It's been a few days since my last entry. Ilang araw na pala ang nakalipas. Wala akong naisulat sa mga nakaraang araw dahil kakaunti lang naman ang mga magagandang nangyari at kaunti lang din ang exposure ni Rowell.
------

Akala ko kanina medyo matatagalan ako sa pagsuot ng contact lens ko. Buti na lang talaga at mabilis kong nakabit kaya ang dami kong naging free time bago umalis ng bahay. Dahil sa mahaba pa naman ang oras, pumunta muna ako kila nanay para maki-wifi at mai-update yung Candy Crush ko. Nang ma-update ko na, lumarga na ako.

Ang sarap ng feeling ng magbiyahe nang walang salamin. Parang feeling ko talaga ang laya ko. Parang ang dami kong pwedeng gawin.

Anyway, sa hintayan ng shuttle, naasar nanaman ako nang makita ko yung shuttle ng Imus. Once na makita ko kasi ang shuttle na yun, alam ko na magsasakay nanaman yung driver nun sa Security Bank which is na ayaw ko kasi hindi ako magkakaraoon ng chance na makatabi si Rowell. Pero nangyari nga ang nasa isip ko. Ang ending tuloy, senti mode muna sa shuttle pero hindi masyadong senti kasi looking forward ako sa mga mangyayari pa.

Ang pagdating ko sa company, ang daming nakapansin na wala na akong salamin at tanging contact lens na lang. Actually na-overwhelm ako kaya sinakyan ko na lang. Pati sa loob ng cleanroom feeling ko nakatingin silang lahat sa akin, ACTUALLY, oo lahat nga sila nakatingin sa akin habang lumalapit ako sa turn-over area. Edi ayun, todo pansin sa akin ng mga katrabaho ko.

Siguro ang unang exposure ni Rowell for tonight ay nung long break. Narinig ko ang tawag ni Jojo sa akin na nanjan na raw si Rowell sa canteen. Nang marinig ko yun syempre naging alerto na ako at tinitignan ko yung cashier. Maya-maya pa, nakita ko na si Rowell na nasa cashier na at nagpapaswipe ng ID. Talagang tinititigan ko siya habang nagke-candy crush ako. Bawat moment talaga at exposure nya, sinusulit ko. Lol.

So sad nga lang at buong magdamag, wala akong nakitang Rowell sa cleanroom. Si ateng guard na kakuntsaba ko ang nagsabing hindi pa siya pumapasok. Nalaman ko lang na pumasok si Rowell nung magbebreak time na ng umaga. Wala na akong nagawa at umasa na lang ulit na makikita ko rin siya sa ibang oras.

Kanina naman sa uwian, medyo muntik na ulit kaming magkasabay sa jeep kung naging mabilis lang si ateng nasa South Star Drug. Ang bagal niya kasing kumilos kaya nung nakapagwithdraw na ako sa ATM, papalabas na si Rowell. Nang malapit na ako sa exit, nakita ko yung likod ni Rowell (alam ko kulay ng suot niya) sa jeep na papaalis na kasi puno na. Napabuntong hininga na lang ako pero sa loob loob ko, okay lang kasi first night pa lang naman. May 3 nights pa.

Sana swertehin na talaga ako. Please! :)