Medyo sad ang ending ng araw ko ngayon although ineexpect ko na ganun nga ang mangyayari pero mas higit pa doon ang nangyari.

-----

Haggard ang travel ko papuntang pick-up point kanina. Naipit kasi ako sa traffic bandang UMC. Nagdalawang isip ako kung bababa na ba ako sa jeep at maglakad na lang papuntang PNB or sa may security bank na lang ako mag-aabang. Dumaan ang ilang minuto at nakaalis na rin ako sa traffic pero nang nasa highway na kami, traffic pa din kaya bumaba na talaga ako sa jeep tapos naglakad ako ng mabilis at tumawid sa kabilang side. Nang nasa kabilang side na ako, nakita ko na yung shuttle na nagsasakay kaya binilisan ko pa yung lakad. Maya-maya pa umandar na yung shuttle. Alam kong hihintuan naman ako kaya medyo binagalan ko na yung lakad tsaka ko pinara yung shuttle. Buti na lang at nakahabol ako.

Pagdating sa company, nagkasabay nanaman ang Dasma at Paliparan kaya nung papaakyat na ako, nakita ko nanaman si Rowell mula sa gilid ng mata ko. Nakita ko siyang nagbibihis kaya hindi na ako nagtangkang lumingon.

Siguro yung highlight ng gabi ko ay nung papunta akong break area galing ng canteen kasi bumili ako ng foods. Nung nasa harap na kasi ako ng gym, nakita ko si Rowell na nanonood ng basketball. Tapos nung tinignan ko kung sino-sino yung naglalaro, nalaman kong sila Johnson pala yun. Kasamang nanonood ni Rowell si Johnny kaya naisip kong itanong kay Johnny kung sila sir Ricky ba yun. Doon napatingin sa akin si Rowell pero hindi ko siya tinignan kasi nakatingin ako kay Johnny pero deep inside, gusto kong tumingin sa kanya kaso nga lang baka iba isipin kasi hindi naman ako sa kanya nakikipag-usap. hehe.

Yung next AND last exposure ni Rowell para sa gabing to ay nung bago mag-Taiso. Nasa break area kami that time habang nagcecellphone ako. Maya-maya bigla akong tinawag ni Ruiz at tinanong kung "okay" na ba ako. Nagtaka ako kung bakit niya tinanong yun pero nung paglingon ko sa taong nasa harap ni Ruiz, nakita ko si Rowell pala yung tinutukoy niya. Nagtanong si Ruiz para makuha yung atensyon ko kasi nga kasunod lang siya ni Rowell.

Gaya ng nasabi ko, sad ending ang araw na to. Nung breaktime na kasi ng umaga, hindi ko nakita si Rowell sa table na kung saan nandoon sila sir Mike. Doon pa lang kinutuban na ako na baka umuwi siya. Na-realize kong tama ang kutob ko na nag-5:30 lang talaga si Rowell ngayon kasi kahit sa shuttle at sa walter ay hindi ko na siya nakita. Ayun, lonely ang ambiance habang nagbibiyahe ako pauwi kaya bumili na lang tuloy ako ng makakain.

Anyway kahit ganun ang nangyari sa last night ko, happy rest day na lang!