Iba pala talaga yung pakiramdam kapag alam mong wala sa buong kumpanya ang crush mo. Feeling mo parang may kulang sa lahat ng ginagawa mo. Yung parang wala kang goal para sa araw na yun.
-----

Kaninang umaga habang nasa canteen ako, akala ko absent pa rin si Rowell hanggang ngayon. Matagal tagal ko rin kasing tinititigan yung sa cashier pero hanggang sa mag-taiso, wala akong nakitang Rowell kaya inisip ko, baka nga talaga absent pa rin siya dahil sa sakit niya.

Nagbago yung mindset ko nang malaman ko kay Jojo nung breaktime ng tanghali na pumasok daw si Rowell! Yung narinig ko yun, parang nagliwanag yung isipan ko. As in nagshine talaga kasi deep inside, natuwa ako sa nalaman ko. Napatunayan kong totoo nga na pumasok na siya kasi after kong magtoothbrush at habang nagbibihis na rin ako ng bunny suit, nakita ko si Rowell na galing canteen at papataas na sa third floor. Nakita ko siya nung tumingin ako sa salamin ng pintuan ng office. Actually nakatingin siya sa loob ng office nang dumaan siya.

Isa pang encounter ay habang nagmimeeting kami sa loob ng production. Sa kalahitnaan kasi ng meeting, nakita ko si Rowell na naglalakad at parang may hinahanap na tao. Hindi siya makalapit sa amin kasi siguro nahihiya. Kitang-kita ko yung 4911 niya sa likod at pangalan niya kaya super sure ako na siya talaga yun. Then sinundan ko talaga siya ng tingin hanggang sa may office at pagkatapos niyang magbihis. Lumapit ulit siya sa may salamin at parang may inutos doon sa taong papasok ng cleanroom.

Anyway, sa trabaho naman masasabi kong na-disaster ako ngayong araw. Sobrang dami kong blade change at na-miscut pa yung isang lote ko. Hindi naman big deal sa akin kasi alam kong yung makina ang may problema at hindi yun OP miss. Tapos partner ko rin si Manilyn. Hindi ko alam kung talagang ganun siya kumilos or tinatamad lang talaga siya mag-operate. Ang bagal naman niya kasing kumilos tapos ang dami pa niyang tira.

Nung breaktime naman ng gabi, sobrang saya kasi malapit kami sa lamesa nila Rowell. Kitang kita ko siya nang hindi niya namamalayan. Grabe, nangingibabaw talaga yung kaputian niya. Hindi ko nga alam kung dahil sa crush ko siya kaya ko napapansin yun or talagang maputi siya. Basta ang sarap ng feeling ng time na yun. Parang lahat ng pagka-miss ko sa kanya ay biglang nawala. Hanggang sa pagtayo nila, pinagmasdan ko pa rin siya.

Nung uwian naman, na-realize ko na talaga palang napaka-ila niyang tao. Iniisip ko nga eh kaya siya laging nagmamadali ay dahil ayaw niya akong makasabay. Malapit na malapit na talaga ako kanina sa goal ko eh kaso fail pa rin. Akala ko sasakay din siya sa jeep na maluwag na sasakyan ko kaso nung naghintay ako, wala naman siya. Tsaka ko pa lang na-realize na yung unang jeep na dumating na ISA na lang yung kulang, dun pala siya sumakay. Ang mali ko lang, hindi ko tinignan or nilingon yung jeep na yun nang huminto para makita ko siyang sumakay. Ang ending tuloy, panghihinayang nanaman sa nasayang na pagkakataon..