Masasabi kong may twist sa araw na ito. Hindi ko inakalang babaligtad ang isang pangyayari.
-----

Hindi pa rin ako makamove on sa last night ko. Nagiging masaya ako pag-inaalala ko yung mga moment na yun pero sa kabilang banda, parang nagiging awkward ang feeling kapag naaalala ko yung part na kung saan nakikitawa si Rowell at alam niyang ako ang inaasar ng mga kasama niya.

Sinabi ko sa sarili ko na lalayo muna ako sa kanya ng panandalian para mawala yung awkward feeling na nararamdaman ko at para hindi naman lumabas na habol ako ng habol sa kanya kaya nag-Dasma ako at Dasma lang ako for four days except kung magtagal ako sa paglalagay ng contacts ko.

Anyway, nung pagbaba ko ng shuttle, bigla akong napalingon sa mga taong papalabas ng AUV sa likuran ng shuttle namin. Sakto at pagtingin ko, nakatingin din sa akin si Rowell. Sobrang puti niya kaya hindi ko namukaan nung una. Naging kalmado lang ako at nagderederetso sa entrance. Tapos nung ready na ako umakyat at nung malapit na ako sa locker niya, bigla siyang lumitaw na may dalang bunny suit at paakyat na rin. Ako tuloy yung nasa likod niya. Muli, sinubukan kong maging kalmado kasi pag hindi ako kalmado, nagiging clumsy ako, baka mapahiya pa ako. Medyo binagalan ko rin ang pag-akyat ng hagdan. Then nang makarating sa second floor, naghiwalay na kami.

Sumunod nun, nakita ko ulit siya nang pumunta akong canteen. Doon siya pumwesto malapit sa mesa namin. Nakita ko siyang habang naglalakad ako papuntang mesa namin pero hindi ako masyadong tumingin sa kanya, baka kasi makita niya akong nakatingin nanaman. Derederetso lang ulit ako, at pinipilit maging kalmado. Nang nasa mesa na ako, kinantsawan na ako ni Jai na "target" na raw kaagad ako. Ganun din si Jojo, kinantsawan niya rin ako. Pero ako, kalmado lang. Hindi masyadong nagtagal si Rowell kasi anong oras na rin sya nakarating sa canteen.

Isa pa niyang exposure na talagang ikinagulat ko ay nung magbebreak na kami ng 5:30. Actually, sobrang saya habang nakapila kami kasi nag-hihiyawan nanaman ang DWB. Sila Baldo at Jai yung pangunahing nagpapaingay tapos ako nakikitawa lang pero malakas naman. Nung nasa locker na ako at nakatalikod sa pinto, biglang may pumasok. Hindi ako lumingon sa taong yun at nakita ko na lang ang mukha niyang naka-side view nang maglakad siya papunta sa loob. Nagulat talaga ako nang malaman kong si Rowell pala yun. Sobrang baliw kasi ako nang moment na yun tapos makikita niya akong ganun. Medyo nakakahiya nga eh. Haha. Pero tuloy na lang din ako sa pagkabaliw kahit na nag-react sila halos nung makita nila si Rowell. Eh lagi namn silang nagrereact pag nakikita nila si Rowell eh. Tapos nun pasimple na akong lumabas para makaiwas sa kantsaw lalo na't nandoon sa loob sila Baldo.

Sa canteen naman, medyo lonely kasi hindi ko nakita ang grupo ni Rowell. Inisip ko tuloy na baka nag-5:30 lang siya. Kumain na lang tuloy ako para hindi ko na masyado siyang isipin.

Siguro ang pinakahighlight ng araw ko ay nung uwian nanaman. Pagsakay ko ng shuttle, nakita ko kaagad si Jojo kaya sa tabi niya na ako umupo. Hindi ko na tinignan yung mga pasahero sa likod. Nung time na yun, inaccept ko na umuwi nga si Rowell kaya hindi ko na siya nakita at hindi rin siya nakita ni Jojo. Kaya nung pagbaba ko ng shuttle, naghanap na kaagad ako ng jeep na Area-C kasi hindi ko feel na sumakay sa sakayan lalo na't maraming pasahero doon. Pero no choice ako at doon ako nag-abang ng jeep. Habang nag-aabang, bigla kong natanaw si Rowell sa kadiliman. Doon talaga ako napa-WHAT?! Kasi sa isip-isip ko ay hindi ko siya makikita pero nakita ko siya at nakita ko siyang papalapit na rin sa sakayan. Doon ako nag-isip kung sasakay na ba ako kaagad or maghihintay pa para magkasabay kami. Pero nakapagdecide na akong magki-keep distance muna ako sa kanya kaya nauna na ako sumakay sa jeep na hindi pa masyadong puno. Nang makasakay na ako, hindi kaagad umalis yung jeep at nagtawag pa ng pasahero kaya ayun, napasakay si Rowell na alam kong hinihintay niya makaalis yung jeep na sinasakyan ko. Pero bakit parang iba yung naging kalabasan? Akala ko talaga na maghihintay pa siya doon pero sumunod na rin pala siya kaagad. Alam ko rin na nakita niya akong sumakay at tinignan niya ako nang nasa loob na ako. May ibig sabihin kaya ang mga yun? Dahil ba alam na niyang crush ko siya kaya nagpapapansin na siya? Or baka nananaginip lang ako... Ang ending tuloy, magkaharap kami sa jeep habang nagbibiyahe pauwi.

Sumatutal, naging enjoyful naman ang araw ko kahit na medyo may feeling blue deep inside pero hindi ko na masyadong iniisip yun. Basta nagdecide na akong lalayo muna ako at pipilitin kong maging kalmado pag nakikita ko siya.