Mixed happenings ang mga nangyari sa buong mag-damag. May mga kaganapan kasi na expected ko nang mangyayari at meron din namang unexpected. Well mostly, unexpected happenings yung mga nangyari.

-----

Ang sarap sa feeling ng pumapasok na may bago sa katawan mo. This is the first day kasi na papasok ako with my new relaxed hair. Syempre medyo awkward sa una kasi hindi ko alam kung maganda ba talaga yung kinalabasan or hindi.

Ang unang unexpected na nangyari siguro ay nung nagbibiyahe pa lang ako papasok. Eh kasi yung jeep na sinasakyan ko, biglang nagpa-gas. Jusmiyo, ilang jeep pa yung mauuna bago kami kaya hindi na ako nakapaghintay at bumaba na ako at naghanap ng ibang jeep na masasakyan. Buti na lang at nakarating pa rin ako sa pickup ng medyo maaga.

Expected ko na first night ay magda-Dasma si Rowell pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nauna yung Imus kaya ang nangyari ay nagsakay yung Imus sa security bank na alam kong nandoon na si Rowell sa mga oras na yun. Nakonpirma ko lang na nasa security bank nga siya nang makarating na kami sa kumpany kasi sabay silang dumating ni Jojo. Nakakayamot lang nung time na yun. Kung alam ko lang na magsasakay yung Imus, sana sumakay na lang din ako nung time na huminto sa harap namin yung shuttle ng Imus sa waiting shed.

Anyway, notable moment naman sakin yung pabalik na akong break area galing canteen. On my way kasi sa break area, nagkasalubong kami ni Rowell sa bandang hagdanan. Napatingin ako sa kanya pero napansin kong parang may something sa mukha niya kasi iritable yung expression niya. Naisip ko na baka may sipon at tama nga ako kasi sinabi ni Jojo afterwards.

Well, expected ko na maraming makakapansin sa new hair ko at tama nga ako. Halos lahat sila ay nagreact. Pero okay lang naman sa akin, basta I like my new hair.

Sa trabaho naman, medyo nakakapagod nung una kasi ang dami pang tira ng previous group dahil marami nanamang naiwan si Manilyn. Ayun, hinapit ko nanaman yung mga lote.

Wala naman masyadong nangyari or notable moments sa mgdamag except nung breaktime na ng umaga. Medyo malayo kami kila Rowell pumwesto para makalayo-layo ng konti pero tanaw ko naman siya mula sa pwesto namin. May time pa nga na nakita niya ako at nakita ko rin siya. Nung tatayo na kami, tumayo sila bigla kaya pinigil ko muna sila Grace at hinayaan kong makalayo muna sila Rowell. Ginawa ko yun para hindi naman nila isiping sinusundan namin sila. Hehehe.

Wala akong highlight ngayong araw pero notable moment lang especially nung uwian na. Hindi ako nag-"overpass" strategy at "point look-out" strategy. Sa halip, dumeretso na kaagad ako sa jeep na halos walang laman. Tamang tama yung pagsakay ko kasi nasa kalagitnaan na ng pagtataya si Rowell sa lotto nang sumakay ako. Syempre may chance na sumakay din siya at mahabol niya yung jeep na muno. Maya-maya ay sumakay na siya. Nagulat pa nga ako nung tumingin ako sa kanya kasi naka-shades pa siya. Akala ko successful na ako pero HINDI pala. Bigla kasi siyang bumaba. Akala ko nga ay bumaba siya kasi nakita niya ako pero parang may something doon sa shades. Ewan, baka may binili lang o kaya may nakalimutan kasi hindi ko naman siya nakitang naglakad papunta sa sakayan eh. Ayoko namang isipin na yaw niya akong kasabay kasi no choice siya, area-c din ako at for as long as na group B ako, talagang magkakasabay at magkakasabay kami anytime. Baka nga may nakalimutan lang talaga kasi seconds lang yung itinagal niya.