Sobrang unexpected ang buong araw ko. Di ko akalaing magiging ganun yung sitwayson..
----

Kaninang papasok, akala ko magda-Dasma ulit si Rowell pero nung dumating na yung shuttle sa security bank, nalaman kong nag-Paliparan ulit siya. Nang pagkarating ko naman sa company, sakto nakita ko si kuya Alvin kaya alam kong nanjan na yung mga taga-Paliparan pero hindi ko nakita si Rowell. Doon ko inakalang baka nagleave sya or kaya naman ay naiwan ng shuttle. Pero nung dumaan na ako sa locker niya, nakita ko siyang naka-Polo na at ready na umakyat.

Isang unexpected na nangyari kanina ay nung breaktime ng hating gabi. Buti na lang talaga at sumunod kaagad ako kila Grace na magpuntang clinic para magtimbang nanaman. Habang sa kalagitnaan ng pagtitimbang namin, pumasok sila sir Alvin at kuya Gil. Nagulat kami kasi nagpunta rin sila pero mas ikinagulat ko nang sabihin ni Amy na nasa labas ng Clinic si Rowell. At dahil doon, nagkantsawan nanaman sila. Nang nasa pinto ako, naconfirm ko na nasa labas nga siya at papasok na siya ng clinic. Ang ganda ng moment na yun kasi nung pumasok siya, ako mismo yung nasa harapan ng pinto kaya sobrang naging malapit namin pero hindi siya nakatingin sa akin. Tapos naramdaman ko na lang na tinulak ako ni Amy papunta kay Rowell pero buti na lang talaga ay nakahawak ako sa frame ng pinto kaya napigila kong dumausdos kay Rowell. Nakakahiya kapag nagkataong natumba ako sa kanya! lol.

Siguro ang highlight ng araw ko ulit ay nung uwian. Dahil sa maaga nanaman kami nakalabas, nasa pinaka unahan ulit kami ng shuttle. Doon nakikita ulit namin yung mga papalapit na mga empleyado. Isang idea ang naisip ko habang hinihintay si Rowell na maka-akyat ng shuttle. Naisip kong magrecord ng video na papalapit siya hanggang sa makaakyat. Medyo kabado nga lang kasi kitang-kita ng taong nasa likod ko yung kinukuhaan ko ng camera. Haha. So far, success naman ang idea ko kasi nakuhanan ko ng video si Rowell na papalapit ng shuttle hanggang sa makasakay siya. Actually unexpected din yung moment na yun kasi akala ko sa likod na siya uupo pero umupo siya sa gitna nila Ricky at Jojo na katapat lang namin ni Amy. Ayun, deep inside inggit to the max ako kay Jojo. Iniisip ko na sana ako na lang doon para ako ang tabihan niya. Haha.

Lastly, ang pinaka-unexpected na moment na nangyari ay nung nakita kong papalabas na si Rowell sa Walter. Tinignan ko ang mga galaw niya mula sa taas ng overpass. Tulad kahapon, hindi siya sumakay sa jeep na naghihintay sa harap ng walter at sa halip ay derederetso siyang naglakad papuntang sakayan. Pero di lumaon ay sumakay din siya sa jeep na nakahinto dahil sa stoplight. Ang mali ko ay sobrang nagmadali ako at hindi ko binago ang direksyon ko kaya nang naglalakad ako sa tapat ng ceiling ng walter, nakahinto pa rin yung jeep na sinasakyan ni Rowell at nakita ko mula sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin. Doon talaga ako nataranta. Buti na lang at may van na nag-block sa line of sight niya. Nang hindi na niya ako tanaw dahil sa van na nakaharang, doon na ako nag-iba ng direksyon. Hindi ko na tinangkang sundan ang jeep na sinasakyan niya dahil sobrang halata na pagnagkataon. Napasakay na lang tuloy ako sa jeep na nag-aabang sa walter.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on sa ka-clumsyhan ko. Pero hindi ito magiging hadlang para sundan ko ulit siya bukas. Actually mamaya nga ay magpa-Paliparan ulit ako para masabayan ko siya sa pagpasok. Yun ay kung mag-Paliparan siya. Baka kasi gawin niya ulit katulad ng first night na sumakay siya ng Dasma.