Masasabi ko na satisfying naman ang first day ko although pagod ako sa trabaho at medyo puyat ako kaya medyo groggy buong araw.
-----

Holiday ngayon kaya medyo maluwag yung shuttle. Pang-umaga kami ngayon kaya hindi na ako nag-eexpect na makikita ko si Rowell sa shuttle kaninang umaga.

Anyway, notable sa akin yung moment sa canteen kasi medyo surprising na nakita ko si Rowell sa lamesa na nakaharap sa amin. Hindi ko talaga ineexpect yun kasi busyng busy ako sa cellphone ni Baldo tapos medyo nagkukulitan pa kami kaya medyo may pagka-malakas yung boses ko. Nung nakita ko siya bigla akong na-conscious, baka kasi sobrang napalakas yung mga salita ko eh hindi pa naman ako alerto nung time na yun, tapos kung anu-ano pa ang mga pinagsasabi ko. Syempre panay sulyap na ako sa kanya nung nakita ko na siya. Alam ko na tumitingin din siya sa amin pero pa-sulyap lang din siguro. Nauna na siyang umalis sa mga kasama niya.

Sa trabaho naman, talagang nakakapagod kasi ang daming natirang lote. Buti na lang at puro bulto yung iba kaya nakapagconcentrate ako sa ibang machine.

Medyo napapadalang na lang yung pagpunta niya sa loob ng cleanroom namin. madalas na magpunta sa loob ay yung mga operator niya. Pero okay na rin na kahit saglit, nakita ko siya na pumasok sa tulong ni Jojo. Sinabi niya kasi sa sakin na papasok si Rowell kaya nag-abang kami parehas until sa dumating na nga siya. Haha.

Nung breaktime naman ng gabi, medyo minalas kami sa upuan kasi hindi kami nakapwesto sa may bintana na malapit kila Rowell kasi puno na kaya no choice kami at doon na lang kami pumwesto sa dati.

Napapansin ko lang na parang si Jojo lagi yung nakakatyempo kay Rowell katulad kaninang after ng breaktime ng gabi. Kung hindi ako nagwithdraw galing canteen at kasama akong maglakad sa kanila sa office, naabutan ko rin si Rowell na nagbubunny suit. Pumasok kasi ako sa office nang wala na siya at sila Jojo lang ang nakakita.Tapos medyo naghintay ako sa labas habang nakaabang sa lalabas ng air shower. Maya-maya pa, nakita ko na siya. Para hindi niya ako makitang nakatingin, lumakad na rin ako papuntang CR.

Nung uwian na, habang nasa shuttle, nakita ko siyang umupo sa harap ni Jojo. Pero bago siya umupo, nakita namin siya na tumawa. Doon nagkatinginan kami ni Jojo at isa lang ang naisip naming dalawa - nagpapapam-pam siya. Haha.

Siguro ang highlight ng araw ko ay nung nasa jeep na. Hindi ko inakalang magkakasabay kami. Siguro kung huminto yung jeep mismo sa harap ni Rowell, magkatabi sana kami sa unahan ng jeep. Medyo mabilis kasi yung takbo kaya huli na nung nakapreno kaya sa likod na lang siya sumakay imbes na sa harapan. Pero malakas talaga ang kutob ko na dapat talaga ay uupo siya sa tabi ko kasi mahilig din siya sa unahan eh. Peo kahit hindi nangyari yun, at least magkasabay kami sa iisang jeep at okay din sa akin na hindi siya bumaba ng San Simon. Napansin ko rin na nung malapit na kami sa kanto ng bababaan niya, parang hinihintay niya akong mag-Para eh kaso nakapagdecide ako na sa arko ako bababa kaya siya na lang yung nag-para. hehe.

Kahit na pagod ako ngayong araw, sulit naman kasi feeling ko buong-buo araw ko nang dahil nanaman sa kanya.