Well, it's been 4 days since yung last na sulat ko dito. Actually kaya inabot ng ganun katagal ang hindi ko pagsulat, nawalan kasi ako ng gana. Bakit? Eh kasi tumamlay yung crush life ko. Yep, naging madalas yung hindi ko siya makita. Kung makita ko man siya, saglit lang and worse, hindi talaga. Kaya kahit maraming nangyaring maganda bukod sa crush life, hindi na talaga ako ginanahan pa. Kaya ako nagsulat ngayon kasi medyo naging maganda naman ang panggabi ko at may medyo magandang nangyari kanina sa uwian.
-------
Kanina habang naghihintay ng shuttle, excited ulit ako dahil panggabi. At pag panggabi, may chance na maka-shuttle or makatabi ko si Rowel. Pero yung yung excitement na yun biglang nabasag nang makita ko yung Imus shuttle na nauna. Bigla akong nainis kasi alam kong magsasakay yun sa security bank. Tama nga ako, nagsakay nga sa security bank kasi wala nang sumakay doon.

Anyways, tinanong ko kay Jojo kung nakita ba niya si Rowell pero hindi niya raw napansin. Noong una, may hinala pa akong nag-leave siya kasi nung OT ako, may nakita akong parang tolda sa eskinita nila kaya naisip kong baka may patay sa kanila. Pero maya-maya pa, sinabi sa akin ni Jojo na sinabi raw ni Casey na naiwan daw ng shuttle si Rowell. Lol. That time, natawa ako na na-turn off ng kaunti. Ewan ko ba. Pwede naman kasing agahan niya para makasabay siya eh. Siguro na-traffice yun sa may La Salle. Sana dumating yung time na sa harap ng BPI na rin siya mag-abang.

Ang first exposure niya kagabi ay nung after ng long break. Habang papasok ako ng office, may nakita akong lalaki na nasa hallway at tapat ng Molding. Bigla ko kaagad naisip na si Rowell yun kahit na malabo yung pagkatingin ko. Nalaman kong tama pala ako nang biglang pumasok sila Jojo, Amy at Grace sa office at biglang sinabi sa akin na si Rowell nga yun.

Ang pinaka-highlight ng araw ko ngayon ay nung uwian na at nung magsuswipe na ako sa chronologue. Paglabas na pagkalabas ko kasi ng office, nakita ko si Rowell na magsuswipe din kasama yung GL na isa na taga-Wirebond yata. Ayun, konti lang yung layo namin kaya naririnig ko yung usapan nila at yung boses niya. Actually sa pila, medyo awkward ang moment kasi hindi ako makatingin sa kanya kaya sa iba ko na lang binabaling yung tingin ko. Buti na lang talaga at hindi ako tumunog kaya medyo nauna akong nakalabas. Pero bago ako lumabas ng entrance, napalingon ako sa nakaitim na lalaki at napag-alaman ko na si Rowell pala yun. Doon ko nalaman na naka-black pala siya. Grabe, timing na timing lagi yung pagtingin ko sa kanya kasi nakatingin din siya sa akin. Oo nga noh, pagnakatingin ako sa kanya, napapansin kong nakatingin na siya sa akin. Siguro namumukhaan niya ako kasi magka-barangay kami.

Then again, sad ending ulit dahil hindi kami magkasabay sa jeep kasi nagwalter mart nanaman siya samantalang ako, naghihintay na parang tanga sa sakayan ng jeep, umaasang makasabay siya sa ganung paraan.

Oh Lord, panibagong buwan na ulit. Sana naman kahit isa sa amin ay magkaroon ng lakas para kausapin ang isa't isa. Hays!