Bittersweet ang araw na to. May nakakainis at meron ding masaya na nakakakilig.
-----

Kanina sa canteen, hindi ko inasahang magrereport ako sa clinic dahil yung nabili kong hamburger, parang panis na. Iba na yung amoy niya at iba na rin yung lasa. Nung tinignan ko yung gulay, iba na yung kulay. Nakakapanghinayang na nakakainis kasi sayang yung pera ko tapos ang tagal ko pa sa clinic para magreport. Hindi ko tuloy na surveillance si Rowell pero bumalik rin naman ako sa canteen para ubusin yung iniinom ko. Hindi ko nga lang talaga siya nakita.

Anyway, may nakakainis pang mga nangyari bago mag-turn over. Sila kuya Alvin kasi sa akin sinisisi yung pagkadelay ng lote ng QFP eh may dahilan naman kung bakit na-delay eh. Pero buti na lang at naging maayos din. Akala ko mababadtrip ako buong araw eh.

Wala naman masyadong nangyaring maganda ngayong araw. Sa trabaho naman, kakaunti na lang yung ginawa ko kaya medyo nakapagrelax ako.

Kanina sa breaktime ng gabi, pumwesto nanaman kami malapit kila Rowell. Hindi ako masyadong makatingin sa kaya kahit na nakatalikod naman siya kasi nakaharap sa amin si sir Mike. Baka kasi pag matagal akong nakatitig, mahuli ako ni sir Mike at baka may sabihin nanaman yun. Okay lang kahit nakatalikod siya basta alam kong malapit lang siya sa akin.

Siguro ang pinaka-highlight ng araw ko ay nung after break time. Habang nagbabunny suit kasi ako, nakita namin ni Aldrin na pumasok si Rowell na may dalang bunny suit. Doon pa lang alam na naming papasok siya kaya etong si Aldrin, hinayaan pa akong mapahuli kaya nauna na siya. Tapos habang naghihintay ako, dumating si sir Alvin at maya-maya pa siya na ang kasama ko sa loob ng air shower. Nung pasara na yung air shower, may narinig kaming tumatakbo na hahabol sana sa loob. Alam kong si Rowell yun kaya hindi na ako nagulat nang tumambad yung mukha niya sa labas ng air shower. Hindi na siya tumuloy sa loob kasi dalawa na kami ni sir Alvin. Siguro talaga kung hindi ko kasabay si sir Alvin, malamang si Rowell ang kasabay ko. Epal kasi si sir Alvin eh. Haha. Ang tagal ko rin bago nakamove on.

Pero hindi pa tapos yun. Alam ko kasing lalabas din siya kaagad kaya after 10minutes, lumabas ako para mag-CR. Nang nasa frisking area na ako, may nakita akong lumabas ng air shower. Alam ko na si Rowell na yun tapos narinig ko pa kay kuya Ely na "bakit pawis na pawis ka 'wel?". Medyo tinignan ko siya kung pawis nga ba talaga. Nakita ko lang na namumula siya. Siguro tensyonado siya kasi nandoon ako. Napansin ko din na medyo nagpapapansin siya. O baka feeling ko lang yun. Paglabas ko, nakita ko yung blue shoes niya sa ilalim ng sapatos ko. Hmmm. May ibig sabihin kaya yun? Tapos nung tapos na akong mag-CR, nagulat ako nang malaman kong hindi pa siya nalabas at nakikipagkwentuhan pa siya sa guard. Siguro nakita niya yung bunny suit ko na nasa taas lang ng locker kaya inisip niyang babalik din ako kaagad. Doon ko inisip na talagang papampam siya sa akin. Ewan ko ha, pero ayun yung nararamdaman ko. Tapos nung papasok na ako, tsaka lang siya lumabas ng office. Hmmm..

Kanina naman sa shuttle nung uwian, medyo umasa ako na sa gitna namin ni ate uupo si Rowell. Malakas ang kutob ko nung time na yun kasi parang iilan na lang ang bakante at hindi pa siya dumadating. Pero nung dumating na siya, sa iba siya umupo at yung mataba pa yung nakatabi namin.

Nung nasa terminal naman, akala ko makakasabay ko ulit siya at akala ko rin ay susunod siya sa jeep na sinasakyan ko kasi may pwesto pa naman pero hindi. Naghintay pa siya ng kaunti. Pero nalaman kong mas nauna pa siyang nakarating ng Area-C kasi nakita ko siya sa isang botika yata yun na bumibili. Nakita ko siya pagkatapos kong bumili din sa isang botika. Nagulat ako nang time na yun kasi expected ko na mamaya-maya pa siya makakarating. Ayun, medyo binagalan ko lang yung lakad ko para magkasabay kami pero hindi nangyari. Baka kasi natagalan siya doon sa botika. Sure naman ako na hindi niya ako nakita kaya hindi awkward para sa akin habang naglalakad ako.

Last chance ko na nga pala yun pero hindi umepekto. Bukas kasi 5:30 lang ako kaya zero chance ko siyang makasabay pauwi. Nung first day lang talaga ako sinwerte.