Nakakatuwa yung title ko for today. Eh kasi naman talagang unexpected yung nangyari kanina. Hindi ko inaasahan na magiging ganito katense at kasaya ang araw ko.

Kaninang umaga medyo awkward ang moment habang naghihintay sa taiso sa break area. Doon din kasi nagbreak sila ate Maine at si Manilyn tapos maya-maya dumating na rin si sir Ricky. Habang naglalaro kami ng 4pics 1word, nakita ko si Rowell na naglalakad paputang chronologue. Hindi ako sure kung galing siyang locker or galing siyang canteen. Edi syempre, tumibok ulit ang puso ko. Haha. Anyway, akala ko magkikita kami nila ate She sa break area pero hindi pala. Nauna na siya sa loob ng office tapos hindi na siya pumasok sa cleanroom. Hindi na rin pala ako nagcanteen dahil tinatamad ako. Ewan ko kung bakit ako tinamad that time. Siguro hindi pa rin ako makamove on sa nangyari kahapon.

Sa linya naman, medyo maraming natirang lote si Manilyn at marami-rami rin akong na-mount.

Medyo nakakapagod ang araw na to pero ang lahat ng pagod ko ay nawala pagdating ng hapon. For the second time, bumisita ulit si Rowell sa linya! Nalaman kong nasa loob siya kasi ininform ako ni Amy (salamat kay Amy! Hehe..). Matapos kong malaman yun kay Amy, para akong nawala sa sarili na biglang na-excite, natuwa, natense, kinabahan, naging alerto, etc. Haha. Oo, ganun talaga yung feeling ko lalo na't nakita ko si Rowell malapit sa Mizu. Siguro may pinoproduce silang lote para sa Map Wide. Siguro yung pinaka-highlight nang mga oras na yun ay noong magkasalubong kami. Ako papuntang office dahil kukuha ng blade tapos siya papuntang Mizu galing dulo. Tinignan ko siya nang magkasalubong kami pero mabilis lang. Tinignan ko lang kung nakatingin siya sa akin. Actually, hindi masyadong aninag yung mukha niya dahil medyo malaki yung headgear niya tapos mataas pa yung facemask niya kaya talagang mata at kilay lang yung makikita mo sa kanya.

Doon ko rin na-confirm na hindi nga talaga sila magboyfriend ni Casey. Kasi nung pabalik na ako galing office, hindi sila masyadong nag-usap. Hindi sila naging "sweet" sa paningin ko. Parang casual na usap lang yung ginawa nila. Si Rowell nandoon sa harap ng Mizu may ginagawa tapos si Casey naman papalabas na. Nung oras na yun nawala yung pagkacurious ko kung sila na nga talaga.

At the end of the day, okay lang na hindi ko siya nakasabay sa pag-uwi. Marami kasing naging factor. Una, umuulan kaya baka nagstay muna siya sa walter or kung saan man. Pangalawa, baka nag-ibang shuttle, baka Imus. Pangatlo, last day ngayon kaya baka may gala siya sa kung saan. Pero sana hindi magtagal yung ganitong hindi ko siya nakikita or nakakasabay man lang dahil MAMIMISS ko siya. LOL. hahaha!