Medyo may pagka-Hollywood ang title ko ngayon. Eh kasi ba naman, ilang beses kaming naging malapit sa isa't isa at take note, ilang beses ko din siyang nakita sa loob ng cleanroom. Although medyo nakakahinayang yung unang part ng gabi ko, okay lang naman kasi nakabawi naman sa buong magdamag. Haha.

------

Akala ko kanina nung nakita ko yung Imus shuttle, isasakay niya ulit yung mga nasa security bank. Nung nakita ko yun, medyo kalma lang ako tapos sumunod na rin na dumating yung favorite kong shuttle. Malas lang at may nauna sa pwesto ko na pwesto rin ni crush kaya sa unahan ng pwesto ako umupo, yung sa may buntis. Nang dumating na kami sa security bank, nabuhayan ako kasi nakita ko na maraming nag-aabang. Meaning, hindi nagsakay yung Imus. Actually kahit sa malayo, kitang-kita ko si Rowell na naka-yellow at nagmamadali siyang pumwesto pasakay. Syempre nag-abang ako sa kanya at nung naramdaman kong papalapit na siya sa akin, umusog ako tapos kunyari nagcecellphone. Akala ko talaga sa tabi ko siya mauupo kasi pupwesto na siya eh kaso bigla na lang siyang lumipat sa likod na kung saan yung PWESTO talaga namin. Sobra talaga akong nanghinayang ng time na yun. Ewan ko ba, parang gusto kong sumigaw pero hindi pwede tapos tumabi pa si Johnny, kaasar.

Ayun, tuloy pa rin kahit pangit ang start ng gabi. Second night na pala namin na kakarampot lang ang input kaya hindi ako masyadong naghahapit.

Nung bandang alas nuebe ng gabi, naririnig ko nanaman sila Jojo na sumisigaw na nasa loob si Rowell. Okay naman sa akin na ginagawa nila yun para ma-inform din ako. Sinabi nila na magkasama sila ngayon ni Casey at nagkukwentuhan sa may inspection area ng Map Wide. Ako naman, nag-isip kung paano ko sila makikita. Naisip ko na kumuha ng blade kahit na hindi naman kailangan para lang makita ko sila. At yun nga, nakita ko sila na nagkukwentuhan. Mabilis ko lang silang nilingon kasi baka makita nila ako. Nung nasa labas na ako, naisip ko na rin na ibigay kay ma'am Rema yung mga naitatago kong blade na walang record. Habang nilalagyan ko ng note yung mga blade ko sa table ni ma'am Rema, nakita ko sila Jojo at Amy sa bintana na parang may sinasabi at binabalak. Naisip ko kaagad na may kinalaman yun kay Rowell at sa akin.

Tama nga ako, may plano sila. Nung nasa air shower kasi ako, nakikita ko sila Jojo na tumatawa. Deadma lang ako pero deep inside nagtataka ako kung bakit. Nang paglabas ko ng air shower, Boom! Pilit akong hinahatak ni Jojo papunta kila Casey at Rowell. Edi super hatak ko rin naman kasi ayoko ko ngang pumunta doon kasi nahihiya talaga ako. Tapos eto namang si Jojo, sigaw ng sigaw ng Casey! Haha.. Parang ewan nga eh. Baka akalain ni Rowell na kay Casey pa ako nagkaka-crush. Lol. Actually medyo malakas si Jojo humatak ah. Eh kasi ba naman namula yung braso ko. Haha. Pero okay lang, medyo nakakatuwang nakakahiya naman yung moment na yun.

Then bumalik na ako sa work pero hindi pa rin ako maka-move on. Ang taas pa rin ng adrenaline ko. Yung parang hindi ako makapag-concentrate sa trabaho pero fortunately, hindi naman ako nagkamali, lalo na sa mga sulat ko. Hahaha.

Yung sumunod na nakapagpataas ng adrenaline rush ko ay nung after short break. Sakto kasi nung papasok na akong office, may nakita akong anino na papunta rin sa office at boom! Tama nga ang hinala ko na si Rowell yun. Sabay tuloy kaming pumasok sa office. Ang ganda ng moment na yun kasi ang konti ng tao. Ako, si Mark, si Rowell at yung guard lang ang nasa office. Sabay kaming nagbunny suit ni Rowell pero mas nauna siya sa air shower. Gusto ko sanang sumabay sa kanya kaso hindi ba masyadong halata kapag ganun?

Actually, dalawang beses nangyari ang ganung moment. Yung moment na yun ay after naman ng long break. This time, Ako, si Robert, si Jojo, si Mark, at yung guard ang nasa office. Etong si Jojo kumanta pa ng "Sana Dalawa ang Puso Ko" habang nagbibihis kami ni Rowell ng bunny suit. Pinilit kong hindi magblush at maging kalmado para hindi maging halata at para hindi ako mabuking. Tulad ng kanina, mas nauna si Rowell sa air shower. Medyo mabagal kasi ako kaya nauuna siya tapos kinakantsawan pa ako ng guard. Buti na lang at nakipag-kuntsaba ako sa guard na kapag pumasok si Rowell, tatawag siya sa loob o kaya naman, ako ang tatawag sa labas para tanungin yung guard kung nasa loob ba si Rowell. Hahaha.

Konti lang ang lote sa magdamag pero feeling ko ang dami-dami kasi hindi ako makapagconcentrate ng derederetso. Lagi ko kasing nakikita si Rowell sa loob lalo na doon sa may inspection area na malapit sa area namin sa Dicing. That time naririnig ko yung mga tawa nila at yung mga boses nila. That time din na nakikita ako ni Rowell na nagpiprint, nag-iinspect ng wafer, at sinubukan ko ring magpa-impress sa kanya. Ipinakita ko lang naman sa kanya kung paano ako mag-operate kasi kunyari may titignan akong data sa S-48. Pinili ko yung S-48 kasi ayun yung kitang-kita ni Rowell lalo na't natatanaw niya yung makinang yun sa pwesto niya. Kunyari may tinitignan akong data kasi may lotslip ako tapos tinignan ko rin yung blade exposure kahit na alam ko naman na mataas pa rin. Haha.

Nung mag-aalas kwatro na, hindi ko na siya nakita kaya pumwesto na ako at fininalize ang linya para sa audit.

Nung uwian na, hindi nakasabay sa shuttle ng Dasma si Rowell kasi late na silang lumabas kaya nag-Imus na lang siya. Pero kahit Imus siya, nagkita kami sa Walter. Nung nakita ko siya, medyo nag-abang abang ako saglit at nagtingin tingin sa mga stalls. Siguro kung mas inagahan ko ang paglabas ng walter, magkasabay siguro kami sa jeep. Nung lumabas kasi ako, nakita ko siyang nasa loob na ng jeep sa harap kaya imbes na sumakay ako sa jeep na sinasakyan niya, naglakad na lang ako sa sakayan. Baka kasi isipin niya na porket nakita ko siya sa harapan ay sasakay na rin ako. Gusto ko sana talaga sumakay kaso nga MASYADONG HALATA. lol! hahaha..

Sana mamayang gabi marami pang mangyaring maganda at please lang, sana magkatabi kami sa shuttle mamaya. PLEASE LORD! :)