Eto na siguro yung araw/gabi na may pinakamaraming exposure niya at exposure ko sa kanya. Hindi ko masasabing sobrang swerte ko ngayon at hindi ko rin naman masasabing malas ako ngayon. Balanced lang pero siyempre, mas dinamdam ko yung mga swerteng naranasan ko sa magdamag. Kanina sa shuttle papasok, hindi ko ulit siya nakatabi kasi tumabi nanaman sa akin si Jeng-jeng. Hindi dapat ako mainis or mairita kasi kaibigan ko siya at kababata. Nakita ko rin na sa likod na umupo si Rowell kaya okay lang. Ang unang kamalasang nangyari sa akin ay yung muntik ko nang maiwan yung payong sa shuttle na nasa tabi ko lang naman. Bumalik tuloy ako sa upuan ko para kuhain yung payong. Buti na lang at may nagsabi sa akin sa likod. Hindi na ako nagtangkang lumingon sa likod kasi nakakahiya. Haha. Maya-maya pa, may sumunod agad na kamalasang nangyari. Papalapit na ako sa walkthrough nang biglang may umapak ng sapatos ko sa likuran. Di ko alam kung nagmamadali ba yung kasunod ko or tatanga-tanga. Medyo nabadtrip ako nung time na yun kasi may mga tao pa sa likuran namin eh. Anyway, sa turn over, may isa pang malas ang nalaman ko pero hindi naman masyadong malas yun. May patrol lang sa machine na tinype change ko. Okay lang na napatrol, wala namang OP number na sinulat si sir Edner at wala namang deviation kasi wala namang naging problema. Habang nagooperate, ineexpect ko na anytime, makikita ko sa loob ng cleanroom si Rowell kasi marami nang input ang Map Wide. Hindi nga ako nagkamali dahil unang beses ko siyang nakita ngayon sa may inspection area sa likod kausap si Casey habang papalabas na kami ng cleanroom dahil breaktime. Akala ko susunod na lalabas si Rowell kaso hindi pala siya nagbreak. Sumunod na encounter namin ay yung kumuha ako ng blade. Actually, kinukutuban na talaga ako na makikita ko siya sa labas pag kumuha ako ng blade at tama nga ako. Sakto pa at may lote kaya nagkaroon ng pagkakataon na makita din ako ni Rowell na nagpapasok ng lote at kumukuha ng blade. Hindi ako mapakali nung mga oras na yun. Feeling ko nakatitig sakin si Rowell. Haha. Agad kong pinasok yung mga lote tapos naglabas ako ng isa pang pushcart para magka-encounter ulit kami. Hahaha. Tapos nun ay pumasok na ako sa loob nang masaya. Ibinalita ko kay Jojo yung nangyari kaya nagtawanan kami. Anyway, naka-Smock si Rowell nung time na yun. Pangatlong encounter namin ay yung madaling araw na, bago mag-alas tres. Sabi kasi ni Jojo na nasa labas daw si Rowell, nakatambay, nakaupo sa locker na parang bata. Nang marinig ko yun, ayun, naging alerto nanaman ang isip ko kung paano ko siya makikita at kung paano niya rin ako makikita. Una kong naisip ay ang mag-CR. Buti na lang at nakisama ang pantog ko at talagang naiihi ako nung mga oras na yun. Pinilit kong maging normal ang kilos at pananalita ko nang nasa office na ako habang nakatambay si Rowell. Ayoko ko kasing may mapansin siya sa akin eh. Ayokong mapansin niyang may something sa akin about sa kanya. Buti na lang at hindi ako naging clumsy at nakalabas ako ng office ng maayos. Feeling ko lang, nakatingin siya sa akin habang naglalakad ako. Pagbalik ko galing CR, nandoon pa din siya. This time, nakita naman niya akong mag-bunny suit. Haha. At ang pang-apat naming encounter ay nung after breaktime. Medyo nakakahiya itong encounter na to kasi eto yung time na nakita niya akong naglilinis ng sahig. Yes! Nakita niya ako mismo. Pinilit kong maging relax lang sa ginagawa ko. Mixed emotion nga ako nung time na yun eh. Di ko alam kung mahihiya ba ako dahil sa ginagawa ko or magiging proud. Basta ang alam ko lang, nakita ko siyang nakangiti nung lumingon ako sa kanya sa likuran ko. Hindi ko naintindihan yung sinabi niya eh pero it was clear na hindi para sakin yung sinabi niya, kundi sa kasama niya. Tapos nun ay nag-usap sila ng Operator niya. Take note, doon pa mismo sa pinupwestuhan ko kaya hindi ako nakakilos pero ang advantage, sobrang lapit ko sa kanya at tinitignan ko siya ng hindi niya namamalayan. Hahaha. Umalis na rin siya nung pumasok na sa loob yung operator niya. Although hindi ko nga lang siya ulit nakatabi sa shuttle, naging masaya naman ako nung uwian dahil kausap ko si Aldrin. Ang topic namin ay tungkol sa crush ko, kung paano ko siya iaapproach, kung ano ang sasabihin ko sa kanya, kung paano ako magpapakilala, basta madami. Humingi rin ako ng ilang advices para hindi ako masyadong matense kapag nakikita ko siya. Sumatutal, sobrang nag-enjoy ako sa magdamag kahit na maraming trabaho! Haha. Sana ganito rin mamayang gabi..(except sa dami ng lote! lol..)