Akala ko talaga mangyayari na ang matagal ko nang hinihintay - ang makausap at magpakilala kay Rowell. Pero unfortunately, hindi naganap yun kagabi.

-----


Nagdecide ako na mag-Paliparan naman ako kaya medyo late na ako nagpagising kay mama. Mas relax pa lang kumilos pag alam mong mabilis kang makakarating sa destinasyon mo kahit na late ka nang lumabas ng bahay. Medyo binagalan ko lang ang paglalakad papuntang tricyclan baka kasi makasabay ko si Rowell sa paglalakad. Nang nasa pick-up point na ako, nakita ko siya na naka-pulang shirt at pumwesto siya malapit sa tindahan ng Angels. Sa sobrang daming naunang sumakay kaysa sa akin, hindi na ako umasang makakatabi ko siya. Doon na lang ako umupo kung saan tanaw ko siya kahit nakatalikod.

Anyways, siguro ang pinaka-highlight ng gabi ko ay before mag-breaktime ng alas-diyes. Eto kasing sila Grace ay nagplano na ipakilala ako ni VJ kay Rowell. As in formal introduce. Doon parang nahiya ako sa magiging outcome pero sa isip isip ko, ETO
na yun! Medyo weird pero parang mas lumalamang yung excitement na nadarama ko kaya napa-OO na lang ako kay VJ.

Medyo matagal bago ako naka-move on sa plano. Buong magdamag tuloy akong kabado sa mga susunod nga mangyayari pero nawala iyon nang madaling araw na, na alam kong malabo nang pumasok si Rowell sa cleanroom.

Nung uwian naman, sorry to say pero FAILED
ako kahit na nakasabay ko sa CR si Rowell. Tulad ng dati, tumambay ako sa overpass tapos nang nakita ko siya, naging alerto ulit ako. This time, nagdahan-dahan na ako para makalayo siya ng konti. Ang nangyari naman ngayon ay, nung nakasakay siya ng jeep, umandar kaagad kaya naiwan ako. Akala ko nga nakaabot pa siya sa sakayan eh kaso hindi na pala. Ang ending tuloy, alone ako sa jeep. As in alone talaga kasi si Manong driver lang kasama ko. Actually natanaw ko pa yung sinakyang jeep ni Rowell kasi naaninag ko siya sa malayo. Nakita ko ang pulang shirt niya at yung sapatos niya. Nakita ko siya nung nasa kadiwa na kami. Eto namang si manong, nagpa-Gas pa kaya nakalayo na ulit yung sinasakyan ni Rowell. Hayss..

Excited and at the same time, kinakabahan ako sa mga mangyayari mamayang last night!