Hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove on sa mga bigong panggabi ko. Hindi ko kasi ineexpect na straight 4 nights ko siyang hindi makakasabay sa uwian. Ewan ko ba, kung kailan naman nag-ayos ako ng sarili ko eh yun namang malas ko sa kanya. hayss..

-----

Kaninang papasok pa lang, hindi na ako umasang makakasabay ko siya pagdating ng uwian kasi last na ngayon at hindi siya nagshushuttle ng Dasma pag-uwian. Kahit wala akong highlights ngayong araw, may mga notable moments naman na nangyari sa magdamag.

Kanina habang papaakyat na ako sa second floor, nakita ko si Rowell na nakablack at magbibihis na ng uniform. As usual, hindi ako lumingon kasi baka iba ang isipin niya at magtamang hinala siya kaya dumeretso na ako sa taas.

Pagdating ko naman sa office, may ibinalita sa akin si sir Edner regarding sa uncut wafer. Sabi niya na sa akin daw yun pero hindi ako naniwala kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako nakapagproduce ng ganun nung first night namin at kay Kuya Gil ko binagay yung mga lote. Pero kahit alam kong hindi sa akin yun, nakakabahala pa rin kasi malaking minus din yun pagnagkataon.

May isang notable moment na nangyari kanina habang naghihintay ng taiso sa break area. Habang naglalaro ako sa cellphone ko at nakikipagkwentuhan kay Jojo, bigla akong napalingon sa taong naglalakad sa hallway. Nang makita ko na si Rowell pala yun, pinagpatuloy ko lang ang paglalaro pero deep inside, gusto ko siyang tignan habang papalayo na siya. Nang makalayo na siya, nagkatinginan kami ni Jojo at alam na kung ano ang tumatakbo sa isip namin.

Isa pang notable moment pero saglit lang ay nung madaling araw na. Habang busy ako sa linya ko, biglang lumapit si Jojo sa akin at sinabing may favor daw siya kaya sinundan ko siya hanggang sa mizu. Nang makarating na kami sa Mizu, doon ko nalaman ang dahilan kung bakit niya talaga ako tinawag. Nandoon pala sa labas ng office si Rowell na nakaupo sa mga locker pero hindi nakatingin sa direksyon namin. Nang makita ko siya, as in umiwas kaagad ako para hindi niya ako makita. Naisip ko nga na maglalabas ako ng pushcart na may mga laman na cassette pero unfortunately, walang available kaya hindi ko nagawa yung plano ko para magpakita sa kanya. Hindi naman siya nagtagal sa labas at maya-maya pagbalik ko sa mizu upang tignan ulit siya, wala na siya.

Last na notable moment ko ay nung breaktime na ng umaga. Finally at nakapwesto na rin ako na kaharap siya pero may harang. Okay lang naman kahit may harang para hindi masyadong awkward ang sitwasyon. Okay lang din kasi nakikita ko ang mukha niya. Bago ako tumingin sa kanya, tumitingin muna ako kay sir Mike kasi baka nanghuhuli siya, mahirap na baka magkaroon ng eksena. hehe. Naka-ilang beses din akong sulyap sa kanya bago sila tuluyang umalis. Doon sa moment na yun, nabawasan yung pagka-miss ko sa kanya.

At dumating na nga ang uwian. Ramdam na ramdam ko talaga ang matinding depression. Hindi ko magawang makipag-usap ng maayos sa mga kasama ko kasi tanging si Rowell lang talaga ang tumatakbo sa isip ko. Iniisip ko kung saan na siya napunta at bakit tuwing last day at last night na lang ay hindi siya nagshushuttle ng Dasma. Iniisip ko tuloy na baka iba ang inuuwian niya tuwing restday. Hanggang sa pagbaba ng shuttle, lutang pa rin ang isip ko. Ang dami kong gustong gawin pero dahil na nga sa depress ako, hindi na nagawa at pinili ko na lang umuwi.

Marahil natapos na nga ang mga bigong gabi ko pero it doesn't mean na titigil na ako sa kakahabol sa kanya. Pinapangako kong hindi ako titigil sa paghabol unless na may nagawa na siyang makakasakit ng damdamin ko...

Happy rest day na lang sa akin at sa kanya..