It was a blessed day for me. May dalawang bigtime na nangyari ngayong araw. Pero yung pangalawang interaction, ang weird ng feeling.

-----

Kanina nakapag-decide ako na sasakay na lang ako sa Paliparan para mahaba yung tulog ko. Ang akala kong magiging maaga pa rin ako, eh muntik na pala akong maiwan kasi nakarating ako sa stoplight, nakita ko na yung shuttle na papalapit sa pick-up point. Pero buti na lang at mabilis akong umaksyon kaya nakasingit din ako at nakaupo pangalawa sa dulo ng shuttle. Actually kung umupo yung kuyang nsa harapan ko sa inupuan ko kanina, siguro magkatabi kami ni Rowell sa dulo which is sobrang awkward para sa akin. Okay lang basta malapit siya sa akin.

Ang first interaction ko sa kanya ay nangyari mismo sa shuttle. Nang makita ko kasi yung logsheet, naisip ko na ako ang masasaktuhan ng pag-abot sa likod, which is na si Rowell ang makakaabot. Medyo tense ako that time kasi baka i-reject niya or baka matulog siya kung kailan nasa akin na yung logsheet. Pero nung iaabot ko na, buti na lang at kinuha niya. Siguro mga 2 seconds bago niya abutin. Hindi ko na kasi tinignan kung tulog siya, basta na lang inabot ko. Nung pabalik na yung logsheet, akala ko siya pa rin ang magbibigay sa akin, pero hindi pala, pinasula niya rin kasi yung mga katabi niya.

Anyways, nung nakapila na ako sa entrance, napansin ko na si Rowell pala yung nasa likod ko. Hindi ko inexpect yun kasi ang bilis kong nakapila tapos siya nasa likod pa kanina. Ang saya lang ng feeling na may magandang nangyari sa pagpasok ko kanina. haha.

Kanina naman sa canteen, pumwesto nanaman siya sa malapit sa botika. Akala ko doon nanaman siya pupwesto pero hindi pala. Okay lang kasi wala naman yata siyang kilala sa tapat na lamesa namin.

Sa trabaho naman, okay lang. Dalawang machine lang yung tinutukan ko kaya medyo hindi nakakapagod kahit na medyo maraming lote ang naiwan. Wala naman masyadong nangyari nung nasa work na ako at hindi ko rin masyadong nakita si Rowell sa loob ng cleanroom or sa kung saan pa.

Nung breaktime na ng gabi, nakapwesto na kami sa likod ng mesa nila. Although nakatalikod siya sa akin, okay lang at least nakikita ko siya nang hindi niya nalalaman.

Siguro ang highlight ng araw ko ay nung uwian na. This time kasi, kinapalan ko na ang mukha ko. Nung nakita kong sinakyan niya yung jeep na nakahinto, doon na rin ako sumakay. Siguro iba ang inisip nun pero okay lang, ayoko rin namang maglakad ng malayo and besides, talaga namang area-C ako noh. Hehe.

Actually kinabahan ako nung magbabayad na ako kasi katulad nang kanina sa shuttle, baka hindi niya iabot. Nagdalawang isip talaga akon kung magbabayad na ba talaga ako. Hindi ko na pinatagal at nagbayad na ako. Kabado talaga ako nung inaabot ko na sa kanya yung bayad ko. 2 seconds din bago niya abutin yung bayad ko. Hindi ko naaalala kung sinabi niya bang "bayad daw po" basta ang pagkakaalala ko lang, medyo may diin nung inabot niya na yung sukli ko. Hindi naman masyadong madiin. Yung parang tamad na pag-abot ang ginawa niya or something like that. Basta naramdaman ko yung daliri niya na lumabat sa palad ko. Haha. Tapos nun awkward nanaman. Buti na lang at bumaba na kaagad yung ibanag pasahero kaya nandoon na ako sa dulo at nagmoment kunyari. Masaya din kasi hindi siya bumaba sa San Simon. Ineexpect ko kasi na bababa yun pero hindi pala. Nagsabi ako sa driver na pakikalawa pero nung nasa simbahan na, sumigaw yung driver na diretso na jeep kaya napilitan kami ni Rowell na bumaba na lang. Pagbaba namin, kumaripas na ako ng lakad. haha. Ewan ko ba, parang nahihiya ako nung time na yun kaya binilisan ko na lang. Okay lang na bilisan kasi sobrang KOTA na ako ngayong araw. haha.