaya kahit nakatalikod ako, alam kong hindi siya lumingon sa pwesto ko at dumeretso siya sa CD-R King. Bigla tuloy akong napaisip kung saan magtatago na makikita ko pa rin siya. Naisip ko tuloy na magtingin tingin sa tindahan ng CD at i-browse yung mga laro. Syempre tumitingin ako sa cd-r king kung nandoon pa siya pero sobrang ingat ko habang tumitingin ako. Mga dalawang beses akong tumingin na nandoon pa siya pero nung pangatlong beses, wala na siya kaya lumabas ako ng konti para tignan kung nasaan na siya. Nang makalabas ng konti, nakita ko siya di pa kalayuan sa Cd-r king kaya nagpull-back ako sa paglalakad at naghintay ng ilang segundo para makalayo siya. Nang malapit na siyang makaliko sa hagdan pababa, bumaba na rin ako gamit yung isang babaan na malapit sa mga ATM. Binilisan ko na lang yung lakad para incase na makaliko rin ako, matatanaw ko pa rin siya kahit na nasa labas na siya. Tulad ng inaasahan ko, nasa labas na nga siya nang nakaliko ako at sumakay na siya sa ilalim ng overpass. May pakiramdam ako na hindi pa masyadong puno yung jeep na sinakyan niya kaya binagalo yung lakad. Nang makalabas na at makapunta na sa tabi ng highway, nakita ko na yung jeep na sinakyan niya at dali-dali na akong sumakay kasi kung sa labas titignan, medyo masikip na pero meron pa namang mauupuan kaya nakaupo ako. Presto! Nung time na nakaupo na ako, sinabi ko sa sarili ko na SUCCESSFUL ang mission ko. Ayun, jeepney lovestory nanaman ang ending. Haha. This time, siya naman yung nasa dulo malapit sa pasukan nung malapit na sa area-c. Ako yung nagsabi sa driver na ikaliwa yung jeep sa simbahan. Nung malapit na siya sa kanto ng bababaan niya, nagpara na siya at napalingon ako ng bahagya sa kanya. Intensyon ko na bahagya lang na tumingin kasi inalam ko lang kung lilingon din siya sa akin at tama nga ako kasi sa dulo ng mata ko, bahagya kong nakita na nakatingin siya sakin nung bababa na siya. Hehe. Akala niya siguro titignan ko siya ng buo.

At doon nagtatapos ang masaya at swerteng araw ko. Happy rest day sa akin at sa kanya.