Parang kahapon lang yung mga kaganapan ngayon except nung uwian na. But this time, medyo nakakapagod ang araw at may mga nalaman akong sagot sa mga katanungan ko kahapon.

-----

Peaceful ang simula ng umaga dahil wala masyadong kaganapan at dahil linggo. Kanina sa canteen, inaabangan ko si Rowell pero hindi ko siya nakita kahit na nakita ko na si sir Alvin, meaning, nanjan na yung Paliparan. Siguro it just happens na masyadong mahaba yung pila kasi linggo kaya natagalan lang siya or baka nakapila pa siya nung umalis ako.

Anyways, moving on, normal din ang mga eksensa sa loob ng cleanroom except sa dami ng lote na naiwan. Grabe sa dami talaga. Sa unang tingin ko pa lang nalaman ko nang hindi ko mauubos kaya hindi ko na lang pinilit ang sarili ko.

Nung tanghali naman after magtanghalian, doon ko nalaman kung bakit wala si Rowell kahapon sa shuttle. Nalaman kong hindi pala talaga siya nagshuttle kahit sa Imus kasi gumala pala sila ni sir Ernesto (Jhun) kasama si Leefred sa Music 101. Doon ako naliwanagan na hindi naman pala ako failed kahapon. Hehe.

Actually wala masyadong notable moment sa buong araw except nung breaktime and after breaktime ng gabi. As usual doon ulit kami nakapwesto at tanaw na tanaw ko ulit siya mula sa malayo. Pero this time parang napapansin kong laging nakatingin sa amin si sir Mike, pero parang lang naman.

Yung notable moment na nangyari at siguro highlight ng araw ko ay nung nagtotoothbrush na kami nila Jojo at Aldrin. Habang nagtotoothbrush kami, biglang pumasok si Rowell sa CR. As in na-shock ako at kinabahan. Buti na lang at hindi kami naghaharutan nung time na yun kundi nakakahiya. Bigla ko tuloy sinenyasan sila Aldrin at Jojo na tumahimik at wag magsasalita ng kalokohan. Etong si Aldrin naman nakuha pang kumanta ng "Saan Darating ang Umaga". Napatawa na lang tuloy ako kasi si Budoy ang naiisip ko. Hindi ko tuloy maimagine na umiihi siya malapit sa akin! haha. Siguro kung nasa pwesto ako ni Jojo, mas maiimagine ko lalo. Lol. Saglit lang siya at umalis na rin siya. Alam kong pupunta siya sa office at naririnig ko sila Grace na tinatawag ako kaya nagtagal na lang ako sa CR para hindi ko siya maabutan sa loob. First time na nangyari na nakita ko siyang pumasok sa CR namin. I hope na sana maulit yung pagkakataon na yun. Hehe.

Nung uwian naman, katabi ko sila Jojo at sir Alvin. Actually, hinihintay ko si Rowell na makasakay at aalamin ko kung saan siya pupuwesto. Actually siya ang last na nakasakay before umandar yung shuttle. Nungpag-akyat niya ng shuttle, hindi niya alam kung saan siya pupwesto kasi puno na yata sa likod at take note, sa harapan pa mismo namin siya nalito. Haha. Ang ending tuloy ay sa harapan ko siya mismo umupo, sa pregnant seat. Nung pagbaba namin, medyo pinauna ko siya at tulad ng inaasahan ko, sumakay siya doon sa naka-abang ng jeep sa traffic light. This time, ayoko nang humabol baka kasi iba nanaman ang isipin nun. Ang ginawa ko ay binilisan ko ang lakad ko pero hindi halata at pumwesto sa likuan para sana parahin yung jeep. Pero nung papalapit na yung jeep, napara ko kaso medyo puno na kaya hindi na ako sumakay. Kahit sabi ng driver na meron pa, hindi na rin ako tumuloy kasi baka sobrang liit na ng space at masira pa ang poise ko, nandoon pa naman si Rowell. Sayang ang pagkakataon na yun pero satisfied naman ako sa mga nangyari sa buong araw. May two days pa naman ako para maka-target ng isang successful day.