Eto na siguro yung araw na kinabahan talaga ako ng sobra dahil baka malaman na talaga ni Rowell ang tungkol sa akin. Tulad kahapon, buong araw ko yung naramdaman.

-----

Hindi ko alam kung papaano ko maeexplain yung tension na naramdaman ko nung kumakain kami sa canteen kanina bago mag-taiso. Habang nagcecellphone ako sa pwesto namin, biglang dumating si Sir Bong na overtime pala ngayong araw. Pumasok agad sa isip ko yung mga itatanong ko sa kanya about kay Rowell eh kaso, may kasama pala siya na GL din na taga-third floor kaya nag-alangan akong pag-usapan yun. Eto namang si Jojo, biglang naisingit sa usapan about sa Bus sa Manila yung crush life ko. Ayun, nagsimula na si sir Bong. Inaasar nga nila ako na tatawagan at papalapitin daw si Rowell sa mesa namin. Ako naman, sobrang kabado na deep inside. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Sabi nila sobrang namumula na raw ako pero pinipigalan kong mamula. Tumitingin pa nga sila sa pwesto nila Rowell na nasa kabilang side lang katabi ng mga halaman. Sabi pa ni sir Bong, kalat na kalat na raw sa third floor yung sa crush life ko. Sa loob loob ko naman, parang nagulat ako kasi hindi ko alam kung bakit ganun na lang kumalat yun. Para tuloy nahiya ako sa marami. Baka alam na nila talaga yung tungkol sa akin at kay Rowell. Hayss!

Buti na lang talaga at umalis kaagad sila Rowell kaya hindi na nagawa ni sir Bong yung pinaplano niya. Pero sa OT ko, tatanungin ko na talag siya kung alam na ni Rowell na may crush ako sa kanya.

Anyways, sa trabaho naman, sobrang dami ng lote kaya at the end of the day, sobrang napagod talaga ako.

Siguro yung last exposure ko kay Rowell ngayong last day ay nung breaktime ulit ng gabi. Tulad ng mga nakaraang araw, pumwesto ulit kami nila Grace malapit kila Rowell. This time, nakatalikod si Rowell kaya malaya ko siyang minamasdan hanggang sa oras na tumayo na sila.

Last day ngayon kaya kinutuban na ako na baka hindi ko siya ulit makasabay or baka hindi siya magshuttle ng Dasma kasi baka may puntahan siya.