It's been few days since na nagsulat ulit ako. Ewan ko ba, pero nararamdaman kong walang mangyayari sa amin. Yung feeling na hanggang pangarap mo lang siya. Nangangarap kang makausap siya, maging kaibigan siya, maging ka-close siya, yung nakakausap mo siya ng komportable. Siguro it's about time para tigilan ko na yung kahibangan kong ito pero iba talaga ang sinasabi ng puso ko.

Habang patagal ng patagal, napapansin kong mas lumiliit yung tsyansa kong makita, makasama at makasabay si Rowell. Malakas ang pakiramdam kong alam na niya ang tungkol sa akin kaya gumagawa na siya ng way para hindi kami magkita at magkasabay tuwing uwian. Actually gusto kong tanungin si Casey about kay Rowell kaso baka yung pagtatanong kong yun ang magsilbing mitsa para malaman nga ni Rowell ang tungkol sa akin.

Actually, medyo naiinis na ako sa mga taong nakakasalamuha kong masyadong interesado sa buhay ko ngayon. Pagnakikita nila ako puro crush life ko yung topic. Kanina nga pagpasok ko ng office, puro crush life ko ang naririnig ko. Wala ako sa mood ng time na yun kaya dedma lang ako. Dedma talaga at lumabas na rin ako kaagad.

Sa canteen naman, nagpadagdag din sa lakas ng pakiramdam ko na umiiwas nga si Rowell dahil hindi na siya pumupwesto sa pwesto nila. Dati rati lagi ko siyang nakikita sa lamesa nila pero ngayon, hindi ko na talaga siya makita. Pero kahapon nakita ko naman siya sa canteen sa may dulo sa bandang kaliwa namin, yung katabi mismo ng harang na may halaman.

Siguro yung pinaka-highlight ng araw ko ngayon ay bago magtaiso ng outgoing. Pagbalik kong galing CR at pagkatapos kong isuot yung bunny suit at papunta akong salamin para isuot naman ang headgear, nakita ko si Rowell na lumabas ng airshower at magpapafrisk. Actually, parehas kaming nakatawa nang makita namin ang isa't isa. Precious ang moment na yun kasi nakangiti kami parehas. Pagpasok ko sa loob ibinalita ko kaagad yun kila Jojo.

Nung uwian na, nagdecide akong hindi muna ako maghahabol na magkasabay kami ni Rowell sa jeep. Ewan ko ba pero siguro yun muna ang magandang gawin para mawala muna yung iniisip niyang sinusundan ko siya at gustong makasabay.

Sa bandang huli, mas pipiliin ko pa rin ang sinasabi ng puso ko...