Grabe, sobrang tagal ko nang hindi nakapagsulat dito. Kahit na maraming magandang nangyari for the past few days, hindi ko magawang magsulat kasi napaka-busy ko at wala akong time. Lagi akong pagod o kaya naman naabutan kong walang net dito sa bahay.

Anyway, sobrang saya at sobrang sulit ng first night ko. Naging successful ulit ako this time at may bonus pang kasama. Haha.
------
Naging significant sa akin yung papasok kanina. Hindi ko kasi inaasahan na magda-Dasma pala si Rowell! Yep! Nagulat talaga ako nang makita ko siyang umakyat ng bus. Unfortunately, may katabi na ako nung first pick-up pa lang kaya sa iba na umupo si Rowell nang sumakay. Napapansin ko lagi na umuupo si kuyang naka-"tuck in" sa tabi ko kahit na marami pang bakante sa likuran. Hmmm. Medyo nakakahalata na nga ako eh. Pero ayoko namang isipin na talagang sinasadya niya akong tabihan.

Anyways, dahil nga nag-Dasma si Rowell, hindi ko mapigilan yung saya ko kasi finally, naisipan niyang mag-Dasma ulit which is akala ko ay Paliparan na siya forever. Nakangiti tuloy akong pumasok sa company.

Habang naghihintay naman magtaiso at habang nasa break area kami nila Grace, Amy, at Jojo, nakita ko si Rowell na lumakad sa hallway na papunta sa third floor.

Sa trabaho naman, masasabi kong successful din ako kasi ang dami kong naproduce at naubos ko yung mga tirang lote ng previous group.

Kanina naman sa breaktime ng umaga na, pumwesto kami kung saan tanaw ko ang grupo na kung saan nandoon si Rowell. Nakita ko na inaantok silang lahat kaya nakatungo lahat sila sa lamesa. Maya-maya pa, umalis na rin sila.

Syempre ang pinaka-highlight ng araw kong to ay nung uwian na. Tulad ng nakaraan, isinagawa ko ang plano ko para magkasabay kami ni Rowell. Nakatulong sa plano ko yung maaga kong paglabas ng kompanya at naka-upo sa pinakaunahan ng shuttle. Balak ko kasi ay bilisang pumasok sa CR ng walter at lumabas agad para hindi niya ako makita pero nung nasa walter na, medyo mabagal yung mga taong nasa entrance ng walter kaya nang lumabas na ako ng CR, nakasalubong ko si Rowell. Kunyari hindi ko siya pinansin at tumitingin ako sa mga naka-display. Nagdere-deretso ako sa lottohan at umakyat sa second floor. Doon medyo tumigil ako ng konti, nagmasid-masid kunyari sabay lakad ng dahan-dahan papunta sa labas ng walter. Tumitingin tingin ako sa likod baka kasi nakasunod na kaagad si Rowell. Nang makalabas na ako, binilisan ko yung pag-akyat ng overpass at doon ako naglook-out. Medyo awkward nga eh kasi may mga tao sa lugar na yun pero nagawan ko naman ng paraan para palabasin na kunyari ay may hinihintay akong tao. Maya-maya pa ay nakita kong lumabas na si Rowell sa Walter. Naging alerto na ako nang nakita ko siya. Maingat akong kumilos at pinagmasdan ko ang mga galaw niya. Mula sa taas, nakita kong hindi siya sumakay ng jeep na nag-aabang ng walter. Dahil doon, isinagawa ko ang strategy #3 ko which is sundan siya at kunyari ay hindi siya nakitang sumakay ng jeep. Kinakabahan ako habang naglalakad ng medyo mabilis, baka kasi umandar yung jeep na sinasakyan niya. Nang makita ko na nakasakay na siya, kunyari ay hindi ko siya nakita at pumunta ako sa harapan ng jeep at sinilip ko yung sign board. Buti na lang at medyo maluwag pa kaya nakasakay ako. Pagsakay ko, nararamdaman ko ang init na nanunuot sa katawan ko. Grabe, feeling ko nga namumula ako that time eh. Hahaha. Nang makasakay na ako, sinabi ko sa sarili ko na, SUCCESS!

Sobrang saya ng biyaheng yun. Nakakahiya pero sobrang nakaka-excite. Nang tumagal-tagal na yung biyahe, nagawa ko nang makaharap sa kanya at pinagmamasdan ko siya paminsan-minsan kapag hindi siya nakatingin. Sinulit ko talaga yung moment na yun hanggang dumating yung point na kailangan na niyang bumaba.

Sana mamaya at bukas ay ganun pa rin ang mangyari at sana, hindi siya makahalata. hehehe.