Wala akong masabi sa gabing to. Puro kasiyahan at relaxation lang ang nangyari with matching kilig factor! Lol.

Inaamin ko, parang medyo okay na sa akin kung hindi mag-Dasma shuttle si Rowell at okay na din sa akin kung hindi ko siya katabi. Nasabi ko yun kasi nagkaroon na ako ng iba pang way para maging mag-friends kami. Isa na doon yung lagi niyang pagpunta sa second floor para sa Map Wide. Oo, malimit ko na siyang nakikita sa loob at sa office mismo. Minsan pag wala akong ginagawa or stable ang linya ko, tumatambay ako sa M6 para makita ko yung office. Natyetiyempuhan ko siya minsan na nakatambay sa labas at naghihintay. Hehe.

Isang moment na hindi ko nalimutan ay yung pagbaba ko ng shuttle. Imbes na dumerederetso na ako sa entrance, tumingin pa ako sa mga taong pababa at palakad galing sa kasunod na shuttle (which is Paliparan). Then, at instance, sakto kay Rowell yung paglapat ng mata ko. Parang napaka-magical talaga ng moment na yun. Hindi ko akalaing sa kanya pa mismo ako lumingon at nakita kong nakatingin din siya sa akin kaya ibinaling ko yung tingin ko sa orasan. Haha. Parang masyado ngang halata eh. Lol.

Dahil dun, medyo na-inspire akong magwork. Isa pang magandang nangyari magdamag, which is masasabi kong himala, ay ang kawalan ng lote! Yup! For the first time, ngayon lang nangyari na nagkaroon ng server error sa Japan na dahilan kung bakit hindi makakapagbigay ng lote ang chipbank. Sobrang saya that time kasi no stress talaga ang magdamag. Tambay dito, kwentuhan doon, tapos gumawa lang ako ng mga compliance. No stress talaga promise.

First break kaming lahat ng Dicing kasi nagpa-ice cream at chicha si kuya Alvin. Ayun na yata yung pinaka-over break ko sa 2years kong pagtatrabaho sa Rohm. Haha. Wala naman kasing gagawin sa loob kaya tinagalan namin sa canteen.

After nun, more fun ulit sa linya. This time, dinala ko yung cellphone sa loob para magpalipas ng oras. Nung medyo nagsawa na, naging naughty ako sa computer na pang-ukibarai. Nang malaman ko kasi kay Ricky yung password para mabuksan yung mga computer sa network, naisip kong magtrip. Lol. Yung trip na yun ay yung paglalagay kunyari ng text file na may message galing sa ginawa kong imaginary hacking group. Haha. Tapos ang pinakamalupit kong ginawa ay nung madiskubre kong may mga porn files sa computer ng Geb na package engineering kaya pinaglalagay ko sa Shared documents nya yung mga porn videos. Hahaha. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nakita niya yun?? Tawa tuloy ako ng tawa habang ginagawa ko yun. Lol.

Mag-aalasingko na nang magkaroon ng lote. Hindi ko na hinapit kasi restday naman na at late na rin masyado para maghapit.. Tapos bago magturn-over, nabalitaan ko na lang na nasa loob si Rowell mula kay sir Riki na tumawag pa mismo sa loob para lang sabihin yun. Ayun, naglandian kami ke-aga aga. Haha. Then bago umuwi, nag-exam kami ng common sense exam.

Isa pang fun and kilig experience ay sa shuttle. Habang nagsecellphone kasi ako, may lalaking lumapit sa harap ko. Pagtingin ko, si Rowell pala yun tapos narinig ko nanaman yung sipol niya. Siguro nung makita niya ako, dun na siya naupo sa harap ng upuan ko (favorite shuttle ko pala yun kaya dalawahan). Maya-maya pa ay dumating na sila Grace at Jojo para pumunta sa bahay namin.

Hindi na ako natulog sa shuttle kasi hindi naman talaga ako makatulog dahil sa tuwa at kilig na nadarama. Lol. Pagbaba namin ng shuttle nagtungo muna kami sa walter at nakita ko si Rowell na may kinakausap sa phone na parang may hinihintay then maya-maya umalis na siya.

Ang huling encounter ko kay Rowell ay yung sa kanto mismo ng barangay namin na kung saan siya bumababa. Nakita namin siya nila Amy, Grace, at Jojo na naka-jersey. Yes! Nakapang-basketball siya at sobrang puti niya habang suot niya yun. Grabe, speechless ako at eto pa, pasimple akong tumungo sa kanya na hindi ko alam kung napansin niya ba yun kasi lumingon siya agad eh! Badtrip. Haha. Tapos bigla akong nahiya or napahiya, basta! Mas lalo siyang pumogi dahil sa suot niya. Hehe.

Ayun na nga, natuloy na yung pagpunta nila Amy, Grace at Jojo sa bahay. Kumain lang kami then konting kwentuhan tapos konting panood din ng movie na REC 3.

Sobra talaga akong nag-enjoy sa buong magdamag! Sana maulit uli yung ganitong experience at sana talaga, maging friends na kami ni crush! Haha!