Sa wakas, ngayon lang ulit ako naramdam ng sobrang excitement after a few weeks. Thanks sa aking IQ dahil naging successful ang plano ko.
-----

Kanina bago pumasok, nagdadalawang isip ako kung sa may highway ako mag-aabang ng shuttle or sa may Paliparan kung saan doon din nag-aabang si Rowell. Medyo mabigat kasi sa akin kung sa Paliparan ako sumakay kasi ang mahal ng bayad sa tricycle. Hindi ko nga alam kung paano nakakayanan ni Rowell yung pamasahe araw araw dahil doon na lagi siya sumasakay. Siguro talagang mayaman lang siya sa pamasahe.

Anyways, since na medyo umuulan kanina, mas pinili ko na lang na sumakay sa may highway kasi naisip ko na haggard ang magiging kalabasan kung nasa tricycle ako at umuulan habang nabiyahe. Danas na danas ko pa naman yung ganun way back nung college life ko. Pagdating ko sa hintayan ng shuttle sa highway, sobrang lakas ng ulan kaya medyo nabasa yung pinakailalim ng pantalon ko. Buti na lang at yung bagong sapatos yung suot ko kaya hindi nabasa yung paa at yung medyas ko.

Sa work naman, masasabi ko na naging okay naman ang gabi kasi may mga nagagamit na akong mga magazines at rings pero yung dami ng lote, ganun pa rin. At least na-target ko naman ang tatlong makina ko. Wala namang nangyaring exciting sa kumpanya kasi magdamag kong hindi naramdaman si Rowell, ni anino niya hindi ko nakita maliban nung breaktime na ng umaga.

Siguro ang pinaka-highlight ng araw ko ngayon ay nung uwian nanaman. This time, naging successful ang strategy number 2 ko na kung saan doon sa may overpass ako magmamasid. Akala ko nga hindi ko magagawa kasi kasama ko sila kuya Alvin at Gil pero sa loob ng walter naghiwalay na kami kaya dali-dali akong lumbas ng walter at umakyat sa overpass. Pumwesto ako sa dulo na kung saan tanaw na tanaw ko yung mga lumalabas ng walter. Medyo matagal akong nagmasid pero nung nakita ko si Rowell na lumabas, naging alerto na ako. Hinintay ko muna ang ilang minuto, hinintay ko kung maglalakad siya papuntang sakayan or sasakay na mismo sa mga jeep na nakaabang sa tapat ng walter. Nang hindi ko siya nakitang naglalakad papunta sa sakayan, naghintay ulit ako ng isang minuto para hindi naman masyadong halata na sinusundan ko siya. Umikot pa talaga ako sa entrance ng walter para palabasin ko na galing ako sa loob which is na hindi naman talaga. Buti na lang at marami pang pwesto sa jeep kaya nung pagsakay ko, sa dulo ako umupo, sa may likod ng driver. Aaminin ko, sobrang kabado ako at sobrang naeexcite. Nararamdaman kong nanginginig yung kamay ko habang nag-aabot ng bayad ng mga pasahero. Sinusubukan kong hindi lumingon kay Rowell na sa mga oras na yun ay nagtetext. Pero nararamdaman kong tumitingin-tingin din siya sa akin.

Sa wakas at naging masaya ulit ako kahit papaano. Ibang-iba pala talaga ang feeling kapag kasabay ko siya sa jeep. Feeling ko ang haba ng biyahe namin. Hanggang sa dumating yung time na dalawa na lang kaming natira sa jeep. As in na kaming dalawa lang talaga maliban doon sa driver. Sobrang awkward talaga ng sitwasyon na yun. Gusto ko siyang batiin na parang hindi kasi sobrang nahihiya ako or baka ganun din yung way ng thinking niya. Nahihiya rin siguro siya.

Tuwing night shift, ganun ang gagawin ko! Haha!