Buong magdamag dinamdam ko yung pagkadismaya. Dismayado ako dahil feeling ko, lumalayo na siya sa akin. Hindi na siya tumatabi sa akin at pakiramdam ko rin na nakakaramdam na siya na sinusundan ko siya.

-------

Nagsimula ang lahat sa shuttle papasok. Akala ko magiging tagumpay na rin ako pero nagkamali pala ako. Kung kailan naman nandoon na ako sa pwesto namin, tska naman umupo si Rowell sa harapan ng inuupan ko na pwesto ko kahapon. Siguro talaga sinasadya niya na doon umupo kasi para paasahin lang ako. Nung time na yun sobra talaga akong nadisappoint to the point na nainis ako sa kanya kasi nag-iinarte siya. Ang dami nang pumasok sa isip ko kaya hindi ko na napansin ang traffic sa may SM. Ewan ko ba, parang gusto kong maluha sa inis at pagkadismaya.

Nakasimangot tuloy akong naglakad sa locker at iniisip pa rin kung bakit ganun yung nangyari. Hanggang sa break area iniisip ko pa rin yun kahit kasama ko na sila Kuya Gil, Jojo, at Grace. Nung mapalingon ako sa hallway, sakto naman na naglalakad si Rowell kaya MULI, nagkatinginan kami. Yung tingin ko sa kanya parang may hinanakit pero saglit lang naman yung tingin na yun at tuloy sa pagkukwentuhan kila Jojo.

Dahil sa pagkadismaya na rin, sinabi ko sa sarili ko na trabaho na lang muna ako sa buong gabi. Sinabi ko sa sarili ko na ititigil ko muna yung pag-iisip sa kanya dahil naiinis pa rin ako at nanghihinayang.

Pero kahit anong gawin ko, parang may time na nagkakalapit pa rin kami sa isa't isa. Kaninang madaling araw bago mag-alas tres, naiihi ako kaya lumabas muna ako sa cleanroom. Habang papalabas ako, napatingin ako sa molding at nakita ko sa malayo ang isang nakaheadgear na blue na malapit sa isang malaking makina. Naisip ko kaagad na baka si Rowell yun pero deadma lang ako at lumabas na ako sa cleanroom. Pagbalik ko galing CR at habang nagbibihis ako, nakita ko si Rowell na papalabas ng cleanroom. Kaya ang eksena, nasa harap ako ng salamin habang nagbibihis samantalang si Rowell naman ay nagpapa-Frisk. Tinignan ko siya habang nakatalikod siya pero pumasok na ako sa air shower. Actually, nilakasan ko yung pagpindot sa air shower. Ewan ko, bigla ko na lang ginawa yun kasi naalala ko nanaman yung nangyari sa shuttle.

Hanggang sa uwian disappointed pa rin ako. Kahit anong gawin ko kasi, hindi ako nagtatagumpay. Sa harap ako ng shuttle umupo para makita ko ang dapat kong makita at para na rin makapasok sa walter ng mabilis. Okay naman yung naging flow ng plano ko nung una kasi paglabas ko, may nakatambay na jeep na kakaunti lang ang laman. Inisip ko na matagal pa mapuno yun kaya may time si Rowell na makasakay. Pero MALI nanaman ako. Sobrang tagal bago lumabas si Rowell ng walter kaya medyo puno na yung jeep. Dahil nasa harap ako ng jeep, nakikita ko ang mga pasahero sa iba't ibang direksyon. Maya-maya pa, nakita ko na lang si Rowell na naglalakad papunta na ng sakayan. Natulala na lang ako sa nakita ko. Ayokong isipin na talagang hinintay niyang mapuno yung jeep bago siya magpakita, pero parang ganun talaga eh. Naghahanap din siya ng way para hindi kami maging malapit sa isa't isa. YUN yung nararamdaman ko ah.

Ewan ko ba, habang patagal nang patagal, mas humihirap para sa akin yung mga sitwasyon. Hanggan kailan kaya tatagal yung ganito? Kailan ba ako hihinto sa kahibangan na to? :(