I started the day right. Nagwiwish ako ng good vibes nang sa gayon naman ay hindi masira ang araw ko. Napansin ko lang kaninang umaga, ang daming sumakay ng shuttle at it's been a long time since yung huli naming sakay kay Magabong tulin. Haha. Well tama nga ako na hindi magda-Dasma si Rowell kasi pang-umaga. Ewan ko ba, dati rati naman nagda-Dasma yun.

Naging normal naman ang start ng pagpasok ko until nung nagtaiso na. Nung malapit na kasing matapos yung taiso, na habang inaayos ko yung head gear ko, parang may komosyon doon sa pinto at narinig ko yung pangalan ko. Agad naman akong lumingon kung sino yung pumasok (kasi narinig ko rin na nagbukas yung pinto). Si Rowell kaagad yung naisip ko at tama nga ako. Although hindi ko nakita ang mukha niya at tanging sapatos at bunny suit na dala-dala niya, sinabi lang nila Amy na siya nga yun. Sayang. Hehe.

Since first day naman, okay lang kahit maraming lote. Nasanay naman na ako kapag si ate She ang ka-turn over ko. Bago magbreaktime, habang pabalik na ako sa linya ko galing sa office dahil kumuha ako ng blade, napatingin ako sa lalaking kaharap ni Casey na may binubunot yatang cellphone. As in tinitigan ko talaga habang naglalakad ako kasi busyng-busy yung "lalaki" sa ginagawa niya. Nung medyo lumampas na ako, nakita ko yung pangalan sa likod at number ng "lalaking" yun. Na-gulat talaga ako nung malaman kong si Rowell pala yun. Hindi ko siya nakilala kaagad kasi ang pangit ng bunny suit niya. Akala ko nga kanina San Roque lang eh. Lol. Tapos nun sabay na silang umalis ni Casey tapos sinabi ko yun kay Jojo.

Ang pinaka-highlight ng araw na to ay nung tanghali. Tumambay muna kami ni Mark sa breakarea para maghintay ng oras nang biglang dumating sila Amy, Jojo at Grace. Ayun, nagkwentuhan kami ng konti then maya-maya pa ay naglakad na kami papuntang office (nauuna silang tatlo habang nasa likod ako). Nang malapit na kami sa pinto, biglang lumabas si Rowell! At hindi lang yun, bigla ba namang nagsigawan ng "Jisi!!" yung tatlo tapos nagtawanan sila. Grabe, nashock ako nung time na yun, hindi ko alam kung makikitawa ako kasi nahihiya ako kay Rowell lalo na't nakangiti siya nung time na yun. Inalala ko na baka mabuking ako nung time na yun kaya naman dali-dali na akong pumasok para kuhain yung toothbrush ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko nun at sobrang tense ako. Akala ko talaga katapusan ko na. Akala ko mabubuking na niya ako. Then dali-dali na akong pumuntang Cr pero unfortunately, sobrang puno kaya sa 3rd floor na lang kami nagtoothbrush ni Mark. Buti na lang at wala na si Rowell sa paligid nung umakyat kami.

Moving on, may naganap na pre-Audit kanina kaya pagpasok ko mismo sa loob ng cleanroom, ang dami kong nakitang mga bossing at isa na rito si Ma'am Risa. Kinakabahan talaga ako pag nakikita ko si Ma'am Risa. Feeling ko anytime magtatanong siya. Haha.

Pagtapos nun, medyo balik normal ang lahat. Naubos ko naman ang mga lote at maayos akong nakapagturn-over.

Nung papauwi na, pumasok sa isip ko kung magiistay close ako kay Rowell or magkikeep distance na lang. Sa tingin ko kasi kung stay close, parang wala namang nangyayari. Nananabik lang ako pag malapit lang ako sa kanya dahil takot akong kausapin siya. Pag keep distance naman, iniisip ko na baka may mangyaring maganda like baka magkaroon na ako ng lakas kausapin siya at para na rin hindi halata. Sana within 30 days, or sana sa month ng July, maging mag-friends na talaga kami. Hehe.