Napansin ko lang, simula nang makapagdecide ako na susundin ko ang sinasabi ng puso, parang ang daming nangyaring maganda na pabor sa akin. Naging maganda talaga ang outcome ng araw na to.
------

Nangyari ng maaga ang naging highlight ng araw ko. Mag-aalas nuebe ng umaga kanina ng magdecide akong lumabas para mag-CR at para magbakasakali na makita ko si Rowell. Nang makalampas ako ng konti sa Mizu, nakita kong lumabas sa "exit" si Jojo at isang GL na nagmamadali na si Rowell pala. Ayun kinutuban na ako na baka lumabas din kaagad siya kasi parang may kinuha lang siya sa loob. Nang malapit na ako sa "entrance", nakita ko mula sa sulok ng mata ko na may papalapit sa labasan pero hindi ako tumingin sa taong yun. Nang makarating na ako sa "entrance", nakita ko yung San Roque na si Jeff na naglilinis ng mat kaya hindi namin magagamit yung "entrance". Dali dali akong pumunta sa "exit" pero pagpunta ko naman, nakasarado at may tao sa loob na papasok sa cleanroom. Kaya tuloy, naghintay ako at napatingin ako sa taong katabi ko na nalaman kong si Rowell pala! Grabe, naging malapit ulit ako sa kanya. Nagtetext siya nung time na tumingin ako directly sa kanya kaya hindi siya bumalik ng tingin. Siguro magiging tensionado ako kung sakaling tumingin din siya sa akin. Haha. Anyway, paglabas ng mga tao sa loob ng air shower, agad na kaming pumasok ni Rowell sa loob. Naka-ilang beses akong katok sa labas bago kami pagbuksan. Nung magpapafrisk na ako, hindi ko mapigilang mapangiti kasi nakikita ko si Ate Guard na nakangiti rin dahil alam niya kung ano ang iniisip ko. Pinilit ko talagang hindi mamula that time kasi baka nakatingin sa akin si Rowell nang hindi ko namamalayan. Lol.

Nung nasa CR na ako, hindi pa rin ako maka-move on kasi nakangiti pa rin ako sa loob ng CR. Medyo tinagalan ko sa loob para pagbalik ko, wala na si Rowell. Pagpasok ko ulit ng office galing CR, kinantsawan ako ni Ate Guard. Sabi niya kompleto na raw araw ko. Hahaha. Ayun pagpasok ko ng cleanroom binalita ko kaagad kay Jojo ang nangyari.

Nung breaktime na, medyo naging iba ang mga pangyayari. Naging tensionado ako nang mga oras na yun kasi medyo sumama ang pakiramdam ni Jojo. Bigla na lang siyang nahilo kaya nagstay siya malapit sa guard at hindi daw siya makatayo kasi nahihilo nga daw. Maya-maya pa, nagdecide na kami ni Sir Raden na alalayan si Jojo papuntang clinic. Halatang-halata na itsura ni Jojo na nanlalambot siya at parang masusuka. Nang makarating kami sa clinic, doon na siya sumuka. Buti na lang at naging mabilis ang kilos ko kaya hindi nagkalat doon si Jojo. Nang okay na ang sitwasyon ni Jojo, bumalik na kami ni Sir Raden sa linya.

After nun, balik ulit sa saya dahil nakita ko ulit si Rowell nung magbebreak na kami ng long break. Nakita ko siyang may dalang cart na may nakapatong na lote at mga documents. Hindi niya ako nakita kasi nasa pila ako ng magpapafrisk. Buti nga hindi nila ako kinantsawan kundi mamumula nanaman ako at magkakaroon ng atensyon.

Ngayong araw nga pala ang schedule ko para mag-exam. Medyo nagreview ako ng konti bago pumunta sa PTE. Sa LSI-3 na pala yung headquarters nila kaya ang layo ng nilakad ko. Actually, hindi ko na inaasahan na mapeperfect yung exam lalo na't hindi na kagaya ng dati yung exam sa computer. This time kasi, hindi na nakikita yung score kaya hindi mo alam kung may mali ka or tama. At tsaka katabi ko si ma'am Sarah kaya kahit ganun pa rin yung format ng exam, hindi ko naman magagawa yung ginawa ko dati kaya ako nakaperfect. Okay lang naman sa akin na hindi ko maperfect ang exam at least I did it once at tsaka 75 pesos lang naman ang reward. Bukod pa doon, wala na.

Next na maganda ngunit nakakahiyang nangyari ay nung magbebreak na kami ng 5:30. Hindi ko kasi namalayan na nakapila rin pala si Rowell sa frisking area kaya etong sila Grace, nangangantsaw nanaman. Ako naman kunyari pinapatahimik ko sila kasi maingay para naman palabasin na hindi ako affected, pero deep inside, medyo nahihiya ako at kinakabahan. Kinakabahan ako kasi baka makagawa ako ng atensyon. Pero buti na lang at nalampasan ko yun at hindi nahalata ni Rowell. Haha.

Ngayong araw na rin ang last day ni Mark kaya nagpa-ice cream siya. Medyo konti nga lang yung ice cream pero okay pa din, at least nagpa-ice cream siya.

Siguro medyo haging yung pagsasabay namin ni Rowell sa abangan ng jeep kasi naglalakad lang ako ng mabagal tapos siya naglalakad ng mabilis. Mas pinili ko ring lakarin yung tabi ng kalsada tapos siya naman, nilakad yung madilim na part. Nung nakababa na ako sa kalsada, may jeep na akong nakita na medyo maluwag. Actually nakita ko sa sulok ng mata ko na napatingin si Rowell sa jeep na sasakyan ko at medyo kumabig siya ng lakad at papunta na rin sana sa jeep na sasakyan ko. Kaso, yung jeep na sinakyan ko, nagmadali naman kaya paupo pa lang ako, umaandar na. Ang ending tuloy, hindi nakasabay si Rowell kaya siguro pinagpatuloy niya na lang ang pagpunta sa abangan ng jeep.

Sana bukas mas maraming opportunity ang mangyari.