Balanced lang ang buong magdamag, may part na maganda, may part na panget.

-----

Kanina habang nasa biyahe ako, sobrang lakas ng ulan. Buti na lang at nasa unahan ako at wala akong katabi kaya hindi ako masyadong nababasa pero napapatakan pa rin ako kahit papaano. Sa sobrang lakas ng ulan ay hindi ko na makita yung daanan. Buti na lang din at hindi ako nag-Paliparan kasi good spot yung abangan sa highway kasi nasira yung waiting shed kaya doon kami sa building ng PNB.

Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, habang nagsusulat ako ng pangalan ko sa logsheet, bigla kong nakita si Rowell na naghahanap ng mauupuan. Naupo siya mismo sa harap ko kasi bakante yung dalawang upuan. Siguro kung may nakaupo doon sa harapn ko, baka sa tabi ko siya umupo kaso parang malabo lalo na't alam na niya na crush ko siya. Basta na-surprise talaga ako kasi nag-Dasma siya. Akala ko nag-Paliparan siya eh. Habang nasa biyahe, pinapansin ko yung mga galaw niya. Medyo malikot siya actually kasi nagsusuot siya ng sweatshirt tapos maya-maya hindi na siya malikot.

Anyway, sa trabaho naman, medyo nakakainis kasi late nanaman magdeliver ang Chipbank kaya nung madaling araw na, naghapit nanaman ako.

Nung breaktime naman ng umaga, doon pa rin kami pumwesto malapit kina Rowell pero nakatalikod siya sa akin. Kahit na nakatalikod siya, nakakailang na tumingin sa kanila kasi nakaharap naman sa akin yung kasama niyang wirebond na may nunal sa ilong. Kung tumitingin man ako, pasimple lang at mabilisan lang. Mahirap na, baka mahuli ako. Hehe.

Nung uwian naman, nauna si Rowell sa akin sa locker sa baba kaya nauna rin siya sa shuttle. Pagpasok ko ng shuttle, medyo madami nang pasahero kaya nahirapan ako humanap ng upuan. Natanaw ko siya sa malayo pero daplis lang ng tingin at umupo na ako sa tabi ng ate na sinusundan ko pero tinawag ako nila Jojo kaya napalingon ako at pumwesto na lang na malapit sa kanila.

Then finally, masasabi ko na failed ako sa plan kong makasabay si Rowell sa jeep kasi medyo napaaga ako ng sakay. Ginamit kong strategy ay yung "Point-lookout" strategy ko na kung saan nandoon ako sa malayong overpass at namatyag kung pupunta ba si Rowell sa sakayan or doon siya sasakay sa harap ng walter. Ewan ko ba kung bakit napaaga yung sakay ko. Akala ko kasi yung jeep na nilapitan ko ay yung jeep na sinakyan niya. Halos magkaparehas kasi ng shape yung jeep eh. Nung na-realize ko na mali pala yung jeep, hindi na ako nakatanggi kasi nasa gitna na rin ako ng kalsada kaya sumakay na lang ako.

Sana mag-Dasma ulit siya mamaya at sana malakas ang ulan bandang hapon para kung sakaling magpapaliparan siya, mahihirapan siya at maiisip niya na magDasma na lang ulit. Hehe.