Yes. That was totally right! Sobrang saya ko talaga ngayong araw na to. Ang daming nangyari. Ang daming masasayang nangyari. Hindi ko inexpect na magiging ganito ako kasaya. Akala ko magiging dull ang araw ko at nagkamali pala ako.

Kaninang umaga sinamahan ko si Jojo sa canteen at doon kami tumambay. Syempre kasama ko pa ang DWB dun at naglalaro kami ng 4pics 1word. Habang naglalaro kami nagmamasid-masid ako kung nasa paligid si Rowell pero hindi ko siya nakita. Magtataiso na nung pumunta na kaming cleanroom.

As usual same pa rin ng situation kaninang umaga except nung shortbreak na. Finally, nakapag-move on na ako at nakisama na ulit ako kila Kuya Alvin at kuya Gil. Wala ng usap usap basta sumama na lang ako tapos yun na, naging normal na ulit ang lahat. Parang walang nangyari ng dalawang araw. Okay na kahit walang usap-usap sa mga nangyari. Pinalipas na lang namin yun.

Anyway, masaya na ulit kaming bumalik sa loob. This time, hindi ko inexpect na mas sasaya pa pala ako. Bukod kasi na nag-ayos na kaming magkakasama, may isang hindi inaasahang bisita ang pumunta sa linya at sa DICING pa mismo - si Rowell! Yup, tama, si Rowell nga yung nakikita kong palakad-lakad. Nakita ko siyang naglalakad sa daan na pinaghihiwalayan ng Diebond at Dicing. Nakita ko siyang nasa likod lang ni Baldo at nakita ko siyang kinakausap si kuya Robert! Aaminin ko, hindi talaga ako mapakali sa linya nung nakikita ko siyang malapit lang sa akin na nagtatrabaho. Lakad ako ng lakad kahit wala naman talaga akong gagawin kung saan ako mapadpad. Gusto ko kasing makita siya at gusto ko rin na makita niya ako. HAHA.. Ang landi ko talaga nung time na yun. Panay tingin ko din sa paligid para mahanap siya. At eto pa, bakit alam ni sir Ricky ang tungkol kay Rowell?! Grabe, nagulat talaga ako dun. Sobrang dami na talaga ng nakakaalam pero ayos lang. Kahit marami ng nakakaalam, hindi ako nakakaramdam ng hiya sa sarili. Siguro kasi ginusto ko to at tanggap nila kung sino ako AT hindi nila ako inaasar o sinasaktan. Sadyang mababait talaga ang mga kasama ko. Hehe..

Well sobrang tagal talaga bago ako nakamove on. Kahit na audit, yung pagbisita pa rin ni Rowell yung iniisip ko. Hehe. Then kinahapunan, back to normal na ulit. No more bitter feelings plus extra HAPPINESS pa. Kahit na hindi ko nakita ulit si Rowell at nakasabay sa uwian, okay lang. SOBRANG KOTA ko na para sa araw na to! LOL!