Wala akong masabi sa araw na to. Yung nalaman ko kaninang umaga parang tumakbo sa isip ko buong araw hanggang ngayong gabi.
-----

Hindi ko lubos na maisip na pati si sir Bong alam ang tungkol sa akin at kay Rowell. Nang pumasok ako sa office kaninang umaga at habang nagsusulat sa time in time out, bigla akong kinalabit ni sir Bong at sabi,"Uy, kinakamusta ka raw ni Tisoy ah". Wala talaga akong alam kung sinong tisoy ang tinutukoy niya kaya nagreply ako, "Sinong Tisoy?". Doon sinabi niya na kinakamusta daw ako ni Rowell. Nang marinig ko ang pangalan niya, napa-shit ako sa loob loob ko. Parang nabasag yung pagkatao ko nang marinig ko yun. Di ko alam kung paano magrereact. Sinubukan kong maging kalmado para hindi maging tensyonado ang sitwasyon. Buti na lang at hindi tumagal ang usapan na yun dahil maraming makakaranig kung nagkataon at nagkataon din na may inspector na malapit sa amin.

Nanlamig talaga ako ng time na yun. Hindi ko alam kung totoo yung sinabi ni sir Bong. Kung totoo man yun, siguro makakapagpatunay yung pagiging mailap ni Rowell. Nang time ding yun, sobrang nalito ako. Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko.

Sa kalagitnaan ng araw, napag-isipan ko na kung mag-oovertime ako sa second restday, sisimple ako ng tanong kay sir Bong kung totoo nga talaga yung sinabi niya at kung alam na ni Rowell ang pakay ko sa kanya. Dahil dun, hindi tuloy ako makapaghintay na mag-OT.

Bago magbreak ng gabi, sobrang saya ko nang ma-explore ko ang computer ng diebond ng third floor. Doon kasi nakasave ang mga files ng diebond kasama ang molding. Doon ko rin napatunayan na magkasama nga talaga ang diebond at molding. Talagang hindi ko pinalagpas ang pagkakataon at binuksan ko ang lahat ng folder na nakikita ko. Nagbabakasakali kasing mabuksan ko ang isang folder na naglalaman ng pictures ni Rowell o kaya naman mga files na regarding sa kanya. Hindi ako nabigo at nabuksan ko nga ang isang file na naglalaman ng personal information ni Rowell. Sa wakas at nalaman ko ang birthday niya at ang real age niya. Medyo nagulat ako sa birthdate niya kasi kakaraos lang pala niya mag-birthday! Nanghinayang ako kasi wala akong kaalam-alam na nagdaan na pala yung special day ng nag-iisa kong crush. Nang malaman ko ang age niya, naging satisfied naman ako kasi hindi pa siya 30. Bali 5years lang ang agwat namin sa isa.

Nung breaktime naman, pumwesto kami na medyo malayo kila Rowell pero tanaw ko pa naman kaya okay lang. Late na kaming nagbreak kaya sandali pa lang ay tumayo na sila. As usual, minamasdan ko siya habang naglalakad.

Nung uwian naman, akala ko makakapila ko si Rowell. Nakita ko kasi siya sa likod ng pasimple akong lumingon sa likuran ko pero nagtuloy-tuloy siya sa kabilang pila. Etong si kuya Alvin naman, inasar pa ako kay Rowell nang makita rin niya. Ako naman kunyari naasar pero deep inside, kinilig! haha. Tapos sa shuttle, magkasunod kaming sumakay. Hindi naman talagang magkasunod na magkasunod, may interval naman. Siguro 2minutes bago siya sumakay at sakto siyang sumakay ng tinatanong ko kay Jojo kung nakita na niyang sumakay si Rowell.

Alam ko nang hindi kami magkakasabay ni Rowell ulit ngayon kasi umuulan. Actually, nagdadalawang isip na ako kung hahabol pa rin ako sa kanya ngayong bumabagabag sa isip ko kung totoo nga yung sinabi ni sir Bong sa akin na baka nga alam na ni Rowell na sinusundan ko siya. Hays! Sana sa OT ko maitanong ko na kay sir Bong.