Hindi ko nanaman ineexpect ang araw na to. Super baliw as in baliw ang buong gabi at may bonus pa kinaumagahan.
-----


Sisimulan ko kanina habang papunta ako ng pickup point sa may Paliparan. Medyo late na akong nakalabas ng bahay dahil nagdecide ako na magpapalate talaga ako ng labas para magkasabay kami ni Rowell just in case. Napansin ko kasing late na rin siyang nakakarating sa pick-up point eh kaya naisip kong tagalan din. This time, mas nauna sa akin si Rowell sa pick-up point. Actually nagkatinginan kami pero nang tumingin ako sa kanya, umiwas kaagad siya ng tingin. Hmmm. Gusto ko talaga malaman ang ibig sabihin ng mga expressions na yun. Dalawahan lang ang upuan sa shuttle pero hindi ko pa rin siya nakatabi dahil mas pinili niyang umupo sa likod although mas like niya talaga umupo sa bandang unahan. Eh since na parang nahihiya siya sa akin, umupo na siya sa likod.

Anyway, may night patrol kagabi kaya sobrang talo ako dahil inaantok talaga ako. Mahaba naman ang tulog ko kahapon pero inaantok pa rin ako. Hindi tuloy ako naka-idlip. Pero may good side naman ang night patrol. Eto kasi yung way para makapag-break kami nila Amy sa third floor kaninang alas tres ng madaling araw. Tulad ng ineexpect ko, nandoon nga sila Rowell kasama ang ilang GL pati na rin si sir Bong na ang lakas mangantsaw. Honestly pag nakikita ko si sir Bong na kasama si Rowell, sobrang kinakabahan ako. Anytime kasi pwede niya akong ibukong kay Rowell eh pero malakas din ang kutob ko na kinukutuban na rin si Rowell na may crush ako sa kanya.

Doon sa break area ng third floor ang isa sa pinaka-awkward na moment sa buong magdamag. Panay sila hiyawan at pang-aasar sa akin. Tapos si sir Bong naman lagi akong tinatawag. Lahat silang GL nakatingin sa grupo namin except si Rowell na hindi man lang tumingin sa amin. Doon pa lang alam ko na alam na rin niya kung ano ang nagaganap. Well, wala na akong nagawa at nag-Go with the flow na lang ako. Bahala na si batman ika nga. Nang umalis na ang grupo nila, sumunod na rin kami.

Siguro kung nag-elevator kami nila Amy, nakasabay namin si Rowell. Sabi kasi ni sir Mike na nasa elevator siya eh kaya nanlambot ako at naghagdanan na lang. Masyado talaga akong natataranta kapag nararamdaman kong nasa paligid lang siya.

Anyway, siguro ang pinaka-highlight ng araw ko ay nung breaktime ng umaga. Okay na sana eh, tahimik at peaceful ang sitwasyon habang pinagmamasdan ko sila Rowell sa harapan ko nang biglang dumating si sir Bong! Biglang nagbago ang lahat. Puro kantsawan at asaran na ang nangyari. Tapos nahuli pa ako ni sir Bong na tumitingin kaya ayun, nang-asar nanaman. Grabe talaga kanina, sobrang awkward ng moment na yun. Doon ko na realize na alam na talaga ni Rowell na may crush ako sa kanya kasi puro pangalan ko ang naririnig ko at nila. Pero tulad nga kanina, just go with the flow na lang. Honestly speaking, kinikilig ako kanina. hahaha.. Deep inside ang saya ko kasi anytime from now, baka kausapin niya na ako or baka maghanap ng way sila sir Bong at sir Mike na magkausap kami. Ang daming possilities na pumapasok sa isip ko. Anyway, mas naunang umalis yung grupo namin sa grupo nila. Siguro pag-alis namin, I'm sure na pinag-uusapan nila kami, especially AKO!

Last na highlight ng araw ko ay nung uwian na sa may walter area. Last day na ngayon kaya ginawa ko ang iba pang naiisip kong strategy. Isinagawa ko ang strategy #6 ko. Hindi ako nag-abang sa loob ng walter at hindi rin ako nag-abang sa may overpass. Ang ginawa ko ay naglakad ng mabilis para makapunta sa overpass sa itaas ng Andoks. Doon ko tinanaw ang entrance ng walter. Wala na akong pakialam sa mga taong nasa overpass dahil isa lang ang priority ko. Matagal-tagal din akong naghintay sa overpass na yun hanggang sa natanaw ko na si Rowell na naglalakad palayo ng walter. Actually, pupunta na sana siya sa sakayan pero nagbago ang isip niya at sumakay sa jeep na nag-aabang sa may Walter. Nang nakasakay na siya, tumayo na ako at tinignan maigi yung itsura ng jeep na sinakya niya. Talagang sobra kong tinignan yung itsura ng jeep at mabilis na akong bumaba papunta sa may abangan. Doon ko hinintay yung jeep na sinakyan ni Rowell pero nang nakita ko na, puno na kaya yung nakaabang na jeep na Area-C ang sinakyan ko. BUTI na lang talaga at umalis kaagad yung jeep na yun at NAUNAHAN pa niya yung jeep ni Rowell. Dahil doon, nakaisip nanaman ako ng idea para lang makauwi kami ng sabay. Dahil sa malayo na ang agwat ng jeep namin, naisip kong bumaba sa may kadiwa at abangan ang jeep niya. Talagang sinaulo ko yung plate number kaya nang nakita ko yung plate number, agad kong pinara yung jeep at presto! Nasa iisang jeep na kami. Hahaha. Nasa harap nga lang ako pero okay na rin yun at least sabay ulit kami.

Sabi ko sa driver na ikaliwa yung jeep pero hindi pala ako narinig kaya dumeretso. Ang ending tuloy ay naglakad parehas kami ni Rowell pero imbes na sundan ko siya, doon ako sa isa pang ruta para hindi naman obvious na sumusunod ako. haha. Tapos nag-cross yung landas namin sa may bandang bakery. Doon ako huminto para bumili ng tinapay. Hindi alam na huminto rin pala siya sa may tahian kasi nang makaalis na ako sa bakery, nakita ko siya doon sa patahian. At ayun na ang last na nakita ko siya.

Basta ang masasabi ko lang ngayong araw, napaka-historical at sobrang nakakabaliw! Haha. Hindi ko malilimutan to at itataga ko na sa kalendaryo ang petsa ng araw na to.