Parang feeling ko buong magdamag ako masaya kahit na medyo nagkamali ako ng kalkulasyon sa bandang huli pero na-realize ko na okay lang pala yun.\

-----


Maulan kanina nung papasok na ako. Akala ko maiispoiled yung mood ko dahil sa ulan pero hindi ko hinayaan yun at nanatili akong good vibes. Hanggang sa pagpasok sa company good vibes pa rin ako lalo na't nung nakita ko si Rowell sa may canteen kasi bumili ako ng pagkain. Nang nasa cashier na ako, nakita ko siya na kumakain sa may pwesto nila tuwing umaga.\

Kahit na pangit yung part ng trabaho, hindi naging dahilan yun para mawala yung good vibes ko. As usual busy mode pa rin ako kaya hindi na ako nagbebreak ng short break.

After ng midnight dinner namin ay nagdecide kami nila Grace na pumunta sa third floor break area para magpalipas ng oras. Hindi kasi kami makapag-ingay sa second floor eh. Nung nasa third floor na kami, sakto break time na nila. Ang sabi nila Grace, nakita daw nila si Rowell sa may office pero ako, hindi ko siya napansin kasi si Fenalyn yung napansin ko. Medyo nagtagal din kami sa break area ng third floor tapos nandoon din si VJ

Ang nagpaboost sa akin ng super good vibes ay nung breaktime na ng umaga. Doon kami pumwesto malapit kila Rowell, as in katabing lamesa lang namin kaya medyo awkward nanaman pero okay lang. Nagpaboost yun ng good vibes kasi pinatugtog ko yung mga patamang songs ko kay Rowell especially yung "Manhid Ka" na song ni Vice Ganda. Ang sarap ng feeling habang pinapatugtog yun tapos malakas pa. Napatingin nga si sir Mike sa cellphone ko eh pero sana hindi niya lagyan ng meaning.. Hehe.

Wala akong highlight ngayon pero notable moment meron. Unfortunately, hindi nakasakay si Rowell ng Dasma kasi puno na kaya nakita ko siyang bumaba ulit at nag-Imus na lang. Dahil doon, nagkaroon ako ng idea para masabayan ko pa rin siya sa jeep. As usual, nauna ang Dasma sa walter. Pagbaba ko, sarado pa yung walter kaya dumeretso ako sa sakayan pero imbes na dumeretso nga talaga, umakyat ako ng overpass sa may intersection at nagmasid masid ng konti. Nung nararamdaman kong medyo matatagalan yata yung IMus na makarating ng shuttle, nagdecide akong pumunta sa may bandang mercury drug para mag-abang at gawin ang dating gawi. Tamang tama habang naglalakad ako papuntang mercury, nakita ko na yung shuttle ng Imus. Ilang minuto muna ang pinalipas ko bago ako pumasok ng walter para makasiguradong hindi niya ako makikita. So far successful naman ako for "zero" visibility at lumabas kaagad ako at nagpunta sa overpass para magmatyag. Sinubukan kong ako muna ang sumakay ng jeep para sakaling siya naman ang sumunod. Pero nung mapupuno na yung jeep at nararamdaman kong hindi pa siya lalabas ng walter, bigla akong lumabas at umakyat ulit ng overpass. This time, nakita ko na siya at nakita kong papunta siya sa sakayan. Doon pa lang parang nakita ko na ang pagka-fail ko pero sinubukan ko pa rin siyang sundan. Hinyaan ko muna siyang makalayo bago ako bumaba ng overpass. Ang pagkakamali na ginawa ko ay sumakay ako sa unang jeep na nakita kong area-C na liliko at magkakataon sanang makikita ni Rowell. Ang hindi ko alam, yung mas nauna pang jeep (two vehicles ang pagitan) ay Area-C din. Siguro kung doon ako sumakay, malamang magkasabay kami ni Rowell. Nakita ko kasi na sumakay siya doon sa jeep na yun. Manghihinayang na sana ako pero nung pagdating sa kadiwa, nakita ko siya na nakadungaw kasi nasa dulo na pala siya ng jeep na sinakyan niya. Tuwang tuwa naman ako kasi baka magkasabay pa kami sa babaan. Talagang tinitignan ko ang mga jeep sa unahan para lang mamonitor siya. Pagdating sa Area-C, naalala ko na sunday pala ngayon kaya One way lang sa simbahan. Naisip kong bumaba sa may Cebuana at sakto pagbaba ko, nakita ko rin siyang bumaba sa jeep na sinakyan niya. Buti na lang talaga at ilang jeep lang ang pagitan namin. Hindi pa rin niya alam ang presensya ko sa mga oras na yun kaya binilisan ko yung paglakad kasi baka sakaling dumaan din siya sa shortcut na dinaanan ko at magkasalubong kami. Pero doon sya dumaan sa may kalsada. Medyo napabilis lang talaga yung lakad ko kaya nung nasa kalsada na rin ako, nakita kong malayo ang agwat namin. Masyado akong nagmadali. Doon niya siguro ako nakita. Napabili tuloy ako sa bakery ng pagkain para mapaliit yung agwat namin. Nung naglakad na ulit ako, napalingon ako sa bagay na nalaglag sa bulsa ko at paglingon ko doon, nakita ko na nasa likod ko na si Rowell mula sa gilid ng mga mata ko. Tapos ayun, hinayaan ko na lang yung papel na ticket at naglakad na papauwi.

Basta kakaiba at nakakatuwa ang experience ngayon kasi kahit magkaibang shuttle at magkaibang jeep, sabay pa rin kami. Hahaha!