Feeling ko bumabalik nanaman yung pakiramdam ko na nawawala na siya. Yung pakiramdam na gumagawa siya ng paraan para hindi kami magkatagpo. Hibang na talaga siguro ako. Puro na lang kasi negative ang iniisip ko kapag hindi ko siya nakikita eh. Baka hindi pa talaga oras para maging magkaibigan kami.
---------

Nagulat ako kanina habang nag-aabang ng shuttle kasi nakita ko kaagad yung shuttle ng Imus ng maaga. Medyo maliwanag pa ang kalangitan nang makita ko ang shuttle. Pumasok sa isip ko na hindi siguro magsasakay yun sa Security Bank. Tama nga ako dahil nagsakay yung shuttle namin sa bangko pero wala naman akong nakitang Rowell. Medyo nalungkot nanaman ako nung time na yun. Inisip ko na baka na-late lang pero later on, nalaman ko kay Amy na nag-Paliparan pala si Rowell kasi nag-paliparan din si Amy.

Nung short break ng alas-10, habang abala ako sa cellphone ko, narinig ko sila Jojo na nag-iingay at tinatawag ako. Kaya pala sila nag-iingay kasi dumaan pala si Rowell sa hallway ng breakarea. Bigla ako napalingon sa hallway pero it's too late dahil nakalayo na siya at narinig ko na nagbukas ang pinto ng office. Naisip kong sundan at pumasok na kaso baka pagtumayo ako, magreact ng malakas sila Jojo kaya hindi na ako tumuloy.

Siguro ang pinakahighlight ng gabi ko ay nung breaktime ng umaga. Maaga kami nag-break ni kuya Gil kaya doon kami pumwesto sa pinakadulo para makita namin ang mga taong papasok sa canteen. Maya-maya pa, nakita ko na si Rowell na nasa cashier. Sinundan ko siya ng tingin mula kuhaan ng tubig, sa kuhaan ng condiments, hanggang sa pumwesto siya sa kanilang lamesa. Saglit lang yung pagmasid ko sa kanya pero masaya na ako kasi alam kong hindi niya ako nakikita. Ang next na magandang nangyari ay nang papasok na ako sa cleanroom. Habang papatapos na akong magbunny suit, may pumasok na isang tao pero hindi ko pinansin at sa salamin pa rin ako nakatingin. Tapos may pumasok ulit na tao na napag-alaman kong si kuya Alvin pala kasi tinawag niya ako. Nang lumingon ako sa kanya, nakita ko na ang lalaking pumasok kanina ay si Rowell pala. Napalingon tuloy ako kay Rowell tapos siya naman, sa loob ng cleanroom nakatingin at may tinatawag na tao. Ako naman lumapit ng bahagya kay Rowell, mabango pa naman ako dahil kaka-spray ko lang kaya dagdag appeal sa akin. Lol. Matapos kong sagutin yung tanong ni kuya Alvin, pumasok na ako sa airshower kasama si Casey na tinawag pala ni Rowell kaya siya nasa labas. Nandoon din si sir Robert at inaasar nanaman ako. Medyo nag-safe answer lang ako kasi nandoon din si Casey at kasama ko pa sa airshower. Hahaha.

Sa uwian naman, habang papalapit na sa hintuan yung shuttle, napalingon ako sa likod ng upuan ko at sakto si Rowell pala yung nasa likod (yung nasa dalawahan lang) at nag-aabang din siyang huminto ang shuttle. So sad at hindi gumana ngayon ang "CR" plan ko which is na magc-CR ako ng matagal tapos lalabas at sasakay sa jeep na nakaabang para doon din sumakay si Rowell just in case. Hindi gumana nung time na yun. Ewan ko ba, baka nga hindi pumasok sa loob ng walter si Rowell eh tapos baka sumakay kaagad siya sa jeep na nasa harapan namin.

Please naman, sana maging successful naman ako kahit minsan lang!