Masasabi kong fair day ngayon kasi medyo maraming notable moments na nangyari sa buong araw pero hindi satisfying yung ending ng araw.

-----

Pang-umaga kami ngayon kaya hindi ako nag-eexpect na makikita ko si Rowell sa shuttle kasi nagpa-Paliparan siya tuwing pang-umaga. Pagdating sa company, tinignan ko kung kasabay namin yung Paliparan pero hindi pala kaya deretso na ako kasama sila Jojo at Amy sa canteen.

Sa canteen nangyari yung unang notable moment ko. Actually, medyo natunugan ko na na sa harap namin pupwesto si Rowell kasi nasa harap namin yung mga ibang GL ng thrid floor. Katabi ko si sir Edner nung time na nakita ko si Rowell sa malayo hanggang sa papalapit na siya sa mesa. Nagcecellphone ako nang time na yun para hindi halata at para hindi ako makatingin sa kanya. Eto namang si sir Edner tinapik pa ako at parang napansin kong medyo tinuro niya si Rowell kaya nabigla ako at bigla ko rin siyang tinapik. Tinanong ko kung tinuro niya ito pero sabi ni sir Edner, hindi naman pala kaya nakahinga ako ng maluwag. Matapos kumain nila Amy at Jojo, nauna na silang tumayo. Actually susunod na rin sana ako sa kanila pero pinigilan ako ni sir Edner at napansin ko na hindi pa siya tapos kumain kaya nagstay na rin ako. Syempre tumitingin tingin ako kay Rowell kapag nagkakataon. Nang malapit nang mag-taiso, tumayo na kaming dalawa kahit nandoon pa yung mga GL ng third floor kasama si Rowell.

Sa trabaho naman, masasabi kong okay lang kasi medyo kakaunti lang ng natira ni ate Sheryl kaya relax relax lang ako.

Nangyari yung second notable moment ko na pwede na ring maging highlight ng araw kaninang tanghali after kaming kumain sa canteen. Habang naglalakad kami papuntang grocery, napapansin kong nagpupuntahan na yung mga taga-third floor kaya naisip ko na baka makasalubong or makita ko si Rowell. Pero nung nakalampas na kami sa entrance ng canteen, lumabo na yung iniisip na yun at dumerederetso na kami. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko si Rowell na nagbabasa sa bulletin board. Actually hindi ko alam na siya pala yun. Kung hindi pa ako nakalapit sa kanya, hindi ko malalaman na siya yun. Ang eksena tuloy ay dumaan ako mismo sa likod niya eh yung time pa naman na yun, ang ingay ingay namin at medyo nagtatawanan kaya nakakahiya in case na narinig at nakita niya ako. Pero sa tingin ko, nakita niya ako. Akala ko tapos na yung awkward moment na yun pero hindi pa pala. Akala ko kasi nawala na siya at pumunta na ng canteen kaya lumapit ako sa puwesto niya sa bulletin board habang sinasabi na, "Ano kayang tinitignan niya dito?". Medyo malakas yung pagkakasabi ko kasi nga inakala kong wala na siya sa paligid pero nung pagtingin ko sa harap ng clinic, NANDOON siya at naghihintay pero nakatingin sa loob ng clinic. na-shock talaga ako nang time na yun at niyaya ko sila Grace na bilisan na yung paglakad namin papuntang break area para makalayo na rin. Sana hindi niya narinig yung sinabi ko kasi baka malaman niyang pinapansin ko siya ng todo. Hehe.

Nung breaktime naman ng gabi, medyo malayo kami sa pwesto nila Rowell pero okay lang kasi tanaw na tanaw ko siya kahit malayo. Nadidistinguish ko pa rin yung mukha niya. Pero hinay hinay pa rin ako sa pagsulyap sa kanya kasi nakaharap din si sir Mike, baka mahuli ako. Maya-maya, naisip kong kuhaan siya ng video kaya ginawa ko pero saglit lang kasi medyo pixelated pag sobrang layo. Finally at umalis na sila pero sinundan ko ng tingin si Rowell kaya nagreact nanaman si Grace. Haha.

Ayun na yung last notable moment ko kasi nung uwian na, hindi nakasakay ng shuttle si Rowell kasi medyo natagalan siya lumabas ng company. Actually nakita ko siyang kalalabas pa lang ng main entrace nang umandar na yung shuttle namin sa harapan ng building. Naisip ko na baka humabol yun ng Imus na shuttle. Nang dumeretso yung shuttle namin sa Tr/Di, nagbell nanaman yung isip ko na baka humabol siya sa Tr/Di. Pero nung nandoon na nakaabang yung shuttle namin, hindi ko na siya nakita at naisip ko na baka nga nasa loob siya ng Imus na shuttle. Pero nung nakarating na kami sa walter, mas naunang dumating yung Imus pero hindi siya nagbaba sa walter kaya nagtaka ako. Naka mindset na kasi sa akin na doon siya nakasakay pero hindi naman nagbaba ng pasahero, so meaning, wala siya doon. Hindi ko na inisip kung nasaan man siya kasi ang daming pasahero sa sakayan ng jeep at medyo natagalan ako sumakay.