Sayang at hindi ako nakapagsulat ng entry kahapon dahil sa kabagalan ng net. Although maraming moments na nakita ko si Rowell within the company, wala namang nangyaring "highlight" kahapon kaya hindi na rin ako nagsulat kahit sa microsoft word lang. At hindi ko rin siya nakita nung pauwi na. Siguro dahil mabilis na napuno yung shuttle at sa Imus na lang siya sumakay. Anyway, parang ganun pa rin naman ang araw ngayon.

-----

Kanina nakapagdecide ako na sa Paliparan ako sumakay. Fortunately, naging maaga naman ako at dahilan yun para makita ko si Rowell na parating. Nang makarating na, dumaan siya sa harap ko at tumayo siya katabi nung isang babae na kakilala niya na isang metro lang din ang layo ng babaeng yun.

Nung nakikita ko silang nag-uusap, parang naiinis ako na naiinggit doon sa girl kasi buti pa yung babae, nakakausap si Rowell, samantalang ako hanggang tingin lang. Maya-maya pa ay dumating na yung shuttle. Buti na lang at nakasakay kaagad ako dahil sa tapat ko mismo huminto yung shuttle. Pero pinauna ko pa rin yung mga babae bago ako sumakay. Pagsakay ko humanap ako ng mapupwestuhan at napili kong tabihan yung isang lalaki na kilala ko sa mukha na taga-TUP din na QA at dating Dicing. Actually may itsura siya pero hindi ganun yung mga type ko. Nung nakaupo na ako, nakita ko si Rowell na naghahanap ng uupuan. Dalawang upuan lang ang layo ko sa kanya.

Moving on, nung nasa canteen naman, unfortunately hindi siya umupo sa harapan namin kasi wala yata siyang nakitang taga-third floor kahit nandoon sila ma'am Caren. OR baka naman talaga ayaw niyang umupo doon.

Masasabi kong less energetic yung last day ko dahil hindi ko nga masyado siyang nakita at hindi ko nanaman siya nakita sa uwian. Inisip ko na baka sa iba nanaman siya sumakay dahil may lakad siya.

Basta, happy rest day na lang!