Happy naman ang ending ng araw ngayon kahit na super naging busy ang magdamag at walang tulog.

-----

Kanina pinilit kong hindi ma-disappoint ng marealize ko na hindi nag-Dasma si Rowell kanina pagpasok. Expected ko na nandoon siya sa Security Bank kasi first night ngayon at every first night, lagi siyang nandoon, pero this time wala siya. Pagdating sa locker at nung papaakyat na ako, nakita ko siya sa gilid ng mga mata ko na nag-aayos ng bag. Doon ko napatunayang nag-Paliparan siya. Bigla akong napaisip tuloy na baka siguro nag-OT siya kagabi kaya hindi siya nag-Dasma.

Anyway, wala naman masyadong nangyari sa buong mag-damag. Buti na lang at bati na kami ni kuya Robert kaya medyo maluwag na yung pakiramdam ko tuwing malapit siya sa akin. Nagkukwentuhan na rin kami tulad ng dati kaso medyo busy ako kaya umaalis kaagad ako kapag nag-uusap kami.

Sa trabaho naman, medyo marami akong ginawa kasi ang dami pang delay pero fortunately, naproduce ko naman lahat. As usual, dumating yung napakaraming lote bandang alas kwatro na kaya nag-hapit nanaman ako sa mounter kaya hindi ako nakatulog.

Nung breaktime naman ng umaga, doon ulit kami malapit kila Rowell. Nakaharap ako sa kanya pero nakatalikod naman siya. Isang lamesa yung pagitan namin pero ayos lang kasi nakikita ko naman siya kahit yung likuran lang niya. Tulog yung mga kasama niya sa mesa kaya malaya ko siyang natitignan nang walang inaalalang may makakahuli. Hehe. Maya-maya pa, umalis na rin sila.

Siguro yung highlight ng araw ko ay nung uwian. Medyo maaga natapos yung turnover kaya naka-upo ako sa pangbuntis. Makalipas ang ilang minuto, biglang dumating na si Rowell nang hindi ko namamalayan. Eto kasing insekto sa tabi ko ang napansin ko kaya nung paglingon ko bigla sa naglalakad, si Rowell pala yun pero nakita ko siyang nakatingin sa katabi kong babae kaya parang hindi niya ako napansin. Pagdating namin sa Walter, nauna ako sa kanyang bumaba at nauna rin ako sa kanyang pumuntang CR. Nang nasa salamin na ako at papalabas na ako, bigla siyang pumasok. Actually nagulat nga ako eh kasi saktong pagharap ko sa pinto, siya naman tong pasok kaya nabigla ako pero hindi ko na pinahalata at kunyari deadma lang sabay alis. Lumibot muna ako sa second floor bago ako pumunta sa look-out spot ko sa taas ng overpass. Actually, ang tagal niya bago lumabas at medyo nangalay ako. Nagtataka na nga siguro yung mag-asawang nagtitinda sa taas kasi lagi akong nandoon. Haha. Nang makita ko si Rowell na lumabas, dali-dali na akong bumaba sa kabilang side para hindi niya ako makita. Nang makababa na, medyo binagalan ko yung lakad para hindi naman halata tapos medyo tinitignan ko yung jeep na sinakyan niya baka kasi umalis na. Kahit saglit lang ang tingin ko, sinigurado kong makikita ko siya at alerto rin ako sa mga kilos ko. Gusto kong palabasin na hindi ko siya sinusundan. Nang makapwesto na sa harap ng entrance, dahan dahan na akong lumapit sa jeep at presto! Nakasakay ako dahil may mga bakante pa. Medyo masikip pero okay lang kasi nandoon din siya. Haha. Awkward nanaman yung feeling ko nung time na yun. Pinilit kong maging normal yung kilos ko para hindi ako halata. Ang hirap talaga kontrolin ng emosyon kapag nasa paligid lang yung crush mo. Haha. Ayun, ang saya tuloy ng biyahe. Buti na lang at nag-pagas yung jeep kaya medyo tumagal yung biyahe. Pagdating namin sa kanto ng area-F, narinig kong pinakaliwa niya yung jeep. Meaning, hindi siya bababa sa may San Simon. Actually mas gusto ko na siya na mismo ang magpakaliwa imbes na ako. One more thing na ginawa ko ay medyo sinakop ko yung labasan ng jeep para magpapansin. Haha. Kaya nung bababa na siya sa kanto, medyo inurong ko na lang yung paa ko kahit hindi na siya nag-excuse. Ineexpect ko nga na mag-eexcuse siya eh kaso nauna lang talaga yung pag-usog ko ng paa.

In conclusion, happy ako sa araw na to.