Well, simula ulit ngayon, susubukan kong mag-stalk ulit. Baka sakaling umepekto at matagal-tagal ko na ring hindi nagagawa ito.
-----

Kanina sa shuttle, pinag-iisipan ko pa rin yung sinabi ni Jeca kahapon habang papauwi na ako. Ang sabi kasi niya, simula ngayon, sa Dasma na ulit sasakay si Rowell which is na hindi naman nangyari kagabi. Naghintay ako kung may Rowell na aakyat ng shuttle pero wala. Si kuya Alvin yung ibang taong sumakay imbes na siya tapos tinabihan pa kami ni Johnny kaya ayun, Security Bank pa lang ang sikip na. hayss. Ang lakas ulit ng ulan habang nagbibiyahe kami. Buti na lang hindi na umuulan nang makarating kami sa kumpanya.

Bagong lipat nga pala yung locker ko kaya medyo nakakapanibago. Actually mixed reaction ako sa pagkakalipat ng locker. Good sakin kasi mas malapit na sa entrance kaso ang bad side, lumayo ako sa locker ni Rowell. Nakakalungkot lang kasi feeling ko lumayo na rin ako sa kanya kahit hindi naman talaga.

Anyway, payapa naman ang gabi. Medyo maraming lote kaso ang konti lang ng magazine at mga ring kaya marami akong natira pero target naman na ang mga makina ko.

Siguro yung maikling exposure ko kay Rowell ay nung breaktime na ng umaga. Kitang kita ko siya mula sa kinalalagyan ko at nakita ko na naka-blue shirt lang siya. Syempre habang kumakain, tumitingin ako sa direksyon niya. Alam kong hindi niya ako nakikita kasi malayo talaga ang pagitan namin.

Ang pinaka-highlight siguro ng araw na to ay nung uwian na. Habang nasa shuttle ako at nag-aabang mapuno ang bus at habang nakikipaglokohan ako kay Ricky, dumaan si Rowell at umupo sa likuran. Syempre dahil sa nakikipaglokohan ako kay Ricky, tumatawa ako kaya nung dumaan si Rowell, nakita niya akong nakatawa. Hindi ko alam kung coincidence lang pero paglagi niya akong nakikita, lagi akong nakatawa or nakasmile pero siya parang "Huh?". Wala siyang reaksyon. Baka isipin nun siya ang pinagtatawanan ko.

Anyways, nagdecide ako na simula ngayong panggabi ulit kami, magsstalk ulit ako sa kanya. This time, seseryosohin ko pansamantala. Nakaisip din kasi ako ng magandang strategic spot kung saan ko siya makikita nang hindi niya ako nakikita. Naisip ko kasi na malapit lang sa may hagdan yung lottohan kaya pumwesto ako sa second floor malapit sa CD-R King para matanaw ko siyang nakapila. Tama nga ako at magandang pwesto yun kasi hind niya ako nakikita pero siya nakikita ko. At dahil first time ko ulit magstalk at first time ko sa pwestong yun, nabigo ako. Nataranta kasi ako eh. Akala ko talaga nakaalis na siya sa lottohan nang hindi ko na siya makita kaya naglakad na ako palabas. Syempre dapat hindi ako lilingon sa likod once na nasa first floor na ako para hindi halata. Yun nga lang, medyo nagtagal pa siya siguro sa loob ng walter kaya hindi siya nakalabas although matagal din akong naghintay mapuno yung jeep na sinakyan ko.

Well, sana bukas maging success na ako at sana hindi mahalata ng mga tao sa walter na lagi akong nandoon sa pwestong yun. Haha.